Flag Raised

1793 Words
Pinuri ni Haring Harbon si Bunny na nagawang patamaan sya, " Napakahusay ng anak ni Feya" " Kilala mo si ina?" tanong ni Bunny sa hari Nguminti ito at sinabing, " oo, kilala ko si Feya, nagkakilala kami sa gubat noong isang beses akong bumaba dahil sa galit sa aking magulang. Ang mga lahi niyo ay kilala bilang mapayapa at umiiwas sa gulo na mga nilalang. Ang tingin sa inyo ay mga duwag at takot. Si Feya sa kagustuhan kong maibaling ang galit ko sinubukan ko syang takutin at paglaruan subalit laking gulat ko sinugod nya ako at inatake, hahaha, pinagbantaan nya din ako na lulutuin nya ako at gagawa sya ng sinabawang butiki" Nakita ni Bunny ang ngiti at kung paano ng hari ikinuwento ang kanyang ina ng may respeto at pagkagiliw. Ngunit mas nangibabaw ang lungkot at sakit na meron sa puso ni Bunny. " Kaibigan ka ni ina? Bakit hindi mo sya natulungan ng araw na iyon?" tanong nya sa hari " Hindi ko din inaasahan na mangyayari ang bagay na iyon. Hindi ka din ba nagtataka? Tulad ng sinabi ko sa iyo may likas na katangian ang mga Hare sa pakikipaglaban, sa tingin mo bakit napaslang pa din sila at di nakahingi ng tulong? " sagot ni Haring Harbon kay Bunny Hindi alam ni Bunny ang sagot sa tanong, miski sya ay di rin nya alam ang dahilan. " Kapatid, kamahalan bakit hindi niyo na lamang pag usapan yan sa loob?" suhestyon ni Falcon " Master, may masakit ba sa iyo?" pag aalalang tanong ni Asral " Ayos lang ako" sagot ni Bunny " Teka, hindi ba ang master mo ay si Violet?" tanong ni Falcon Kumamot ng ulo si Violet at sinabing, " hahaha, mahabang kwento" Pimasok na sila sa loob ng palasyo, nakiusap si Bunny na nais nyang makausap ang hati na silang dalawa lamang. " Di ako papayag" agad agad na pagtutol ni Asral " Tama, tama gusto ko din maka usyoso eh... Gusto kong malaman kung ano ang kahinaan ng mga Hare para naman kapag nagalit ko sya may maipanlalaban ako" wika ni Violet na nakangisi Tinitigan ni Asral ng masama si Violet at hinila nya ito sa likod ng damit palayo sa kanila. Nang makalayo at makalabas inihagis ni Asral si Violet. " Easy, pagdating talaga sa kanya nagiging over protective ka. Ganoon mo na lang ba sya kagusto bilang master?"pang aasar na tanong ni Violet kay Asral na nakasimangot " Oo, eh ano naman ang importante nailayo kota" inis na sagot ni Asral habang nakapamewang ito " Wala kang tiwala sa akin ano? Nakaksakit ka ng damdamin sa tagal nating magkasama ginaganyan mo ako huhuhu," pagkukunwarjng malungkot ni Violet na lalo pang nagpaasim nh mukha ni Asral " Di bale na nga ang importante nailabas kita duon" dagdag ni Asral Pagkaalis nina Violet umupo ang tatlo, ang magkapatid na Ragon at si Bunny. " Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari ng araw na iyon?" tanong ni Bunny sa hari ng mga Ragon " May isang bagay na kahinaan ang mga Hare, ito ay ang buwan na kung saan ito ay buo at maliwanag sa kalangitan. Panghihina sa katawan ang kanilang nararamdaman tuwing darating ang araw na iyon" paliwanag ni Haring Harbon " Kung ganoon ay sinugod at piangpapatay nila ang lahi namin ng malamn ang bagay na iyon?" naguguluhang tanong no Bunny " Sa tingin ko ay hindi, imposibleng may nakakaalam ng inyong sikreto bukod sa aming magkapatid" sagot ni Falcon kay Bunny " May ikukwento ako sa iyo, gusto ko ay makinig ka ng maigi." winika ni Haring Harbon Tumango lamang si Bunny at nakinig sa kwento ni Haring Harbon. Ang mga Hare ay kilala bilang mga nilalang na may malalakas na binti na ginagamit nila upang makatakas sa ibang mga lahi. Duwag at takot ang tingin sa kanila kaya't isinasawalang bahala lamang sila. Isang babaeng Hare ang sinasabi nilang pinakamaganda sa kanilang lahi ang nag paibig sa Diyos ng Buwan na si Metrias. Umibig si Metrias sa Hare at ang dalawa ay nag ibigan at naging masaya ngunit isang bagay ang nangyayari sa isang Diyos na umiibig sa mga naninirahan sa mga nilalang sa lupa. Ang pag ibig ay hindi ipinagbabawal ng Diyos ng Kaitaasan ngunit ang magbunga ang pagmamahal na iyon ay nagkakaroon ng malaking dagok sa buhay ng isang simpleng Diyos. Nagigjng mortal ang Diyos na iyon, hindi lamang si Metrias ang Diyos na umibig sa mga naninirahan sa kalupaan. Nakatanggap din ng parusa ang lahi ng mga Hare dahil si Metrias ay ang asawa ng Diyosa na si Yumi. Tuwing maliwanag at bilog ang buwan ang mga Hare ay makakramdam ng di makapaniwalang kahinaan sa katawan. Dahil dito itinago ni Metrias ang mga Hare sa kagubatan na malayo sa anu mang panganib sapagkat isang pangitain ang sinambit sa kanya ng kanyang anak kay Yumi. Isang tao ang maghahangad ng kapangyarihan higit pa sa mga Diyos ang gagamitin ang inyong mga mata upang makamtam ito. Ang taong ito ay mula sa lahi ng mga itim na salamangkera o mangkukulam at mga taong kumokontrol sa ibat ibang elemento o mga Elementalist. Kung ano man ang ritwal na ito ay hindi ko alam at bakit mata niyo ang kailangan. " Nalipon kami dahil lang sa isang tao na sakim at ganid? Ang halaga ng buhay namin ay para lamang sa kanya?" galit na winika ni Bunny " Pinagsisisihan ko ang hindi ko agad na pagresponde ng araw na iyon. Hanggang ngayon ang sakit ay narito sa aking puso, maging ang galit sa aking sarili." Winika nito kay Bunny Pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik na sina Violet sa palasyo. Dumiretso sila sa loob ng kwarto. " Magpahinga ka muna, wag kang lalabas ng kwarto at baka makita ka ng hari. May guto ka bang kainin o kailangan?" tanong ni Violet kay Bunny " Si Kuya?" tanong ni Bunny " Papapuntahin ko sya, kung ano man ang nagyari at nalaman mo wag kang mag alala at malungkot." sagot ni Violet at hinawakan ang ulo ni Bunny Pagkalabas ni Violet umupo sa tabi ni Bunny si Asral at inangklahan " Alam mo na ang nangyari ng araw na iyon?" tanong ni Asral " Oo, teka bakit ang lapit mo sa akin? Di ba isang metro ang layo?" tanong ni Bunny habang nakataas ang kilay " Grabe sya emergency naman ito, malungkot ka kasi." sagot ni Asral habang naglalambing kay Bunny " Teka di ba ikaw ang Diyos ng buwan at si Yumi ang Diyosa kung ganoon ano mo si Metrias na dating Diyos ng buwan?" tanong ni Bunny " Si Metrias? alam mo ba kung sino ang inibig ng dating Diyos?" tanong ni Asral " Ang sabi ay isang Hare, hindi ko kilala kung sino. Bakit?" tanong ni Bunny " Ah ( hindi pa pala niya alam) si Metrias ay aking uncle at ako ang pumalit sa kanya subalit ako ay nakulong dahil sa prinsipe" paliwanag ni Asral Bumukas ang pinto habang nag uusa ang dalawa, si Rabbi ay sumilip at nakita sya ni Bunny. Agad agad tumayo si Bunny at iniwan si Asral ng makita ni Bunny ang kapatid ito ay hindi na nakasaklay. Naipagawa na ang binti nya kaya't nakakapaglakad na ito. Laking tuwa ng makita iyon ni Bunny, hinila nya ang kapatid at pinaupo sa sofa. " Nagawa na?!" Masayang tanong ni Bunny, yumuko ito at tinignan ang pagkakagawa. " Hahaha, napabilis ang paggawa dahil kay Sir Eugene." masayang sagot ni Rabbi sa kapatid at hinawakan nya ito sa kamay " Kuya sa oras na matapos ko ang aking misyon mamasyal tayo" pag anyaya ni Bunny sa kaaptid Masayang nagkwentuhan ang magkapatid habang si Asral ay bumalik muna sa buwan. Hindi rin muna binanggit ni Bunny ang natuklasan sa kanyang kapatid. Kinabukasan, nagising si Bunny at nakitang tinititigan sya ni Violet habang natutulog. Walang anu pa man hinampas nya ito ng unan. " Ang sakit naman," reklamo ni Violet " Hoy, wag mong sabihing pinagnanasahan mo ko!" tanong ni Bunny " Bwahahahaha!!!!! Mahiya ka nga, ang gusto kong babae ay mayumi, mahinhin, sexy at maganda" sagot nito kay Bunny Dinambahan ni Bunny si Violet kaya tumumba ang dalawa at nakapatong si Bunny. Binuksan ni Veridian ang pinto at nakita ang dalawa. " Oh! Sorry sige tuloy iyo lang pero may nag hihintay dito sa labas" winika ni Veridian sa kanila ng nakangiti at dahandahang isinara ang pinto. Pagkasara ng pinto tinignan ni Violet si Bunny na nakayuko lamang sa ibabaw nya. " Ah, pwede bang tumayo ka na? Hehehe" tanong ni Violet " Sinasabi mo bang mabigat ako? Na mataba ako? " mahina pero madiing tanong ni Bunny Unti unting tumingin si Bunny kay Violet nang may panlilisik sa mga mata at ang pinakanakaktakot para kay Violet ay ang ngiting ipinapakita ni Bunny sa kanya na parang gusto syang sakalin. " Hahaha, easy lang. Kalma lang ha... Kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo." winika ni Violet " Tsk" tumayo si Bunny at pinapasok ni Violet sina Veridian. " Dalawang araw mula ngayon magkakaroon ng selebrasyon sa palasyo. Ipapakilala kita bilang kasintahan ko sa lahat" paliwanag ni Violet " Tumututol ako!" sigaw ni Asral na bigla na lang sumulpot " Di namin kailangan ang opinyon mo" pang aasar ni Violet " Mamaya susukatan ka ng damit na isusuot mo. Ipapakilala kita sa lahat at hindi mo kailangang sumagot sa mga tanong na tingin mo ay maglalagay sa iyo sa alanganin. Sabihin mo lang nagkakilala tayo habang ako ay naglalakbay tapos na love at first sight ka sa akin" winika ni Violet " Hindi ba parang mali iyon? Paano ako malo- love at first sight sa taong naka maskara?" tanong ni Bunny " Hahahaha, ok nga ano? Hm? Gusto mo ba makita mukha ko? Kaso baka ma- love at first sight ka na talaga sa akin" sagot ni Violet na tila pinupuri ang sarili " Violet di na importante ang bagay na yan. Bunny paniguradong ipapatawag ka ng hari pagkatapos ikaw ay ipakilala. Malalagay ka sa mahirap na sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang plano ng hari pero panigurado akong gagawin nya iyon sa aking kaarawan isang linggo matapos ang darating na selebrasyon" paliwanag ni Verdian " Naiintindihan ko" Dumating na ang araw ng selebrasyon, maraming dumalo sa kasiyahan suot ang magagandang damit. Ang lugar ay puno ng dekorasyon at masasarap na pagkain. Naunang nagpakita sina Violet at Verdian kasama nang hari sa mga bisita. Hanggang kinuha ni Violet ang atensyon ng lahat. Kabado si Bunny pero kailangan nya itong gawin. Tumayo sa gitna si Violet at sinabing, " Masaya akong makita ang lahat ngunit madadagdagan ang aking kasiyahan kung mararapatin nyong ipakilala ko ang aking kasintahan" Dahan dahang pumasom si Bunny, ang buhok na itinirintas at nilagyan ng kolorete, ang damit nyang kulay pula tulad ng kanyang mga mata. Nagkaroon ng bulungan sa loob ng silid ng makita nila si Bunny. Nang makalapit si Bunny ay hinatak sya ni Violet at hinawakan sa bewang. Tumingin si Violet sa ama at ngumiti, " ama sya ang aking kasintahan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD