Ang Simula

1573 Words
Makalipas ang isang araw mula ng mapagaling ni Psycha si Bunny nagising na ito. Unti unti syang bumangon sa pagkakahiga ng makita sya ng isa sa mga harpy atinawag sila Violet at Asral. " Master!!!" ngawa ni Asral papasok ng silid at niyakap si Bunny " Nagising ka na din" dagdag ni Asral " Tinakot mo ako" wika ni Violet ng makapasok ng silid habang hinatak si Asral papalayo kay Bunny " Tsk, ano ba ang ginagawa mo?" reklamo ni Asral kay Violet " Kakagising lang niya ang ingay ingay mo na" sagot ni Asral " Ayos lang ako" wika ni Bunny " Narito pa din tayo sa gubat ng mga Harpy?" tanong ni Bunny " Uhmmm. Pinauna ko na ang mga sundalo kasama si Kalil pabalik sa Marcus. Susunod na din tayo pag nakabawi ka na ng lakas" sagot ni Violet Tumahimik ai Bunny at biglang naisip ang kanyang kapatid, " Umuwi na tayo.. mag aalala si Kuya pag nalaman nyang nakabalik sila Kalil pero tayo ay hindi" Pakiusap ni Bunny sa kanila na nag aalala sa kapatid. Alam nila Violet na nais nang umuwi ni Bunny pero hindi pa ito nakakabawi ng lakas. " Hindi pa pwede, mananatili tayo dito hanggang sa makabawi ka ng lakas" wika ni Violet na may diin " Oo nga, isa pa paniguradong hindi mag aalala ang iyong kapatid. Kakausapin sya ni Kalil ng maayos" pagsang ayon ni Asral kay Violet upang kumbinsihin si Bunny Sinubukang tumayo ni Bunny subalit sya ay natumba. " Sa oras na makatayo ka na, aalis na tayo" wika ni Violet at iniwan na sila sa silid Bakas sa mukha ni Bunny ang inis habang tinutulungan sya ni Asral makaupo sa kama. " Hindi mo sya masisisi, sya ang naiwan dito para bantayan ka. Nakikita nya kung paano ka unti unting nawawalan ng buhay." paliwanag ni Asral kay Bunny habang hinahawakan ang mga kamay niya " Wala kaming koneksyon kundi ang kontrata naming dalawa " sagot ni Bunny " Alam kong easy lang lagi si Violet, laging nagbibiro at may pagka makasarili.... at madalas ay nanggagamit sya ng tao kahit nakakasakit na sya at nasasaktan na nya ang sarili nya.... pero alam mo ba hindi sya masamang tao, pinoprotektahan nya ang mahalaga sa kanya at possessive din sya. Mahalaga ka sa kanya bilang ka partner at hindi bilang taong gumagawa sa kontrata" paliwanag ni Asral " Magpapahinga muna ako" winika ni Bunny at iniwan na sya ni Asral upang magpahinga Nakita ni Asral si Violet na nakaupo sa ilalim ng puno. Lumapit sya dito at umupo malapit sa kanya. " Hahaha, ang matigas na si Violet Marcus ay tila lumalambot na" pang aasar ni Asral " Ilang buwan ko na syang kasama pero sa tuwing kasama ko sya nakakaramdam ako ng kapayapaan. Totoo sya sa mga sinasabi nya at ginagawa, napakabuti din ng kanyang kalooban at mapagmahal. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal na ibinibigay nya sa kanyang kapatid.... hindi gisto ko ng higit pa duon" wika ni Violet habang nakatingin sa langit " ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Asral " Matapos ang malawakang kaguluhan at ang pagpapatalsik namin sa aming hari sisiguraduhin kong hindi mawawala sa tabi ko si Bunny" sagot ni Violet Nang marinig ito ni Asral nagbago ang kanyang itsura sumimangot sya at sinabing, " Kung ano man ang koneksyon nyo ay matatapos na iyon pagkatapos ng kontrata niyo. Hindi ko nais na gawin nya ang mga bagay na di nya gusto" " Bakit ba sobra na lamang ang pag aalala mo sa kanya?" tanong ni Violet na halong inis " Hindi ko kailangang sagutin ang iyong tanong. Hanggat hindi sya napapahamak at nasasaktan hindi ko sya pipigilan" wika ni Asral Tumayo si Violet at hinawakan ang balikat ni Asral, " wag kang mag alala dahil sisiguraduhin ko na makukuha ko ang pagmamahal nya ng hindi ito pinipilit" Bumalik si Violet sa silid ni Hunny at nakita na pinapakain ito ng Harpy. " Ako na dyan" wika ni Violet at kinuha sa kamay ng Harpy ang mangkok Nakangiting lumapit si Violet at sinubuan si Bunny. " Akala ko papaalisin mo ako, miukhang napagtanto mo na.... na ako ay tama hindi ba? Hahahaha.... napakahusay ko talaga" tuwang tuwa sinabi ni Violet habang si Bunny ay nakasingot sa kanya " Pag nakabawi na ako ng lakas aalis na tayo ha? " mahinang wika ni Bunny " Pangako" sagot ni Violet " Naalala ko ikaw ang nakita ko noong araw na iyon na akala ko ay panaginip. Ang mga mata mong kulay lila.... napakaganda" wika ni Bunny kay Violet " Ganoon mo ba kagusto ang mga mata ko? Ibibigay ko sa iyo ito kung nais mo?" pagbibirong sagot ni Violet kay Bunny " ........ tsk" tunog ng pagkainis ni Bunny habang tinititigan si Violet " Biro lang pero kung gusto mo ang mga mata ko bakit hindi mo ako pakasalan? " tanong ni Violet kay Bunny " Ayoko nang kumain, nasusuka na ako sa iyo. Shoo shoo" sagot ni Bunny " Grabe ka talaga, oo na aalis na basta available lagi yung offer ko" wika ni iolet at lumabas na ng silif Dalawang araw na ang nakalipas at malakas na si Bunny. Sa loob ng dalawang araw na nakalipas walang ginawa si Violet kung hindi isingit ang kasal na inaalok nya kay Bunny na minsan ay pinagtatalunan nila ni Asral hanggang sa magkapikunan at makapag sabunutan silang dalawa. Tinititigan lamang sila ni Bunny at sinasabi sa sarili na " mga isip bata". Ngunit, napansin ni Bunny ang pagiging maalaga ni Violet at laging pagdikit nito sa kanya na kung minsan ay kinikilabutan na sya. " Bakit ba dikit ka ng dikit?" Inis na tanong ni Bunny " Napaka manhid mo lagi naman akong nakadikit sa iyo di ba? Ngayon mo lang napansin dahil sa kasal na alok ko" sagot ni Violet " ( Talaga ba? ) Ewan ko sa iyo... Isa pa bakit kita papakasalan di naman kita gusto" wika ni Bunny kay Violet " Tsk tsk tsk,,, ako ang pinakagwapong mag aanyaya sa iyo ng kasal, magaling din ako makipaglaban, mabango din ako ano pa ba.... matalino ako at gustong gusto kita" sagot ni Violet kay Bunny habang pinupuri ang sarili " Eh? gwapo? Lagi ka nga nakamaskara at wala kang dahilan para magustuhan ako maraming babae dyan na mas ganda sa akin na bagay sa iyo" reklamo ni Bunny at aalisan na nya si Violet ng piigilan sya nitosa paghatak sa braso papalapit sa kanya Habang yakap yakap ni Violet si Bunny inalis nya ang maskara nya. " Gwapo ako di ba?" tanong ni Violet " Ha,( matangos na ilong, magandang mukha, lilang mga mata, labing tila malambot at nunal sa ilalim ng kanang mata) tsk oo na gwapo na...." sagot ni Bunny habang nilalayo ang tingin kay Violet " Siguro nga madaming dahilan at maraming magandang katangian ang ibang binibini kaysa sa iyo.... subalit wala akong mahanp na dahilan kung bakit ikaw, ang nais ko lamang ay pagmamahal mo" wika ni Violet kay Bunny Pumalag si Bunny at nakawala sa yakap ni Violet, " tsk, hindi mo ako kailangan" Tumakbo palayo si Bunny habang si Violet ay tinitignan si Bunny na papalayo na may mapupulang piski. " napaka cute" bulong ni Violet sa sarili at isinuot na muli ang maskara. Naglakbay na pabalik sina Violet at nakarating sa kaharian. Dumiretso agad si Bunny sa kanyang kapatid, nagyakapan ang dalawa at nangamusta sa bawat isa. Samantala si Violet naman ay tinawag ng hari para sa isang pagpupulong na inihanda. Sumama si Asral upang magjng tenga at mata ni Bunny habang nagaganap ang pulong. " Kamusta " tanong ni Haring Live ang hari ng mga light elves " Haring Live, magandang araw sa inyo ni Reyna Azula at sa ibang bisita" pagbati ni Violet sa dalawa habang nasa silid pulong sila. Naroon din ang Haring Dominic, Veridian at mga representante ng ibang hari at reyna. " Ipagpaumanhin mo ang pagpapatawag sa iyo at kakauwi mo lamang" wika ni Reyna Azula " Walang problema ang bagay na iyon"sagot ni Violet " Nabalitaan namin ang nangyaro sa kasintahan mo. Hindi mo na dapat isinama si Bunny" wika ni Haring Dominic " Hiindi ko mamaaring hindi pagbigyan ang aking kasintahan at nag aalala sya sa kanyang mga kibigan" sagot ni Violet " Napahamak sya dahil duon. Hindi sya nakikipaglaban at di mo dapat asahan ang elf na si Kalil o ang mga sundalo na protektahan ang nobya mo" wika ng hari " Ama, pinagsisisihan kong hindi ko agad nasoklolohan si Bunny ngunit hindi ko hahayaang mamatay sya ( mabuti na lamang at napakiusapan ko si Kalil na wag sabihin sa aking ama na kasama si Bunny sa nakipaglaban ) " papiwanag ni Violet " Ang mahalaga ay magaljng na sya, hinihingi ko ang tawad at di sya naprotektahan ni Kalil" paghingi ng paumanhin ni Haring Live " ........." nanahimik ang lahat " Simulan na natin ang meeting,nasabi na ang kaabam ay di pangkaraniwan at ilang mga makapa gyarihang nilalang ang natutulog ay nagising o mga nangamatay na nabuhay. Isa pa ay may kinuha ang nilalang na ito sa pangangalaga ni Reyna Azula" pagsisimula ni Haring Live ng pulong " Kinuha nya ang putol ng mahiwagang salamin na nasa aming pangangalaga" wika ni Reyna Azula " Ano ang meron sa salamin?" tanong ni Veridian " Ang salamin ay kayang magpakita ng nakaraan at hinaharap ngunit ang pinaka nakakatkot dito ay kaya nyang tumawag ng mga nilalang na nanggaling sa nakaraan at hinaharap.... isa itong daan" paliwang ni Reyna Azul " Kung nakuha na ang sa inyo, nasaan ang ibang bahagi?" tanong muli ni Veridian " Ito ay nasa mga High Elves, Ragon, ang dalawa pang bahagi ay walang nakakaalam maliban sa mga Diyos ng Langit" sagot ni Haring Ljve " Kung ganoon simulan na natin ang pag plaplano" pahayag ni Haring Dominic
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD