Depensa

1582 Words
Dahil napag alaman nila na pinupuntirya din ng mahiwagang nilalang ang mahiwagang salamin napagdesisyunan nilang magtalaga ng mga malalakas na lahi nakayanv protektahan ito. Ang isang bahagi ay nasa Ragon na kung saan ay mahirap pasukin kaya may hinala sila na maaaring ihuli iyo ng nilalang. Ang isang bahagi ay nasa High Elves na kung saan pinamumunuan ni Haring Arlan. Ang dalawa naman ay nasa pangangalaga ng isa sa mga Diyos ng Kalangitan. Si Veridian ay napagdesisyunan na sasama sa ilang light elves upang pumunta sa nasasakuoan ng High Elves. Si Violet naman ay maglalakbay upang hanapin at alamon kung sino ang may hawak ng dalawa pang bahagi ng mahiwagang salamin. Matapos ang pagpupulong napagdesisyunan nila na umalis matapis ang dalawang araw. Bumalik si Violet sa kwarto ni Bunny na kasama ang kanyang kapatid at si Eugene. " Master" wika ni Asral habang papalapit kay Bunny upang yakapin ito subalit sinipa ni Rabbi " Lumayo ka sa kapatid ko" diin na winika ni Rabbi " Isa akong Diyos alam mo ba iyon?" reklamo ni Asral " ano naman? " sagot ni Rabbi ng nakangiti " Ano ang nangyari? " tanong ni Bunny " Matapos ang dalawang araw maglalakbay ako kasama si Asral at Bunny papuntang midworld, kailangan mahanap ang nangangalaga ng mahiwagang salamin" sagot ni Violet " Si Eugene ay isasama ko ganun din so Rabbi" dagdag ni Veridian " Para saan?" tanong ni Bunny " Hindi namin nais na maiwan ang iyong kapatid dito dahil delikado at kailangan sumama sa akin si Eugene papunta sa mga High Elves sa Fiore. Naroon kami upang bantayan ang isang bahagi ng mahiwagang salamin" paliwanag ni Veridian " Sasama ako, ayos lamang ako isa pa kaya kong ipagtanggol ang aking sarili" paliwanag ni Rabbi kay Bunny " Wag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo" pagsangayon ni Bunny kahit na ang tono ng kanyang boses at may pagtutol " Ikaw din ay mag ingat" wika ng kapatid habang haplos nito ang kanyang ulo " Ako kuya di mo ba ako sasabihang mag ingat?" tanong ni Violet kay Rabbi " Eh? Ah? Mag iingat ka din kamahalan" wika ni Rabbi " Kailangan nating magpahinga at maghanda bago tayo maglakbay. " wika ni Veridian at umalis na ito ng silid Sa loob ng dalawang araw ay naghanda ang mga aalis, si Bunny naman at Rabbi ay inubos ang oras magkasamang naglalakad sa hardin kapag walang tao o abala ang palasyo. Lumabas din ang magkapatid sa palsyo at nagtungo sa pinakamalapit na bundok upang magsanay. " Aalis kami ni Kuya upang magsanay" pagpaalam ni Bunny kay Violet " Sama ako" agad nitong winika " Hindi" pagtanggi ni Bunny at Rabbi " bakit naman? Kung gusto mong sanayin ang kapatid mo ako na gagawa. " wika ni Violet kay Bunny " Nagkakamali ka ata, hindi si Kuya ang may kailangan ng pagsasanay" sagot ni Bunny " Aalis na kami at wag ka ng sumama" wika ni Rabbi at iniwan na si Violet sa silid Umalis ang magkapatid sa palasyo ng nakatago ang kanilang mukha. Nakita naman ni Eugene si Violet na nakasilip mula sa malayo. " Ano ang sinisilip mo kamahalan?" tanong ni Eugen kay Violet " Nais kong sundan ang magkapatid, magsasany daw sila at hindi si Kuya Rabbi ang may kailangan nito" sagot ni Violet " Bakit