Dragons

2050 Words
Pagkatapos pumirma ay dumiretso si Bunny sa kwarto kung saan nakatuloy ang kanyang kapatid. " Kuya" wika ni Bunny at niyakap ang kapatid " Bunny," " Di ka naman sinaktan ng mga tao dito? Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Bunny " Nakakasama kita ngayon kaya ibig sabihin tinaggap mo ang request sa iyo ng prinsipe? Hindi mo na dapat ako inalala, paano kung masaktan ka? " pag aalala ni Rabbi sa kapatid " Wag kang mag alala kuya ako ang bahala sa kanya" sagot ni Asral " Sino sya? Di ko akalaing makakahanap ka ng kasintahan. Hahahaha" tanong ni Rabbi sa kapatid na may halong inis " Diyos sya dito sa lupa si Asral, may kontrata kaming dalawa. Wag kang mag alala wala pa akong balak magkaroon ng kasintahan" paliwanag ni Bunny sa kapatid " Mag iingat ka, nasa kapital tayo sa oras na makita ka nila panigurado marami ang mag kakainteres" pag aalalang wika ng kapatid ni Bunny sa kanya " Alam ko naman kuya ang pinapasok ko, ang malas ko at nakilala ko ang prinsipeng iyon. Tsk, gusto ko talaga upakan ang isang iyon" sagot at reklamo ni Bunny sa kapatid " Hahahaha, hayaan mo na, basta ang mahalaga lagi kang makakabalik sa akin" " Nga pala, nakaipon na ako para sa kanan mong binti maghahanap na lang tayo ng gagawa pagkatapos di mo na kakailanganin ang saklay" masayang kwento ni Bunny kay Violet Bigla bumukas ang pinto at pumasok si Violet. Tinabihan sa upuan si Bunny. " Alis tayo may kailangan tayong puntahan" bati ni Violet sa kanya " Lumayo ka sa kanya!" inis na winika ni Asral " Saan tayo pupunta? Maghahanap pa ako ng gagawa sa binti ni kuya" tanong no Bunny " Ahhhh, ganun ba? Si Eugene na ang bahala sa kuya mo. Pupunta tayo Ragon" sagot ni Violet " Sa Ragon? Anong kailangan mo sa mga dragon?" tanong ni Asral " Kaarawan ng kaibigang dragon ni Ina, magdadala ako ng alak bilang regalo." sagot ni Violet " Sumama ka na, ayos lang ako isa pa nandito naman ai Sir Eugene naaalalayan nya ako ng maigi" pagkumbinsi ni Rabbi sa kapatid na nagdadalawang isip " Fine, sige na kailan ang alis?" tanong ni Bunny " Hehehe, ngayon na" sagot ni Violet " Huh?" " Nakalimutan ko na tatlong araw na lang ay kaarawan na nya at saktong tatlong araw ang paglalakbay papunta doon. Hahaha" paliwanag ni Violet " vvv tayo sa ulap niya" sagot ni Bunny " Alam mo bang nakakaasar ka na minsan?" inis na sinabi ni Bunny kay Violet Matapos ang ilang oras ng paghahanda ay nagpaalam na si Bunny sa kanyang kapatid. Gamit ang paymay ni Violet sinakyan nya ito samantala si Bunny ay sumakay sa ulap ni Asral. Tatlong araw naglakbay ang tatlosa himpapawid at nagpapahinga lamang sa lupa kapag kumakain at matutulog. Sa paglalakbay nakita ni Bunny ang ganda ng mundo, nadaanan nila ang mga bayan na di akalaing makikita niya. " Ahahaha, feeling ko nasa field trip tayo. enjoy na enjoy si Bunny eh" pang aasar bi Violet na makita ang pagkinang ng mga mata ni Bunny sa mga nakikita Narinig ni Bunny ang pang aasar ni Violet kaya tumalon sya mula sa ulap ni Asral papunta kay Violet at pinitik ang tenga nito. " Ang sakit naman, ang pananakit sa pamilya namin ay kamatayan." reklamo ni Violet " Ano ang ebidenya mo na sinaktan kita? Wala kang ebidensya. Isa pa may langaw sa tenga mo niligtas lang kita" sagot ni Bunny na may halong pang aasar " Ahahahaha, alam mo simula noong nagkasama tayo feeling ko nag iimprove ka na?" masayang winika ni Violet " Eh? Pinagsasabi mo?" tanong ni Bunny " Lagi ka kasing seryoso pero tignan mo marunong ka na magalit at gumaganti ka na din sa biro ko, kulang na lang ang ngiti mo, mga ngiting magpapatibok sa puso ng maraming kalalakihan, mga ngiting tila hulog ng langit" paliwanag ni Violet habang nakangiti at nakatingin sa langit " Ganito ba talaga ang isang ito? Nakakakilabot ang sinasabi nya" pabulong na tanong ni Bunny kay Asral " Alam mo ba may sinabi din syang ganyan sa sundalong kasama nya. Naaalala ko pa noon ang sinabi nya" sagot na pabuong ni Asral " Ano ang sabi nya?" usisa ni Bunny " Ahem, ganito ang sinabi nya Ikaw ang aking lakas ang katapatan mo ay tulad ng karagatan. Ang paniniwala mo sa akin ay tulad ng kalasag na napaka tibay na hindi kaya masira o mawasak ng ano man " sagot ni Asral " Hoy! Anong pinagbubulungan niyo dyan?" tanong ni Violet " Nakakakilabot ang pagiging cheesy mo" sagot ni Bunny " Pagiging makata ang tawag doon, ang sama niyo! Malamang kinuwento mo na rin ang sinabi ko kay Sir Eugene ikaw na lintang Diyos ka!" nagtatampong winika ni Violet sa dalawa Pagkatapos ng tatlong araw ay nakarating ang tatlo sa Ragon. Pinapasok sila ng mga sundalong nagbabantay sa trangkahan. Sinalubong sila pagpasok ng isang kulay puting dragon, " Maligayang pagdating sa Kaharian ng Ragon prinsipe Violet. Ako si Ava ang maghahatid sa inyo sa palasyo" bati nito sa kanila " Aba, ikaw na ang sumusundo sa akin ngayon ah, nasaan si Grava?" tanong ni Violet sa dragon " Alam mo naman ang haba ng pasensya ni Grava, nung malaman nyang darating ka nagwala" sagot nito sa kaniya habang papunta sila sa palasyo. " Ahahaha, hanggang ngayon ba galit pa rjn sya sa akin dahil sa nangyari limang taon ng nakakalipas?" tanong ni Violet na halata sa boses ang pang aasar " Mahal na prinsipe kung sa akin mo ginawa ang bagay ma iyon mapapatay din kita" sagot nito " Pssttt.. master" pabulong na tawag ni Asral " Bakit?" tanong ni Bunny " Gusto mo ba malaman kung ano ang ginawa nya sa dragong si Grava?" sagot ni Asral pabulong " Hindi" " Alam mo master, hinamon nya ng labanan si Grava at ang pinagpustahan nila ay ang batong sapiro na nasa pangangalaga ni Grava at ang espada ng liwanag na nasa pangangalaga ni Violet. Malakas ang dragong si Grava ngunit natalo sya ni Violet dahil sa pandaraya. " pabulong na kwento ni Asral kay Bunny " Hindi pandaraya yun, taktika ang tawag duon. Kasalanan ko bang takot sya sa butiki eh butiki din naman sya..... d ba nakakaloko iyo ? Yung malaking butiki takotsa maliit na butiki, hehehe"paliwanag no Violet sa dalawa na tinitignan sya na para syang bata na nagawang umagaw ng candy " Malaking kahihiyan iyon sa aming mga dragon kaya di sya pinapunta dito sa Ragon ng limang taon" sagot ni Ava na halatang naiinis din kay Violet Nakarating na sila sa palasyo mga dragong nagkatawang tao ang nakita nila. Sila ay may mga sungay sa ulo at kaali-aliyang mga mukha. " Prinsipe Violet masaya akong nakarating ka sa aking kaarawan, buti na lamang ay pumayag ang aking kapatid na hari." wika ng isang lalaki na may apat na sungay, itim na buhok at mga mata. " Uncle Falcon, masaya ako at napapayag niyo si Haring Harbon na bumisita ako sa Ragon. Narito ang aking mga kasama" sagot ni Violet " Kamusta" bati ni Asral " Magandang araw at Maligayang kaarawan" bati naman ni Bunny " Hm? Ah! Isang Hare kung ganoon sya pala ang sinabi mo sa sulat. Sa lahat ng Hare na nakita ko dati sya ang pinaka maganda ang mukha lalo na ang mata nyang parang ruby" wika ni Falcon habang tinititigan si Bunny Nagpakasaya ang mga dragon sa kaarawan ni Falcon at dumating si Harbon. Ang bawat dragon ay yumuko sa pagdating nito. Binati ng hari ang kanyang kaatid at inanyayahan sila Violet sa isang pribadong kwarto. " Gusto mong kalabanin ang iyong ama? Alam mo na hindi kami pumapanig sa kahit anong lahi, malaya ang mga Ragon dito sa itaas ng langit." diretsang wika ni Haring Harbon " Ang aking ama ay hindi makakabuti sa kahit anong lahi. Ang bansa ng Marcus ay mawawasak. Isa pa ang aking ama ay nagbabalak sakupin ang iba pang karatig bansa maging ang Ragon" pagkukumbinsi ni Violet sa hari " Ha! Nagpapatawa ka ba ? Ano ang magagawa ng iyong ama sa aming mga Ragon? Mas makapangyarihan kami" winika ni Haring Harbon " Masasabi mo parin ba iyan kung ang aking ama ay nag aalaga ng mga Ichneumon" tanong ni Violet " Matagal na naming natalo ang mga Ichneumon isa pa kahit kilala ang mga halimaw naniyon sa pagpatay ng lahi namin hindi nila kami basta basta malilipon" sagot ni Haring Harbon " Kung wala silang balak kang tulungan hayaan mo na, sinasayang mo ang oras mo sa mga ma- pride