Pagkatapos masabi ni Violet ang plano sinimulan na nila ang pagsasagawa nito. Muli pinagyelo ni Asral si Unkteh at tulad ng dati ay muli nya itong nawasak subalit sunod sunod na bloke ng yelo ang ibinato sa kanya, dinurog ni Unkteh ang bawat bloke gamit ang kanyang buntot at mga braso subalit sa huling tira sumabay si Violet. Itinulak ni Bunny gamit ang kanyang binti si Violet upang mapalipad ito at makalagpas kay Unkteh na abala sa pagsalag at pagdurog sa mga itinitira ni Asral. Nagtagumpay ang plano ni Violet subalit huli na sila at nakawala na si Yacu, nakita nila na naubos ang sundalong dala ni Veridian marami ang nasawi. Agad agad pinuntahan ni Violet ang kapatid, puno ito ng galos at ubos na ang kanyang enerhiya. Hindi na rin umatake si Unkteh at Kampoi, pinuntahan nila si Yacu na tinawag sila. Gamit ang malalaking kamay ni Yacu sinalok nya ang mga Warglan sa tubig at kinain ito maging si Kampoi at Unkteh ay kinain ni Yacu at di man lang pumalag ang dalawa habang sila ay kinakain.
" Yuck" wika ni Violet na tila hindi nag aalala sa pangyayari
" Sinisiguro kong problema ang ibibigay nyan sa atin, hindi na ako makakagamit ng mahika ubos na ang aking espiritwal na lakas." winika ni Veridian sa kapatid
" Ayos lang yan, paniguradong tinawag na ang mga light elves at water spirits kailangan lang nating pigilan sya sa abot ng ating makakaya" sagot ni Violet na nakangiti
Makalipas ang ilang minuto tumalaik silang lahat sa paghampas ng alon ni Yacu.
" Binabawi ko na pala, kailangan na natin sila. Nasaan na ba ang mga iyon?" reklamo ni Violet
" Aatake na naman sya," reklamo ni Bunny
Umiwas na sila ngunit naiwan pa rin si Violet sa ibaba na nakahiga sa may dalampasigan.
" Aarggghh!!" Inis na iwinasiwas ni Violet ang kanyang espada upang patamaan ang alon'g tatangay muli sa kanila ngunit nadala lamang nito at natangay muli.
" Mukhang napikon na ata si Violet" tanong ni Bunny habang lumultang sa karagatan si Violet
" Sa totoo lang di sya marunong lumangoy kaya medyo maikli ang pasensya na" sagot ni Veridian na nakasakay sa ulap ni Asral upang makabawi ng lakas.
" Prinsipe Veridian nakuha na po namin ang prinsipe" sagot ng isa sa mga sundalo at isinakay sa likod ng kabayo si Violet
" Buhay pa ba yan?" tanong ni Asral
" Buhay pa ko" sagot ni Violet at inilabas ang pamaypay at duon sumakay
" Wala ka bang magagamit dyan sa singsing mo?" tanong ni Bunny kay Violet
" Wala, bakit?"
" Kung ganoon ano ang nakita kong mga sandatang nakalutang sa loob nyan?" muling tanong ni Bunny
Napatayo sa ibabaw ng pamaypay si Violet, " hahaha, oo nga ano.... Teka kukunin ko"
Kinakalkal ni Violet ang loob ng kanyang singsing ngunit hindi sya hihintayin ni Yacu. Sinubukan nitong umatake gamit nag aalab na apoy na agad ding sinalag ni Asral.
" Matagal pa ba yan?" tanong ni Asral
" Yup, yup... Naku kaya mo yang pigilan kung hindi matutusta tayo" sagot ni Violet na may halong biro
" Matagal pa ba?" tanong ni Bunny habang tinititigan sya nito ng masama.
" Hahaha, oh eto kuha na kayo." binigay ni Violet ang mga espada sa natira nilang sundalo
" Oh ito para sa iyo," inabot ni Violet kay Bunny ang isang puting pana.
" Saan ang palaso? " tanong ni Bunny
" Hatakin mo lang yan kusa na ang palaso" sagot ni Violet habang inabot ang pulang espada sa kapatid na si Veridian
"Ok na ba kayo? Hindi ko na kaya" wika ni Asral
Sa senyas ni Violet inatake ng bawat isa sa knila si Yacu sa iba't ibang bahagi. Ang mga sundalong nakasakay sa kabayo ay umatake sa may bandang ibaba. Samantalang, sina Verdian at Violet ay nagsama sa lumilipad na pamaypay ni Violet. Dahil napagod na si Asral si Bunny muna ang umatake habang sakay silang dalawa ni Asral sa ulap. Nagpatuloy ang pag atake at pag iwas nila Violet. Ang halimaw na si Yacu ay patuloy na nagwala, ilang beses na din syang natamaan kaya't nangingitngit na ito sa galit. Tinawag nito ang malaking alon na may kasamang kidlat at apoy, pinadausdos nya ito sa grupo nila Violet. Hindi nila ito maiiwasan, tiyak na kamatayan ang kahahatnan nila subalit isang malaking harang gawa sa tubig ang lumitaw at sinalubong ang alon'g itinira ni Yacu. Dumating na ang mga elves at ang spirits ng tubig, pagkatapos salubungin ang along ginawa ni Yacu pumwesto ang bawat isa paikot kay Yacu at sinimulan ang ritwal upang mapatulog muli si Yacu. Hindi pumapayag si Yacu na muli syang mapatulig at makulong sa ilalim ng dagat ng mga water spirits, pumapalag sya at sinisubukang kumawala sa ginawa nilang bilog ngunit sya ay hinaharangan ng mga light elves. Isang sibat na gawa sa liwanag ang paulit ulit na bumabagsak galing langit ang tumatama sa kanya. Ilang oras nagtagal ang pangyayari unti unti na nilang nakulong si Yacu subalit bago pa ito makuling ng tuluyan ang karagatan ay nagkaroon ng maraming ipo-ipo. Kitang kita nila Bunny ang pangyayari mula sa malayo isa itong nakakatakot na senaryo. Habang ang karagatan ay nagwawala nagawa na ng mga water spirits na ikulong muli si Yacu at sa tuling ng mga elves pinag tibay nila ang selyo upang di na ito magbukas.
Matapos ang pangyayari inanyayahan ng hari ang mga elves at spirits sa palasyo upang magbigay ng kaunting pabuya at salo- salo.
Kumatok si Veridian at tinawag si Violet.
" Magsisimula na ang kasiyahan" wika nito sa kapatid
" Sususnod kami ni Bunny pagkatapos nya magbihis. Mukhang mahalaga talaga ikaw sa haro at hindi nya tayo hinayaan mamatay duo " sagot ni Violet
" Pagkatapos nito paniguradong magsisimula na syang kumilos" wika ni Veridian at iniwan na si Violet sa silid
Nagsimula na ang salo- salo. Pinakilala ng hari ang mga elves at spirits na tumulong sa kanila at maging ang mga sundalo at anak nya na unang rumespunde sa kalamidad.
Pagkatapos na salo salo ang bawat pinuno ng elves at spirits ay kinausap si Haring Dominic, naroroon din si Veridian, Violet, Asral at Bunny.
" Bakit narito ang Hare?" tanong ng hari
" Ayos lamang, isa pa ang mga nilalang na nandito ay malaki ang naging kontribusyon kung bakit hindi nakarating sa kalupaan si Yacu." wika ng pinuno ng mga elf.
Ang mga elf ay mga nilalang na mahusay sa pakikipaglaban, matalino at maalam sa mga sinaunang ritwal. Sila ay may patulis na tenga, magagandang nilalang, ginituang mga buhok at kulay puting mga mata.
" Matagal na akong hindi nakakakita ng hare, mga nilalang nama'y puting buhok tulad ng sa yebe at pulang mga mata" sagot ng pinuno ng mga water spirit
Water spirit kilala sa kanilang kulay langit ng balat, buhok at mga mata. Tulad ng sa mga elf maalam din sa sinaunang spells at ritwal subalit sila ay mas kilala sa paggawa ng prisons spells.
" Kung iyan ang iyong nais Hari ng mga Elf, Haring Live at Reyna ng mga water spirits, Reyna Azula" sagot ng hari
" Haring Dominic, isang daang taon nang tulog si Yacu... Ano ang dahilan bakit muli ito nagising? May pangyayari ba na kakaiba na ika'y napansin?" tanong ni Haring Live
" Wala, ang sabi sa akin ng sundalo bigla na lamang lumakas ang alon at nagkarion ng liwanag mula sa ilalim ng karagatan at lumabas si Yacu." paliwanag ni Haring Dominic
" Wala ka bang namataan na sinaunang nilalang na nagpunta sa bansa mo?" tanong ni Reyna Azul
" Bakit? Maaari ba na isang sinaunang nilalang ang may gawa nito?" tanong ni Haring Dominic
" Hindi lang sya basta basta, nasira nya ang spell na nakalagay kay Yacu. Sinuman siya panigurado magdadala sya ng kaguluhan" paliwanag ni Reyna Azul sa kanila
" Anong klaseng kaguluhan? " tanong ni Violet
" Isang malawakang kaguluhan. Subukan mong makipagtulungan sa ibang bansa. Iimbestigahan namin ang nangyari. Kung sino man ito o sino man sila paglipon ang hangad nito" sagot ni Haring Live
Dahil sa nangyari ang mga bagay na dapat isagawa para sa pansarili ay napagpaliban. Tinawag at pinaalam ni Haring Dominic ang nangyari sa lahat ng bansa at lugar kasapi man o hindi ng alyansa nya. Mau mga bansag naniwala at nagsimulang mag imbestiga ang iba naman ay hindi naniwala at inakalang paraan lamang ito ng pananakop at upang sila ay takutin.
" Ano sa tingin mo? Mukhang ang pinaplano ng hari ay hindi matutuloy dahil sa pangyayaring ito. " Wika ni Violet sa kapatid
" Siguro nga pero pwede nya kunin ang pagkakataong ito para mapatay ka. Siguraduhing mong mag iingat ka" paalala ng kapatid ni Violet
Makalipas ang isang buwan sa gubat na pinangangalagaan at tinitirhan ng mga harpy isang liwanag mula sa kweba ang lumiwanag at malakas na alulong ang narinig.