hindi mo sundan, nais ko ding sumunod" biglang wika ni Asral na namggaling kung saan " Malakas si Rabbi" wika ni Eugene " Talaga? Nais ko din sumama" wika ni Veridian na nasa likod pala nila at nakikinig Ang apat ay palihim na sumunod sa magkapatid hanggang sa makarating sila sa bundok. Nakita anila kung paano nagsanay ang dalawa, tunay nga na mahusay si Rabbi at nagagawa nyang patamaan si Bunny ng may bilis at lakas. " Mahusay nga ang kapatid nya" wika ni Veridian " Kahit noong may isa lamang syang binti maliksi, mabilis at mahusay na sya sa pakikipaglaban. Gumagamit sya mahabang tungkod upang makipaglaban kahit noong wala pa ang binting bakal" kwento ni Eugene " Kung ganoon sobra lang talaga mag alala si Bunny sa kapatid" wika ni Violet " Oo, sa totoo lang kayang kaya nya mag isa." sagot ni Eugene " Teka tignan niyo may ginagawa sila" wika ni Asral " May ituturo ako sa iyong depensa, ito ay ang pagpapatigas ng ating mga muscle na sing tigas ng bakal. Kahit anong apoy o makapanirang kapangyarihan ay hindi masisira ito. Subalit tandaan mo hanggang limang minuto lamang ang tinatagal nito." paliwanag ni Rabbi sa magkapatid " Naiintidihan ko kuya" sagot ni Bunny " Kung sa search pinapalawak mo ang nasasakupan ng iyong enrhiya dito ay ikakalat mo labas ng iyong katawan. .... pikit at pakiramdaman mo ang pagkalat ng enerhiya sa katawan mo at patatagin mo ito" gabay ng kapatid nya kay Bunny Nagsimulang mabalutan si Bunny ng itim na kulay ang kanyang balat. Pinatayo sya ng kanyang kapatid na nagbago din ang kulany ng balat at umatake. Sa unang sipa ay nadurog ang itim na bumabalot kay Bunny. " Kulang pa.... dagdagan mo pa ang enerhiya na gagamitin mo." wika ng kapatid kay Bunny Sinunod ito ni Bunny ngunit patuloy na nasisira ang kanyang pananggalang. Pinagpahinga ni Rabbi ang kapatid nya ng saglit at tinignan ng kanyang kamay upang malaman ang daloy ng enerhiya sa kanyang katawan. " Hm?" pagtataka ni Rabbi " Ano ang nagyari, wasak ang imbakan ng enerhiya mo. Hindi rin maganda ang daloy nito ang daming nakabara sa daluyan nito." tanong ni Rabbi " ........... " Nanahimik lamang si Bunny, " Hindi ba sabi ko sanayin mo ang sarili mo sa pagkontrol ng enrhiya? Ang huling beses kong nakita ito ay dalawang taon na.... Inaasahan ko na sasanayin mo ang iyong sarili upang pag naituro ko sa iyo ang depensang ito ay di na tayo mahihirapan" wika ng kapatid na tinititigan si Bunny nakangiti ito pero ramdam ni Bunny ang talas ng tingin ng kapatid " Isng taon ma akong tumigil" mahinang pag amin ni Bunny " Tsk.... takbo at wag kang titigil hanggat di ko sinasabi" utos ng kapatid at dali dali tumakbo si Bunny Habang tumatakbo si Bunny narinig ni Rabbi ang ingay sa likod ng mga puno. Sila Violet naman ay abala sa pagninilip ng mawala si Rabbi sa kanilang mga mata. " Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Rabbi habang nakangiti sa kanila " Hehehehe, namamaayal kami" sagot ni Violet " Ahhh, sige" wika ni Rabbi at ng paalis na sya pinigilan sya ni Veridian " Hinahamon kita" wika nito " Mahal na prinsipe...." hindi pa tapos magsalita si Rabbi ng magpakawala ng suntok si Veridian Napahinto si Bunny at nakita nya sila Violet. " Anong nangyayari?" tanong ni Bunny habang tumatakbo ng di umaalis sa kanyang pwesto " Hinahamon kita Rabbi mula sa lahi ng mga Hare sa isang laban. " wika ni Veridian " Wag kayong mag alala, sabihin na lang natin na parang sparring ito" wika ni Violet Tinanggap ni Rabbi ang hamon ng prinsipe, samantala si Bunny ay nagpatuloy sa pagtakbo. Unang umatake si Veridian, sinuntok nya mukha ni Rabbi at nakaiwas ito subalit kahit hindi ito tumama nasugatan ang kanyang mukha. Muli umatake si Veridian at sa pagkakataong ito sinalag na ito ni Rabbi gamit ang kanyang binti. " Hehehe, ang galing nito... Mukhang may tumatapat na sa lakas ni Veridian....." aliw na winika ni Violet " Tama ka, pinaka mahusay si Prinsipe Veridian sa hand to hand combat sa bansa ng Marcus bukod sa pagkamaalam sa ibat ibang spells." dagdag ni Eugene Nagpatuloy ang labanan ng matalo si Veridian ni Rabbi. " Mukhang kailangan ko pa magpalakas" wika ni Veridian habang nakahiga sa damuhan " Malakas ka na, masyadong tensyonado lang ang muscles mo kaya mabagal ang iyong mga galaw." payo ni Rabbi sa kanya " Inaasahan ko ang pagturo mo sa akin" " Opo, " sagot ni Rabbi sa prinsipe " Kuya!!! Pagod na ako... " reklamo ni Bunny na tumatakbo pa din " Lumapit ka dito" utos ni Rabbi Tinignan nya muli ang daloy ng enerhiya sa katawan ni Bunny. " Mas maganda na, simula ngayon tuwing umaga tumakbo ka ng dalawang oras. Sanayin mo din ang depensang itinuro ko" wika ni Rabbi sa kapatif " Baka pwede mo ako turuan ng depensang iyon?" tanong ni Violet " Hindi pwede" madiing sagot ni Rabbi kahit nakangiti ito " Bakit ba ganyan ka sa akin kuya," malungkot na wika ni Violet " Hindi ko ibibigay sa iyo si Bunny" wika ni Rabbi Dumating ang araw ng pag alis, nag kanya kanya na sila ng pupuntahan. Ang paglalakbay ni Rabbi kasama sila Veridian ay nagtagal lamang ng tatlong araw at nakarating na sila sa Fiore. Sinalubong sila ng mga elves na may takip sa mga mata. " Haring Live bakit maybtakip ang mga mata nila?" tanong ni Veridian ng mapansing lahat ng elves sa Fiore ay may takip na tela sa mata " Kung kaming mga light elves ay may mga puting mga mata na nakakakita ng enerhiya at kung anong klase ito sa bawat nilalang ang kanilang mata na kulay itim at nakakakita ng hinaharap ng taong matititigan nila. Nakokontrol naming mga light elves ang kakayahang ito subalit sila'y hindi" paliwanag ni Haring Live Sa gitna ng Fiore ay may malaking puno ito ay nagliliwanag at masarap sa pakiramdam sa twing malalapit ka dito. Dumiretso si Haring Live sa Hari ng mga High Elves. " Haring Live, kinagagalak ko ang iyong pagpunta dito" wika ni Haring Orion ang hari ng mga High Elves na kilala sa kanilang kahusayan sa pakikipaglaban at depensa. " Narito kami upang balaan kayo na maaring pumunta dito ang isang nilalang at kunin ang mahiwagang salamin. Kasama ko ang prinsipe ng Marcus upang tayo ay tulungan" paliwanaag ni Haring Live "Tinatanggap ko ang pagtulong pagkat nakipag alyansa kami sa Marcus subalit, ang depensa ng Fiore ay hindi pa nasisira" wika ni Haring Orion na ipinagmamalaki ang kanilang depensa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD