Pagkatapos ng paglalakbay at ilang araw naa erya nakarating sa sa kapital ang tatlo. Ang kaharian ng Marcus na sumasakop sa ilang bayan at mga siyudad. Killaa ito sa pagiging marangya, nasasakupan nito ang bayan na kung saan galing sina Bunny at ang mga gubat. Ito ay pinamumunuan ni Haring Dominic Amarillo Marcus, isang kilalang hari na may taglay na kapangyarihan ng elemento ng apoy at tubig na sabi ay makakapantay sa mga Diyos ng kalupaan. May dalawang anak na lalaki na nagtataglay ng kapangyarihan ang isa ay ang elemento ng apoy at ang isa ay tubig.
Pagpasok sa kapital ng Marcus makikita mo kung gaano kasagana at kasigla ang lugar.
" Narito na tayo" wika ni Bunny habang nagmamasid sa paligid
" Ibibigay ko ang bayad sa lugar na tinutuluyan ko" sagot ni Violet
" Saan ito? " tanong ni Bunny
" Di mo ba alam? Master?" tanong ni Asral
" Hahaha, hayaan mo na tara na" pag anyaya ni Violet at nakarating sila sa palasyo
" Bakit nasa palasyo tayo? Sino ka ba talaga?" tanong ni Bunny
Binuksan ang trangkahan ng palasyo ng mga sundalo at binati ang pagbabalik ni Violet.
" Maligayang pagbabalik mahal na prinsipe"
" Tch" inis na tugon ni Bunny
" Tara na," anyaya ni Violet sa dalawa
Inutisan ni Violet na bigyan ng matutuluyang kwarto at pampaligo sina Bunny. Pagkatapos maligo at magpahinga ni Bunny nanatili sa kwarto upang hintayin si Violet.
" Master, kumain ka muna nagdala sila ng makakain" pag anyaya ni Asral kay Bunny
" Kung ganoon isa sya sa mga prinsipe?" tanong at reklamo ni Bunny
" Oo, akala ko alam mo. Sya ang pangalawa sa magkapatid. Sa kanilang dalawa sya yung may maluwag na turnilyo" sagot ni Asral
" Huh?"
" Sa totoo lang ang taong yun kung titignan mo meron ugaling masayahin at easy go lucky pero may pagkakataong di mo sya mabasa. May mga bagay sya na ginagawa na akala mo ay wala lang pero madalas may dahilan. Ayoko sa taong di ko mabasa, kaya lang naman ako sumunod sa kanya dahil sya ang nagpalaya sa akin." kwento at paliwanag nya kay Bunny
" Di naman tayo magtatagal dito, aalis tayo agad pagkakuha ko nga bayad. Inaantay na ako ni kuya" sagot ni Bunny
" May kapatid ka? Isang Hare?" tanong ni Asral
" Uhmmm... Masyado ng mahaba ang paglalakbay na ito malamang ay nag aalala na sya. Di man lang ako makapagpadala ng mensahe" malungkot na wika ni Bunny
" Kung mensahe lang ay kaya kitang tulungan sa bagay na iyan" suhestyon ni Asral at biglang umaliwalas ang mukhang malungkot ni Bunny
May kumatok sa pinto at binuksan ito tulad ng buhok ni Violet ito ay kulay ginto at ang mga mata nito ay kulay berde.
" Berdeng mga mata tulad ng emerald, hm? ( Oo nga ano? Sa tagal kong kasama si Violet di ko nakita ang kulay ng mga mata nya) " wika ni Bunny sa sarili
" Ahem!" wika nang lalaking nakaitim kasama ng lalaking may kulay ginto na buhok
" Kamusta Verdian, tagal nating di nagkita" bati ni Asral sa lalaki
" Aba di mo na gusto patayin si Violet" sagot nito sa kanya
" Nakahanap na ako ng master" paliwanag nito
" Magandang araw di ko akalin na ikaw ang prinsipe ipagpaumnhin ang di ko agarang pagbati" bati at paghingi ng paumanhin ni Bunny
Lumapit kay Bunny si Verdian at tinitigan nya si Bunny sa mukha.
" Hare, isa kang Hare? Kamusta? Ako si Verdian. Ang ganda ng mukha mo" wika nito kay Bunny
" Hahahaha, pasalamat ka prinsipe ka" pabuling na sagot ni Bunny habang nakangit
" Huh? ( Tama ba ang narinig ko?) " tanong ni Verdian
" Lumayo ka nga sa kanya" inis na winika ni Asral at hinatak si Bunny
" Maupo tayo" pag anyaya ni Verdian kay Bunny at Asral
Sinenyasan ni Verdian na umalis muna ang kasama nya.
" Kung ganoon ikaw pala ang naghatid sa kapatid ko. Na stuck na kasi sya sa bayan nyo dahil may kailangan gawin si Eugene at alam mo naman na lagi kaming oinagtatangkaang patayin" sabi ni Verdian habang umiinom ng tsaa
" Naiintidihan ko na kailngan ng escort ang tulad nya, naipaliwanag na sa akin" sagot ni Bunny kay Verdian
" Isa kang Hare hindi ba? At nagtratrabahoka din sa guild " tanong ni Verdian
" Oo,"
" Ano madalas na misyon ang tinatanggap mo?" pag uusisa ni Verdian
" Paghatid tulad ng sa Prinsipe Violet at pag taboy ng mga halimaw sa bayan, hangga't makatwiran ang misyon walang problema" sagot ni Bunny
Nanahimik saglit ai Verdian at muling nagtanong, " paano kung ang gusto ko ipagawa ay ipapatay ang ama kong kumitil sa buhay ng aking ina? Babayaran kita kahit magkano"
" Bakit mo iuutos sa akin? Problemang pamilya mo yan wag mo ipasa sa akin. Isa pa hindi makatarungan ang hinihingi mo" sagot nito kay Verdian ng nakatitig sa mga mata nito
" Kung ganoon hindi makatarungan ang paghihiganti? Paano kung malaman mo kung ano ang nangyari sa pamilya at mga kalahi mo? Hindi ka maghihiganti?" tanong ni Verdian
" Magkaiba ang kalagayan nating dalawa, hindi lang sila pumatay, sinubukan nilang burahin ang bawat isa sa amin sa mundong ito dahil lang sa mga matang ito!?" sagotni Bunny gamit ang mataas at galit na boses
" Kung ganoon maghihiganti ka? Pero ako di mo pwedeng tulungan?" tanong ni Verdian
" Alam mo kung bakit di ako nagtatago? Alam mo ba kung bakit ko binabandera ang puting buhok at pula kong mga mata?" tanong ni Bunny sa prinsipe
" Mukhang may problema dito ah?" bati ni Violet na binuksan ang pinto
" Paano mo naman nasabi?" tanong ni Verdian sa kapatid
Umupo si Violet sa tabi ni Veridian at sinabing, " simple lang.... alam kong hindi ngumingiti si Bunny at madalas ko din syang asarain pero ni minsan di ko pa sya naita magalit ng ganyan habng nagpipigil."
" Mukhang kilalang kilala mo na sya ah" wika ni Verdian
" Alam ko ang galit na meron ka pero magkaiba kayong dalawa. Maaari mo na ba kami iwan?" pakiusap ni Violet kay Verdian na nagpaalam na sa kanila
" Bayad mo?" Agad na tanong ni Bunny habang nakabukas ang palad sa harapan ni Violet
" Hahaba, mukhang nagalit ka talaga sa tinanong nya" wika ni Violet
" Bayad!" inis na sabi ni Bunny
" Maaari ka bang tumanggap pa ng isang misyon?" tanong ni Violet
" Ayaw ko, sakit ka sa ulo" agarang sagot ni Bunny
Maluhaluha si Violet sa pagtanggi ni Bunny at nagpapaawa na parang isang aping tuta,
" napakasakit ng sinabi mo"
" Hm? Kelan ka pang natuto umiyak sa labas ng maskara mo?" inis ma winika ni Bunny kay Violet
" Tsk, kala ko makakalusot" at tinanggal nya ang maskarang may luha na nakapatong sa pinakamaskara nya
" Hilaan ko, hiniling nya na patayin mo ang hari hindi ba?" tanong ni Violet
" Oo, ano ang kinalaman sa request mo?" tanong ni Bunny
"Ako na ang susunod na papatayin ng hari, simula ng araw na naikulong ko si Asral napansin kong dumarami ang insidenteng nalalagay sa alanganin ang buhay ko.' sagot ni Violet
" Maniwala ka sa kanya, bata pa lamang nais na syang mawala ng hari. Kaya nya lang napapansin ang pagdami ng insidente dahil di ko na sya naproprotektahan." dagdag ni Asral
" Bakit ikaw at hindi ang nakatatanda mong kapatid?" tanong ni Bunny
" Tatanggapin mo ba ang misyon kung ikwukwento ko sa iyo? Dahil kung hindi mo ako matutulungan gagawa ako ng ibang paraan" tanong ni Violet kay Bunny
" Maghanap ka na lang ng tutulong sa iyo" sagot ni Bunny
Binayaran ni Violet si Bunny at bumalik na pauwi sakay ang ulap ni Asral. Nakarating sila sa loob lamang ng isang araw. Tumawag si Bunny sa bahay,
" Kuya nandito na ako!" sigaw ni Bunny
"Wala akong nararamdamang presensya sa loob ng bahay" wika ni Asral
" Imposible" dali daling umakyat si Bunny upang silipin ang kwarto ng kiya nya. Ginamit nya din ang search para malaman kung nasa labas ito ng bahay. Ngunit wala syang natagpuan.
Lumabas si Bunny at tinignan ang ilog na malait sa bahay pero wala pa din.
" Master, ayos ka lang ba? Baka may lugar syang pwedeng puntahan " tanong ni Asral
" Nawawala si Kuya" sagot niya kay Asral habang nanginginig ang boses nya sa a takot
Pumunta si Bunny sa bayan ngunit wala din ang kanyamg kapatid. Napaluhod na lang sya sa daan ng makita sya ni Chi.
" Bunny?, Ikaw nga buti at nakita kita" pag aalalang winika ni Chi
Dumiretso sila sa likod na kwarto ng guild.
" Mga ilang araw lang simula noong naidala ko ang sulat mo kay Rabbi yung kasama ng nag request sa iyo ay bumalik tinanong nya ang bahay ni Rabbi. Mga isang linggo na silang umalis. Sinubukan ko silang pigilan pero ang sabi ni Rabbi sa akin ay magiging maayos sya" kwento ni Chi kay Bunny
" Sa tingin ko alam ko na kung bakit ka pinaalis na lang ng ganoon ni Violet. Hindi nagbabago ang ugali nya na kapag may gusto syang makuha ay gagawin nya ang lahat." dagdag ni Asral
" Papatayin ko sila kapag sinaktan nila ang kapatid ko" galit na winika ni Bunny
Agad agad ay umalis ang dalawa kinabukasan ng tanghali ay nakarating na sa loob ng palasyo sina Bunny.
" Ipaalam mo sa kanya na narito na tayo" utos ni Bunny kay Asral
" Masusunod," nagpakawala ng mga paro parong gawa sa yelo sinAsral at ipinakalat sa loob ng palasyo.
Naramdaman ito ni Violet at pumunta kaagad sya sa koridor kung nasaan si Bunny at Asral. Pagkadating bumungad kaagad sa kanya ang palaso ni Bunny.
" Sinadya kong di yan patamain sa iyo. Ang susunod sisiguraduhin kong tatama, nasan ang kapatid ko" tanong ni Bunny
" Ipapakita ko sya kung makikinig ka sa sasabihin ko" sagot ni Violet sa kanya
Nagtungo aila sa isang kwarto at nagsimulang magsalita si Violet.
" Protektahan mo ako, maging espada kita at kalasag. Naitanong mo king bakit hindi ang aking kapatid? Sa oras na mapatay ako ng hari isusunod nya ang kanyang sarili gagamitin nya ako at ang sarili nya upang mapagana ang isang ritwal na kung san papaaukin nya ang katawan ng isng nabubuhay." paliwanag ni Violet
" Kung ganoon papasukin nya ang katawan ng unang prinsipe." wika ni Bunny
" Tama, na hindi nya magagawa sa akin dahil sa basbas ng aking ina. Ikaw lang ang makakaligtas sa amin. Mapagkakatiwalaan kita kaya nais kong ikaw ang tumulong sa akin" dagdag ni Violet
" Naiintindihan ko ang kalagayan mo, nakinig na ako nasaan ang aking kapatid?" tanong ni Bunny
Inilabas ni Violet si Rabbi na kasama si Eugene. Maayos ang lagay nito at malakas. Masayang nakita ni Bunny ang kapatid kaya niyakap nya ito ganun din si Rabbi.
Biglang sinenyasan ni Violet si Eugene na ilayo si Rabbi.
" Ano ang ginagawa mo?!, Hindi ka tumutupad sa usapan" galot na tanong ni Bunny
" Ahaha,, qag kang mag alala nakakuling lang sya sa kwarto... komportable duon." sagot ni Violet na nakangiti
Tinitigan sya ng masama ni Bunny,
" Ang sabi ko ipapkita ko sya sa iyopagnakinig ka. Wala akong ainabing pakakawalan sya at mangyayari lang iyon pag pumirma ka sa kontrata at tinaggap ang misyon."
" Akin na pipirma ako, basta hayaan mo ako makita araw araw si Kuya"
" No problem, hindi kita o ang kuya mo bilanggo. Ikaw ngayon ang proprotekta sa akin kaya bisita kita at ang kapatid mo"
Pumirma sa kontrata si Bunny at nagsimula ang buhay nilang magkapatid sa palasyo.