na dragon." biglang winika ni Bunny " Isang Hare, katulad din namin kayo hindi nagingialam sa mga komplikasyon ng ibang lahi." sagot ni Haring Harbon " Kaya nga naubos kami hindi ba? Dahil walang tumulong sa amin, ang kapayapaan ay laging pansamantala alam mo kung bakit?" tanong ni Bunny sa hari na tila sinusukat ang mga paniniwala nya " Ang kapayapaan ay pansamantala dahil sa mga sakim sa kapangyarihan" sagot nito " Tama ka, dahil sa sakim ang ang karamihan at sinisira ang buhay ng mahihina kaya nagkakaroon mg kaguluhan na hindi matatapos dahil may karamihan na nagbubulagbulagan. Inaantay niyo ba silang magpatayan hanggang maubos? Hindi ba't sakim din kayo? Dahil ang kapayapaan ay nais niyo lamang para sa sarili niyo? " muling tanong ni Bunny " Parehas lamang tayo " " Hindi kaparehas ng Hare ang mga Ragon. Kayo nananatili hiwalay sa nakakarami dahil ang tingin niyo sa sarili niyo ay makapangyarihan at hindi niyo na kailangan pa makialam sa mga tingin niyong mas mababa sa inyo. Samantala kami ay nanirahan ng hiwalay sa nakakarami dahil natatakot kami na mawala ang aming pamilya na isang malaking pagkakamali" sagot ni Bunny sa hari ng mga Ragon Tumayo ang hari ng mga Ragon at nagalit sa mga sinabi ni Bunny at nagpalit sya sa pagiging dragon. " Pangahas ka, hinahamon kita Hare kung magagawa mo akong patamaan kahit isa lamang sa aking mukha sa loob ng limang minuto ibibigay namin ang tulong sa prinsipe" wika nito " Hindi mo kailangan gawin ito" wika ni Violet " Alam ko, alam mo ba kung bakit hindi kailanman humawak ng sandata o nakipaglaban ang mga Hare?" tanong ni Bunny kay Violet at hinarap na nya ang dragon na si Haring Harbon Sinimulang umatake ni Haring Harbon sa paghampas ng kanyang buntot, iniwasan ito ni Bunny. Lumabas ng palasyo ang hari, lumilipad sa ere at nakita ito ng mga Ragon na nasa ibaba. Mula sa kinatatayuan tumalon si Bunny sa mga pader at sinubukang suntukin ang hari ngunit gamit ang pakpak nito pinatalsik nya si Bunny. Nagpatuloy ang labanan ng dalawa at pinagmamasdan lamang sila nila Violet. " Ano ang ibig sabihin ng tanong ni Bunny? " tanong ni Violet sa sarili " Isa akong Diyos sa kalupaan at ang tanging sinusunod lamang namin ay ang mga taong tumulong sa amin na tulad ng ginawa mo at ni Bunny. Ngunit si Bunny ay nakuha ang aking respeto isa pa ang mga matang iyon ay hindi tulad ng mga mata ng isang normal na Hare. Si Bunny, ang dugong nananalaytay sa kanya ang dugo ng isang Diyos ng kalangitan. Kahit anong oras pwede kitang iwan kung nais ko pero kung sa isang tulad nya ang kontrata ko ay valid hanggang sa mamatay sya. Isa pa hindi sila lumalaban dahil hindi sila marunong subalit naniniwala sila na ang karahasan ay hindi lagi ang sagot sa lahat ng bagay, marunong silang magpahalaga sa bawat buhay kaya nakuha nya aking respeto." paliwanag ni Asral " Kung ganoon bakit ang tagal mo akong lubayan?" tanong ni Violet " Dahil ikaw ang magiging daan papunta sa taong iaalay ko ang aking sarili ayon sa buwan" " Isa pang tanong bakit nalipon sila kung kaya naman nilang ipagtanggol ang kanilang sarili?" tanong ni Violet " Meron silang kahinaan na iilan lamang ang nakakaalam at wala akong balak sabihin ang bagay na iyon dahil ayokong gamitin mo iyon sa aking master" sagot ni Asral " Hindi ko man alam pero may taong delikado ang nakakaalam nito na maaari din nyang gamitin" wika ni Violet habang pinapanuod nila si Bunny sa pakikipaglaban sa hari. " Hindi nila alam, panigurado ako dyan" Habang nagkwekwentuhan ang dalawa nakita nila ang pagbilis ng galaw ni Bunny at sa isang saglit ay nakalapit ito sa hari. Sisuntukin na ni Bunny ang hari ngunit sinubukan ni Haring Harbon na hamapsin ng magagaspang at matutulis na kuko si Bunny. Nakaiwas si Bunny at itinulak ang sarili sa paghawak nya sa kamay ng dragon at sumipa mula sa ere. Natamaan ang hari kaya't bumalik na ito sa dating anyo. " Napakahusay talaga ng anak ni Feya," pagpuri ni Haring Harbon kay Bunny
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD