Ang mga panahong wala si Violet at pabalik pa lamang sa palasyo mula sa paglalakbay, nagkaroon ng mga di jnaasang pangyayari sa loob ng palasyo.
" Veridian hindi pa ba nankakabalik si Violet? Ilang linggo na syang wala ano ba ang ginagawa nya?" tanong ni Haring Dominic ang hari ng Marcus, siya ay may mapusyaw na kulay dilaw na buhok at parte sa kanang buhok na kulay asul, may bigote at balbas na din ito at siya ay nasa edad na apatnapu.
" Alam mo naman na mahilig sya magliwaliw, bakit ka ba nag aalala ama?" tanong ni Verdian
" Hindi ako nag aalala, may mga bagay lang na dapat nyang gampanan bilang prinsipe ng bansang ito." sagot ng hari kay Verdian
" Matagal na nyang ipinasa sa akin ang mga bagay na iyon. " wika ni Verdian
" Makakaalis ka na, manatili ka sa palasyo at ako ay may aasikasuhin." wika ni Haring Dominic
" Saan kayo pupunta?"pag uusisa ni Veridian sa ama
" Makikipag usap ako kay Haring Molave, mawawala ako hanggang dalawang araw. Pansamantala ikaw muna ang mamahala dito, iiwan ko dito si Vile para tupungan ka sa pamamahala" paliwanag nito kay Verdian
" Hindi bat nagkaroon na kayo ng meeting ni Haring Molave noong nakaraang buwan? Nagkaroon ba ng problema sa inyong pag uusap?" tanong muli ni Veridian
" Kaya nga ako pupunta dahil nagiging maganda ang aming pag uusap" sagot ng hari sa anak na si Verdian
Lumabas si Verdian ng may pag aalala, alam nyang nalalapit na ang pagkilos na gagawin ng kanyang ama.
Dalawang buwan ng nakakaraan nag uusap si Verdian at Violet sa loob ng siliid aklatan.
" May problema ba?" tanong ni Violet sa kapatid na tila lumilipad ang isip
" Itatanong mo pa ba iyan? Alam kong alam mo na hindi ba? Sa ating dalawa ikaw ang pinaka malakas makaramdam at makapansin ng maliit na bagay" sagot ni Veridian sa kapatid
Nagbuntong hininga si Violet at nginusuan ang kapatid, " ano ka ba hindi nya basta basta magagawa ang mga plano nya. Buhay pa ako wag ka mag alala" winika ni Violet
" Parang wala kang inaalala, nagawa mo pang bigyan ng sakit sa ulo ang hari sa pagpapahiya sa prinsesa ng bansang Leon. Sakabila ng mga ginagawa mong walang kabuluhan kumikilos ka ng palihim." wika ni Veridian
" Hahahaha, gusto mo bang sumali?" tanong ni Violet
" Mukhang malaki ang gagawin mo. Hindi ka humihingi ng tuling sa akin pag hindi malaking bagay ang pinaplano mo. Ano ang kapalit?" sagot at tanong ni Veridian sa kapatid
" Susundin mo ba ako sa kahit anong hilingin ko at ipagawa sa iyo?" tanong ni Violet na nakangisi
" Sige ba, kahit anong kabaliwan pa iyan" sagot ni Veridian
" Sabi mo iyan ah, wala ng bawian."
" Oo nga"
" Kung ganoon mamasyal ako sa susunod na buwan, kailangan ko kasi mag soul searching. Pupunta ako sa rebulto ng kataas taasang Diyos para humiling. " wika ni Violet sa kapatid
Tinitigan ni Veridian ang kapatid at sinabing, " Hahaha, nagbibiro ka ba? Soul searching at pag aalay sa kataas taasang Diyos na binabalewala mo? Sa oras na umoo ang Haring Molave malalagay tayo sa alanganin"
" Easy, hindi ako nagbibiro kailangan ko talaga mag soul seraching kasi feeling ko may kulang sa pagkatao ko" paliwanag ni Violet
" Walang kulang sa pagkatao mo sa pag iisip meron. Soul searching ba talaga o baka naman..."
" Hahaha, soul searching lang talaga, stress na ako. Babalik din ako agad. Habang wala ako panigurado babalik yung prinsesang iyon at ipipilit na naman ang kasal niyong dalawa may gusto akong gawin mo para sa kanya... Hahahaha,, bwahahahah"
( Kailan pa natutong tumawa ng parang bruha ang kapatid ko? Kinakabahan ako sa ipapagawa nya. Parang pinag sisisihan ko na ito) sabi ni Veridian sa sarili habang tinititigan ang kapatid na tumatawa na parang bruha
Dumating ang isang buwan at naglakbay si Violet, sumunod naman ay ang pag alis ni Haring Dominic sa palasyo upang puntahan si Haring Molave. Kinabukasan pag alis ng hari ay nagkatotoo ang sinabi ni Violet na babalik ang prinsesa ng bansang Leon. Tulad ng pinlano ni Violet sinunod ito ni Verdian.
Pagkarating ng prinsesa sya ay pinatuloy sa isang pribadong silid at pagkatapos ng pag hihjntay ng kalahating oras ay dumating na si Veridian. Tulad ng sinabi ni Violet dapat ay pag hintayin nya ang prinsesa at pagkatapos ay magsuot sya ng simpleng damit at rumihan ang kanyang sarili. Ang prinsesa ng bansang Leon na si Leona ay may kulay brown na mata at buhok na kulot na umaabot hanggang taas ng balakang ang haba. Mahilig ang prinsesa sa matatamis na pagkain at magagandang bagay kaya nya nagustuhan si Veridian.
" Binabati ko ang prinsesa ng bansang Leon. Prinsesa Leona, ipagpaumanhin niyo at ako ay abala lamang kaya ako ay nahuli" bati ni Veridian
" Walang problema, nais mo bang magpalit ng kasuotan?" tanong ng prinsesa sa kanya
" Hindi ba kaaya aya ang aking itsura? Ako ay nagkaroon ng bagong pagkakaabalahan. Nahilig ako sa pagtatanim ng mga bulaklak. Tutal ganito na rin lamang ang aking itsura nais mo bang makita ang ang mga pananim?" pag anyaya ni Verdian sa prinsesa
" Hahaha ( pilit na tawa) sige nais kong makita" pagpayag ni prinsesa Leona
Dinala ni Verdian si prinsesa Leona sa hardin at pinakita ang mga bulaklak, sinimulan na din nyang magkalkal ng lupa upang maipakita ito sa prinsesa kung paano magtanim. Habang nagkakalkal ng lupa ay narurumjhan nya ang prinsesa na kinaiinis na nito.
" Ahem! Mahal na prinsipe narito ako para pag usapan ang ating kasal na naudlot dahil sa iyong kapatid. Kung ito ang paraan mo ng pag sasabing ayaw mo ako makausap nagtagumpay ka sa ngayon" winika ni Leona at iniwan nya si Veridian sa hardin
( Hm? Nagtagumpay ba ako? Hahaha, di ko akalaing magtatagumpay ang plano ni Violet. Tama lang na ipinahiya ko ang aking sarili. Sa wakas at di ko na makikita ang prinsesa) sabi sa sarili ni Verdian na ngumingiti at nakatingin sa malayo.
Habang nakaligtas si Veridian sa prinsesa ang kanyang ama rin ay nagkaroon ng magandang negosasyon kay Haring Molave. Si Haring Molave ay ang hari ng bansang Arran. Isang hari na hindi nakikiisa kanino man o saan mang bansa ngunit sya ay kilala sa kakayahan nyang pasunurin ang ibat ibang klase ng mga halimaw. Si Haring Molave ay may nakakatakot na presensya, itim na buhok at mga malalalim at matatalas na mata. Kilala sya sa kanyang alagang ibon na Gagana, isang ibon na may pilak na tuka.
" Masaya akong magkaroon ng kasunduan sa iyo Haring Molave, ang iyong tulong ay aking susuklian. Bilang kapalit tutulungan kotang lipunjn ang mga dragong kinamumuhian mo" masaya na winika mi Haring Dominic
" Hindi ko akalaing may kaalaman ka sa sinaunang itim na mahika, ngunit paano kung mabigo ka sa pagpalit ng iyong katawan?" tanong ni Haring Molave
" Walang kamalay malay ang mga paslit na iyon, isa pa kung may sisira man sa aking plano may nakareserba akong pagpipilian" sagot nito sa kanya
Habang pabalik si Haring Domic sa kanyang kaharian at bansa sakay ng isang karitelya na lumilipad sa himpapawid ay naalala nya ang kanyang sarili.
( Kapayapaan na makakamit lamang ng makapangyarihan at malalakas. Kahit ilang beses pa ako lumipat ng katawan ang bansang tinatag ko ay akin lamang. Gamit ang mga matang iyon magkakaroon ako ng bagong katawan na hindi na muli tatanda, katawang hindi na mabubulok o maaagnas. Sa oras na makuha ko ang katawang pinangarap ko ng kay tagal na mga taon papalawakin ko pa ang aking pamumuno di lamang dito sa lupa, maging sa karagatan, himpapawid at maging sa mundo ng mga Diyos. Gagawa ako ng mundo ayon sa kagustuhan ko.)
Pagbalik ng hari ay natagpuan nyang nakabalik na ang anak nyang si Violet.
" Nakabalik ka na pala" bati ni Haring Dominic sa anak
" Kahapon lang, saan ka galing kamahalan?" tanong ni Violet
" Wala ka namang interes sa kaharian kaya wala ka na dapat pang malaman" sagot ng hari sa anak
" Oo nga pala aalis uli ako, pero panandalian lamang. Inimbita ako sa kaarawan ni Uncle Falcon." wika ni Violet sa ama
" Hindi ba pinagbawaa ng iyong pagtapak sa lugar na iyon dahil sa ginawa mo?" tanong ng hari sa anak nya
" Naku, grabe naman sila limang taon na iyon. Wala ka namang tutol sa pag alis ko di ba?" sagot ni Violet na may halong biro saama
" Wala, bahala ka basta wag kang gagawa ng bagay na di nila magugustuhan kung ayaw mong umulan muli ng isang buwan dito lamang sa tapat ng palasyo" wika ni Haring Dominic at iniwan si Violet.
" Kakauwi mo lang aalis ka na" wika ni Veridian na bigla na lang sumulpot
" Ikaw pala, oo pupunta ako sa Ragon kaarawan ni Uncle Falcon sasamahan ako ni Bunny." sagot nito sa kapatid
" Hindi ba umalis na sya?" tanong ni Veridian habang naglalakad ang dalawa sa hardin
" Babalik yun, kinidnap ko yung kpaatid nya hehehe" sagot ni Violet
" Mapapatay ka ng di oras sa ginagawa mo"
" Di nya gagawin iyon, saan galing si tanda?" tanong ni Violet
" Kay Haring Molave, ibig sabihin nun ay naging matagumpay ang paghingi nya ng tulong sa hari. May nakikita ka na ba na maaring maging plano ni ama?" pag uusisa ni Veridian sa kapatid
" Meron na, pagbalik ko sa kaarawan ni Uncle sasabihin ko na sa iyo"