Harpy's Forest

1525 Words
Nagkakagulo ang mga harpy sa gubat ng Aero, ang sinaunang halimaw at dating hari ng mga harpy at iba pang may pakpak na nilalang na si Avalerion ay muling nabuhay sa kanyang pinaghimlayan na kweba. Si Avalerion ay tao, ngunit ang braso at nya ay tulad ng sa ibon. Kulay lupa ( brown) ang kanyang buhok na may balahibo ng ibon, kulay lupa din ang kanyang mga mata na kayang makakita higit sa sampung kilometro. Kilala ang dating haring Avalerion bilang mapangdikta sa mga nasasakupan nito, sila ay naka seklusyon sa ibang lahi at ang pag aaklas ng mga nasasakupan nito dahil sa ang kanilang hari ay sumasamba sa Demon na si Tavara, ang night demon na nagbibigay ng kahilingan sa bawat isang libong buhay na iaalay sa kanya. Marami ang nasawi sa mga nilalang na nasasakupan ni Avalerion ngunit, bago pa nya maabot ang isang libong buhay sya ay natalo ng mga ito sa tulong ng isang lahi na hindi ipinakilala at itinago ng harpy. Ang pagkabuhay ni Avalerio ay nagdala ng takot sa gubat ng Harpy na nakarating sa hari ng Marcus. Tulad ng pinag usapan nila ng mga light elves at water spirits kailangan nilang mapigilan ang sakuna na maaaring dalhin ng kaaway. Noong napag alaman ito ni Haring Dominic ipinatawag nya si Violet. " Ano ang inyong kailangan kamahalan?" tanong ni Violet " A gubat ng mga Harpy nabuhay si Avalerion na sinasabi nilang matagal nang nahimlay. Tulungan niyo ang mga harpy at imbestigahan ang nangyari. Isang elf ang sasama sanpagpunta mo sa gubat. " paliwanag ni Haring Dominic kay Violet " Ilan amg maaari kong dalhin na sundalo? " tanong ni Violet sa hari Tumayo ito at sinabing, " magdala ka lamang ng limampung sundalo, marunong makipaglaban ang mga nilalang na naroon, bigyan niyo lamang sila ng suporta" Tuma go si Violet at iniwan sa silid ang hari. Dumiretso sya sa kampo upang piliin ang limampung sundalo, dumating na rin ang elf na makakatulong nila. Bukod sa patulis na tenga, ginintuang mga buhokat puting mga mata ang elf na nag ngangalang Kalil ay may marka ng pulang rosas sa kanyang pisngi. " Magandang umaga ako si Kalil ang makakasama niyo sa paglalakabay" pagpapakilala ni kay Violet " Ako si Violet, siya si Bunny at panigurado na kilala mo si Asral" sagot ni Violet sa kanya Kinabukasan umalis na ang grupi ni Violet at nagtungali sa gubat ng mga harpy, hindi pa dila nakakalapit at nakakapasok sa gubat ramdam na nila ang nakakatakot na presensya na nanggagaljng sa gubat. Ito ay nakakatakot at malamiv sa pakiramdam na tila ay lalamunin ka nang kadiliman. Pumasok sila sa loob at sinalubong sila ng isang Adar, isang pangkaraniwan ngunit kulay puting ibon na nakakaintindi ng lenggwahe ng mga tao. " Isang Adar, nasaan ang mga harpy at ang inyong pinuno?" tanong ni Kalil " Wit, wit, wit" at pinasunod sila ng puting ibon hanggang sa makarating sila sa isang malaking piramid. Pagpasok nila ay nakita nila ang mga harpy, griffin; nilalang na kalahating leon at agila, caldrices; ibon na kulay puti na nakapagsasabi na kung ang may sakit ay papanaw o hindi, phoenix; ibon na nagmula sa kanyang labi at may kulay pulang balahibo at iba pang mga nilalang na may pakpak. Naroon din ang reyna ng mga harpy na si Amihan. " Kung ganoon ang hari ng Marcus ay tutuling, natutuwa ako ngunit nais ko lang malaman niyo na si Avalerion ay hindi na tulad ng dati. Hindi ko alam kung magagawa namin syang talunin. May napatay na sya noong nabuhay sya at sa tingin ko nagsisimula na muli sya magbilang." winika ng reyna ng mga harpy " Magbilang? Kung ganoon uulitin nya ang dati nyang ginawa. Mag aalay muli sya ng isang libong buhay kay Tavara." wika ni Asral " Kung ganoon kailangan nating masigurado ang bawat atake at plano na dapat nating gawin. " wika ni Violet " Ano kaya ang magandang gawin? " tanong ng griffin na si Gray " Hindi tayo pwede basta basta na lang sumugod" dagdag ni Calla na isang caldires " Wag kayong mag alala, may naisip na ako ang kailangan ko lamang ay ang pag kakaisa niyo." wika ni Violet Matapos ang ilang oras ng pagplaplano pinuntahan nila si Avalerion na sinisira ang bawat madadaanan, hinahanap nito ang mga harpy at iba pang nilalang sa gubat habang ito ay umuungol at sinasabing, " Pang dalwang daan, Asan na... Asan na kayo... tuparin niyo ang ka.. hi...lingan ko....hahaha, papatayin ko kayong lahat" Sa senyas ni Asral sa pamamagitan ng pagpapaulan ng yebe sa kalagitnaan ng araw, umatake ang mga harpy na lumipad sa ibabaw ni Avalerion at inatake gamit ang paggamit sa hangin atgawin itong matatalas na blade. Humiyaw sa sakit si Avalerion at sinubukang abutin at hampasin ang mga harpy gamit ang kanyang pakpak na braso ngunit nakalipad na ang mga ito. Lumipad si Avalerion upang habulin ang mga harpy subalit ang mga phoenix na nagbuga ng apoy at griffin na umatake gamit ang kanilang bilis ay pinigilan at sinira ang mga pakpak niya. Lalong nagalit si Avalerion, " Graaaaahhhhhhhhhh" hiyaw nito at mula sa mga nasirang pakpak panibago ang tumubo at gawa ito sa bakal. Iwinasiwas nya ito at ilang patalim ang tumalsik at tumama ilan sa mga nakapaikot sa kanila. Habang nagwawala si Avalerion umatake muli ang mga harpy mula sa itaas ngunit ilan sa kanila ay natamaan at pumanaw ng sabayan sila sa pag atake. " Hahahahahahaha, papatayin ko mayong lahat" hiyaw ni Avalerion na tuwang tuwa. Ang mga sundalo naman ni Violet ang umatake sa tuling ni Asral at pinagyelo nila ang mga pakpak ni Avalerion. Mula sa mataas na pagtalon sinira ito ni Bunny gamit ang kanyang mga binti. Nawasak ito at kinuha ito nu Violet bilang pagkakataon upang itali si Avalerion ng mahiwagang latigo na kasing tibay ng bakal at lalo pang pinatibay sa basbas ng Diyosa ng araw. Kahit nakatali na ito nagwawala pa din si Avalerion, binabangga ang mga puno at umaatake padin gamit ang mga kalawit sa paa. " Sisipain ko lang ang isang yan ng makatulog" wika ni Bunny Bumwelo na si Bunny upang sipain si Avalerion ngunit napigilan ang kanyang binti, hinawakan ito ng isang misteryosong nilalang na nababalutan ang buong mukha at katawan. " Aaaaahhhhh!!!" hiyaw ni Bunny Hawak hawak pa din ng kakaibang nilalang ang binti ni Bunny ng biglang nakaramdam ng init si Bunny mula sa pagkakahawak nito. Sinusunog ng nilalang na ito ang binti ni Bunny, sinubukan nyang makawala sa pag sipa muli ng kabila nyang mukha patama sa ulo ng kakaibang nilalang. Umatake din si Asral at Violet para pakawalan si Bunny. Inihagis ng nilalang si Bunny at sinalo sya ni Violet. Nakita ni Violet ang binti ni Bunny, ito ay sunog at nawalan na rin ito ng malay. Galit na galit si Violet ng makita ang kalagayan ni Bunny, ibinigay nya ai Bunny kay Kali upang matignan ang sugat. Si Asral naman ay galit din sa kinahanatnan ni Bunny. Ang dalawa ay inatake ang kakaibang nilalang ngunit ito ay nakakaiwas, pinagyelo ni Asral ang paligid at sinubukang abutin ito. Si Violet naman ay patuloy na iwinasiwas ang espada ngunit, hinawakan ng nilalang na ito si Avalerion at naglaho. Naiwan sila sa gubat na may maraming katanungan at pag aalala sa mga kasamahang nasaktan. Nanatili muna ang grupo ni Violet sa tirahan ng mga harpy habang hinihintay na magising si Bunny. " Bakit hindi pa nagigising si Bunny?" tanong ni Violet " Ang baga nya ay sunog, hindi ko alam kung bakit pero bukod sa binti nya maging ang baga nya ay sunog" sagot ni Kalil " Hahanap ako ng gagamot sa kanya. Iiwan ko sya sa inyo. Violet alam ko na hindi gaano katimbang ang buhay nya para sa iyo at isang piyesa lamang sya sa kaligtasan niyo. Pero napakahalaga nya sa akin." wika ni Asral na nakikiusap kay Violet " Napakasakit naman ng sinabi mo, ganun lang ba ang tingin mo sa akin? Hindi ko sya papabayaan" paninigurado ni Violet kay Asral at umalis na ito. Kinagabihan nagising si Bunny at nakita si Violet na nakaupo sa kanyang tabi. Sinubukan nyang bumangon ngunit napansin ito ni Violet. " Nauuhaw ka ba?" tanong ni Violet at inalalayang makaupo si Bunny na naksandal sa kanyang dibdib Pinainom ni Violet si Bunny, bigla ay hinawakan ang kamay ni Violet at tumingin si Bunny sa kanya ng nakangiti. " Mukhang di na ata kita matutulungan, pasensya na." wika nito at yumuko " Ano ba ang sinasabi mo, ginagawan na ng paraan ni Asral ang kalagayan mo" sagot ni Violet at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Bunny na nakasandal sa kanya. " Ikaw na ang bahala kay kuya" mahinang binigkas ni Bunny Kinuha ni Violet ang baba ni Bunny at pinatingin ito sa kanya. " Tumingin ka sa akin, hindi kita hahayaang mamatay. Akin ka naiintindihan mo, may kontrata tayo di ka pwedeng sumuko" wika ni Violet gamit ang nangangatog na boses " Hahaha, umiiyak ka ba sa likod ng maskara mo? Ang mga mata mo, tulad ng taong nagligtas sa akin....napakaganda"wika ni Bunny at nawala ito ng malay " Kalil! Kalil!" takot at sigaw na pagtawag ni Violet sa elf " Wag kang mag alala nawalan lamang sya ng malay, ngunit kailangang bilisan ni Asral" wika ni Kalil
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD