Chapter 1
"Mabuhay ang bagong kasal"sigaw ng mga taong sumaksi sa kasal nina Leandro at Norma,
bagong mag-asawa sa tinagal-tagal nilang magsyota ay sa wakas sa simbahan rin ang kinahahantungan ng kanilang pag-iibigan.
Mahal na mahal nila ang isa't-isa,kaya sinilyuhan ng pare ang kanilang pag-iisang dibdib at ngayon ganap na silang mag-asawa.
Samantala sa loob ng kakahuyan may dalawang pares mata ang nakamasid sa kanila,matagal na itong may gusto kay Norma.
Ang hari ng mga aswang na si Menandro,umiibig siya kay Norma pero naging balakid ang kanyang katauhan.
Gustuhin man niyang mapasakanya ang babae ay tiyak kamumuhian lang siya nito pagnalaman ang tunay niyang pagkatao.
Kaya isang plano ang nabuo sa kanyang isipan at siya lamang ang nakakaalam nun.
Maligaya ang bagong mag-asawa,di nila alam ang paparating na problema.
Unang gabi ng mag-asawa isang masayang pagsisiping ang nangyari sa kanila ngiti nila'y makikita sa kanilang labi ang walang hanggan na kaligayahan sa isa't-isa.
Paninibugho ang nararamdaman ni Menandro tuwing dumadampi ang labi ni Leandro sa babaeng itinatangi ng kanyang puso.
Gusto na nitong hilahin ang gabi upang maging umaga na.at doon sisimulan niya ang kanyang plano ang angkinin ng paulit-ulit si Norma.
Tilaok ng manok ang nagpagising sa mag-asawa.bagong kasal sila pero kailangan magtrabaho si Leandro.isa itong construction worker.
Kaya mawawala ito ng isang linggo,pupunta ito sa lungsod upang magtrabaho.
Maaga palang ay nakagayak na si Leandro,humalik ito sa labi ng asawang si Norma.
Mahal ko,mag-iingat ka dito ha?pagkatapos ng isang linggo uuwi ako dito,kailan natin gawin ito upang paghandaan ang kinabukasan ng ating magiging mga anak.
Naiintindihan ko mahal,siya umalis kana ok lang ako,tsaka mababait naman ang mgat tao dito sa atin.
Mag-iingat ka sa daan ha? Leandro,maghihintay ako sa pag-uwi mo.
Salamat mahal ko kumaway pa si Leandro sa kanyang asawa.
At ng mawala sa paningin ni Norma ang asawa ay pumunta ito sa kusina.
Si Menandro naman na kanina pa nakamasid sa kanila ay kating-kati na at ng masiguro wala na si Leandro,nagpalinga-linga muna ito sa paligid at mabilis na nagpalit ng anyo.
Ginaya nito ang mukha at katawan ni Leandro pati ang suot nitong damit lahat ng meron ito ay ginaya ng hari ng mga aswang.
At nang makuntento ay naglakad na ito papunta sa bahay ng mag-asawa.
Pumasok ito sa loob at sa bandang kusina nakita niyang nakatayo ang babaeng iniibig,nakatalikod ito naghuhugas ng pinagkainan.
Lumapit si Menandro at yumakap sa likod ni Norma.
Nagulat ito ng makita ang asawa na kanina lang ay nagpaalam na pupunta sa pinagtrabahuan nito.
Oh,mahal ko,akala ko ba magrereport ka sa trabaho mo?ba't bumalik ka?may nakalimutan kaba.
Eh,kasi mahal,namiss kita tsaka bago lang tayo ikinasal kaya maiintindihan ng aking boss kung di muna ako papasok ng isang linggo.
Gagawa muna tayo ng baby ok ba,mahal ko? Pilyong ngumiti si Menandro kay Norma kaya yumakap ito sa inaakalang asawa niya.
Halika na,pasok na tayo sa kuwarto ng makabuo na tayo agad.
Nagpahinuhod naman si Norma sa inaakalang asawa niya.
Habang ang aswang na si Menandro ay nagdiwang sa wakas mapapasaakin kana Norma,at dadalhin mo sa iyong sinapupunan ang aking anak,ang tagapagmana ng aking trono sabi ng isip ni Menandro.
Inumpisang hubarin nito ang kasuotan ni Norma,namilog ang mata nito sa nakitang alindog ng babaeng lihim na iniibig.
Ano kaba mahal?titigan mo na lamang ba ako?
Tinitingnan ko lang ang bawat parte ng iyong katawan mahal ko gusto ko itanim sa isip ko ang kagandahan mo.
Asus halika na leandro,iyong -iyo ako.
Nagawa ni Menandro ang kanyang plano ang angkinin ang katawan ni Norma.sinulit nito ang mga oras at araw na kasama niya ang babaeng magiging ina ng kanyang anak,ang prinsesa ng mga aswang.
Samantala si Norma naman ay naninibago sa ikinikilos ng asawa dati pagnagtatalik sila ay normal lamang ang ginagawa nila.pero ngayon wild na ito at parang walang kapaguran na angkinin siya.
Nagustuhan naman niya ang ginagawa nito sa kanya at naisip niya na gusto lang siguro nitong magka-anak sila agad kaya ganun nalamang ang ginawang pakikipagtalik sa kanya.
Isa lang ang ipinagtataka niya?kailan pa naging magana ito sa pagkain ng pagkaing may halong dugo ng hayop,eh,maselan ito sa ganung pagkain!
Ipinagsawalang bahala nalang niya ito,ang mahalaga ay maalaga ito sa kanya at napapaligaya siya nito tuwing magsisiping silang dalawa.
Sa pinagtatrabahuan naman ni Leandro,hindi siya mapakali para bang gusto niyang hilahin ang mga araw upang makauwi na at makasama ang asawang si Norma.
Ang di niya alam may pumalit at nagpanggap na siya kaya malayang na angkin ng hari ng mga aswang na si Menandro ang kanyang asawa.