Sa Bingit ng Kamatayan

1443 Words
Pagka- alis ni Asral dumiretso ito sa Diyos ng araw na si Pollao. Pagkarating sa tirahan ni Pollao si Asral ay dinala sya nito sa hardin upang makapag usap. " Asral, ang Diyos ng buwan kamusta ang dating Diyosa ng buwan na si Yumi." tanong ni Pollao kay Asral " Nakakulong pa din ang dating Diyosa" sagot ni Asral " Bakit narito ka? Hindi ba't may pinaglilingkuran ka na Hare?" tanong ni Pollao " May kailangan ako sa iyo" sagot ni Asral " Alam mo bang nahihirapan din ang Diyosa ng buwan na si Arteya, Dalasin mo ang pagbisita sa kanya" wika ni Pollao " Ang Hare, kailangan nyang magamot. Isang nilalang ang umatake sa kanya. Ito ay may nakakatakot ana presensya. Nasunog ang loob ng baga nya kahit nahawakan lamang sya nito sa binti" kwento ni Asral kay Pollao Kitang kita ni Pollao ang pag aalala no Asral. ( Isang nilalang na nagawang saktan ang loob ng katawan wa pamamagitan ng paghawak lamang sa panlabas na bahagi? Hindi ko alam kung sino ito, totoo ba ang naririnig ko?) " Sabihin mo, totoo ba na may magsisimula ng malawakang paninira?" tanong ni Pollai kay Asral " Maaari ko bang sagutin ang katanungan matapos mo ako matulungan. Maaarjng mamatay si Bunny" pakiusap ni Asral kay Pollao " Hindi kita matutulungan pero may kakilala ako subalit.... paano ko ba ito ipapaliwanag hindi siya klase ng nilalang na basta basta tumutulong" paliwanag ni Pollao " Kung ganoon ituro mo sya sa akin at pupuntahan ko sya" Ipinaliwanag ni Pollao na ang kanyang hinahanap ay ang nimpa na si Psycha, isa itong sinaunag nimpa na may kakayahang pagalingin at bigyang lakas ang kahit anong nilalang na nasa bingit na ng kamatayan. Si Psycha ay may makukulay na pakpak tulad ng sa paru- paro, mailap, hindi ito basta basta tumutulong sa mga nangangailangan. Matatagpuan ang nimpa sa norteng bahagi ng bansang Higantes. Ang bansang Higantes ay hindi basta basta nagpapadaan ng dayo na galing sa ibang lahi. May maiikli silang pasensya ngunit mangatwiran, may nakakatakot silang lakas ngunit magigiliw sa mga maliliit na hayop at mapagmahal sila sa kalikasan. Alam ni Asral na kahit sya ang Diyos ng buwan ay hindi sya basta basta padadaanin ng mga Gantes dahil pinoprotektahan nila ang nimpang naninirahan sa norteng bahagi ng kanilang bansa. Isang araw at dalawang gabi na walang tulog at patuloy sa paglalakbay si Asral. Minsan ay dinadalaw sya ni Arteya at nakikipag usap sa ilalim ng buwan. Sa unang gabi ng paglalakbay nakita ni Arteya mula sa buwan si Asral. Si Arteya ang Diyosa ng buwan sya ay may itim na buhok at mga mata, sya din ang Diyosa na may hawak na mahiwagang salamin na nagsasabi ng katotohanan. Si Arteya ay may lihim na pag ibig sa Diyos ng buwan ngunit hindi ito alam ni Asral. " Hindi ka ba magpapahinga?" tanong nito kay Asral na bakas ang pagod at pag aalala " Karamihan sa Diyos ng kalupaan ay nagkakaroon ng kasunduan sa mga nilalang na mas mababa sa atin, kaya nga pares ang bawat Diyos upang ang isa ay maglingkod sa ibaba at ang isa ay manatiling gabay mula sa itaas..... ngunit, alam mo din na hindi tayo nagiging malapit sa kanila. " winika ni Arteya kay Asral na nagpapatuloy sa paglalakbay " Mahalaga sya sa akin, hindi ko sya nais biguin sa hiling na kanyang hiningi. Alam mo kung bakit ako nagkakaganito kaya't wag mo akong sermonan" sagot ni Asral kay Arteya " Alam ko, kung nakapagbitaw man ako ng salitang di mo nais ay inihihingi ko ito g patawad. Ang punto ko lamang ay dapat mong ihinahon ang iyong sarili pagkat ilang oras na o araw na lang ay mawawalan ka ng malay." pag aalalang winika ni Arteya na nalulungkot at naaawa sa itsura ni Asral " ........... ha " " Magpahinga ka at matulog, ihahatid kita sa paroroonan mo." suhestyon ni Arteya sa pagod at nag aalalang si Asral Sinunod ni Asral ang payo ni Arteya,nagpahinga sya habang si Arteya ang kumokontrol sa mahiwagang ulap upang magpatuloy ang paglalakbay ni Asral. Kinaumagahan, si Asral na ang nagpatuloy sa pagkontrol ng ulap pagkat oras na upang magpahinga si Arteya. Habang naglalakbay narinig nya ang boses ni Pollao at kinakausap sya nito. " Mukhang pinag alala mo na naman si Arteya." wika ng boses ni Pollao " Alam ko, ngunit alam mo ang dahilan ko" sagot naman ni Asral " Nakatulog ka na at nakapagpahinga dahil sa kanya, paslamatan mo sya. " dagdag ni Pollao " Nagpasalamat na ako," Buong araw muli naglakbay si Asral ahanggang sa ang araw ay lumubog na at nagtago. Muli nagpakita si Arteya at pinagpahjnga nya muli si Asral. Kinabukasan ay nakarating na si Asral sa Bansang Higantes. Papalapit pa lamang si Asral auy hinarang na sya ng dalawang lalaking Gantes. " Ano ang nais ng Diyos ng Buwan sa aming bansa?" tanong ng isa sa mga Gantes. " Padaanin nyo ako at kailangan ko ang nimpa na si Psycha" sagot ni Asral " Hindi maaari, hindi kami papayag.... Ang nimpa na Psycha ay hindi nais na makipag usap sa kahit kanino. " wika ng isang sundalo " Ako ang Diyos ng buwan mas mataas sa kahit nino man kaya padaanin niyo ako" diin ni Asral sa kanila Bigla isang Gantes ang lumapit sa gate na kung saan pinagpipilitan ni Asral ang pagdaan. " Asral, ano at nagpupumilit ka na makadaan?" tanong ng hari ng mga Gantes na si Rock " Nasa bingit na ng kamatayan ang aking master, padaanin niyo ako nang makarating ako sa nimpa" wika ni Asral Kitang kita ni Haring Rock ang pagkabalisa ni Asral, ang nanginginig na mga kamay nito na tila may kinatatakutang mangyari, mga matang ilang oras na lang luha na ang tutulo. " Papasukin niyo ang Diyos ng buwan, na kay Psycha pa din ang desisyon" utos ng hari " Ngunit" pagtanggi ng isa sa mga sundalo ngunit pinapasok pa din nila sa Asral na dumiretso agad agad at nagtungo sa norte. " Kamahalan sigurado po ba kayo, panigurado magagalit sa inyo ang nimpa" wikang isa sa mga sundalo " Nakita mo ba ang itsura na isang iyon, madlas ako makakita ng desperado para sa kanilang buhay ngunit hindi para sa buhay ng iba. Isa pa may mga balitang nalalagay tayo sa isang malawakang digmaan at kaguluhan" sagot ng hari sa kanila Pagkarating ni Asral ay nagtungo sya sa pinakamataas na puno na namumulaklak ng kulay rosas na bulaklak. Tinawag ni Asral ang nimpa, " Ang Diyos ng buwan ay narito magpakita ka sa akin" pagtawag ni Asral Hindi lumabas ang nimpa na si Psycha ngunit nagpadala ng mensahe gamit ang kanyang tinig. " Hindi ako tumatanggap ng bisita Diyos ng buwan" " Hindi ako narito upang bisitahin ka. Narito ako para humingi ng tulong. Ang aking pinaglilingkuran ay nasa bingit ng kamatayan. Tulungan mo sya" wika ni Asral " Kung mamamatay na sya at oras na nya ay hindi ko na dapat ito pigilan pa." sagot ng tinig ni Psycha " Hindi sya dapat mamatay, nakikiusap ako ang nilalang na nanakit sa kanya ay hindi pangkaraniwan. Hinawakan lamang sya nito ngunit nasunog ang baga nya" pakiusap ni Asral sa nimpa Nanahimik nang ilang sandali ang nimpa, bigla ay liwanag ang puno at nagpakita ang nimpa na si Psycha, tulad ng sinabi ni Pollao ito ay may pakpak tulad ng sa paru- paru, may makulay na buhok at kahel na mga mata. " Sigurado ka ba?" tanong ng nimpa " Uhmmm" " Sasama ako kung nasaan ang pinaglilingkuran mo subalit, hindi ko maipapangako ang kaligtasan nya" wika ni Psycha sa kanya Ilang araw ng wala si Asral nakita ni Violet ang pagbabago ng itsura at panghihina ni Bunny. Namumutla ito at hirap na sa paghinga. Tinignan ni Kalil si Bunny at napansin ang paghina ng pulso ni Bunny. " Humihina na ang pulso nya" wika ni Kalil kay Violet Nanlumo si Violet, " nasaan na sya?" Bigla ay dumating si Asral kasama si Psycha. " Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Violet na sobtang nag aalala na kay Bunny Tinignan ni Psycha ang kalagayan ni Bunny sa paglapat ng kanyang palad sa dibdib ni Bunny. " Isang Hare, at.... ( Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang pag aalala nya sa kanya)" wika ni Psycha Tinulingan ni Psycha si Bunny upang mawala nasa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay. " Maraming salamat" pasasalamat ni Asral " Ginawa ko ito dahil ang lahi nila ay hindi dapat nalipon ng araw na iyon" wika ni Psycha " Kailan sya magigising" tanong ni Violet " Huwag ka ng mag alala, kailangan na lamang nya bawiin ang kanyang lakas" sagot ni Psycha Kinabukasan nagpaalam na si Psycha upang bumalik sa norte. Nakahinga na sila ng maluwag at iniutos ni Violet ang pag alis ng mga sundalo at ni Kalil upang mag report na sa kaharian at sila ay susunod na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD