" Maraming Salamat sa pagpapalaya sa aking ina" pagpapasalamat ng anak ni Zorigami na isang kalahating Diyos at tao.
Pagkatapos ng pagpapaalam ay nagpatuloy sa paglalakbay ang dalawa sa loob ng gubat. Habang naglalakad nagtanong si Violet kay Bunny.
" Si Asral ang Diyos ng buwan at taglamig. Ang kasunduang ibinigay mo sa kanya ay makakapahamak lamang sa iyo. Bakit ka nakipagkasundo sa kanya?" seryosong tanong ni Violet
Nagtaka si Bunny dahil madalas dinadaan sa biro o hindi seryoso ang tonong ginagamit ni Violet kahit nasa alanganin silang sitwasyon.
" Kung hindi ko gagawin iyon makukulong tayo sa bayang iyon" sagot ni Bunny
" Bakit ba napakaseryoso mo?" tanong ni Bunny
" Hahaha, alam ko na madalas ako magbiro o daanin sa biro ang halos lahat ng bagay pero hindi biro si Asral" sagot nito na kay Bunny
" Wag ka mag alala"
Napabuntong hininga na lang si Violet, " di bale na nga tutal ikaw na ang guguluhin nyan."
" Guguluhin? Akala ko ba gusto kang patayin ni Asral?" tanong ni Bunny
" Hahaha, tara na sa oras na makalabas tayo sa gubat na ito makakarating na tayo sa kapital." sagot ni Violet habang kinakamot ang ulo
" Hoy! Sagutin mo ko! Ano ba itong napasok ko at sino ba talaga si Asral?" tanong ni Bunny sabay hawak sa balikat nito ng mahigpit
" Hahaha, paano ko ba sasabihin? Madikit sya?" sagot ni Violet na gustong kumawala kay Bunny
Hinatak sya ni Bunny at itinumba sa lupa habang nakapatong sa kanya. Tinititigan na sya ng masama.
" Babasagin ko yang maskara mo kasama ng mukha mo kung hindi mo lilinawin ang sinasabi mo?" tanong ni Bunny sa kanya
" Basagin mo nalang mukha nyan" suhestyon ni Asral
Nagtaka si Bunny na nasa tabi na nya si Asral.
" Asral?" tanong ni Bunny
" Ako nga, pwede ba umalis ka na sa ibabaw ng insektong ito? Kung babasagin mo mukha nya ako na lang ang gagawa" sagot ni Asral kay Bunny na naguguluhan pa din
" Hoy! Anong binibigay mong ideya sa kanya. Di mo ko pwede saktan dahil inarkila ko sya. Pag sinaktan mo ako di ko sya babayaran" wika ni Violet kay Asral
" Tch, kainis" inis na tugon ni Asral at binuhat paangat si Bunny paalis kay Violet.
" Bitaw" mahina pero madiing utos ni Bunny kay Asral
Binitawan sya ni Asral at inilapag ng dahan dahan sa lupa.
" Bakit ka nandito? Hindi kita tinawag" tanong ni Bunny
" Bored ako, di mo na ako kailangan tawagin dahil sasamahan kita lagi, araw araw, oras oras, minu minuto at bawat segundo ng buhay mo" sagot ni Asral kay Bunny na kinilabutan sa narinig
Tinitigan ni Bunny si Violet ng masama nginit tumawa lang ito at sinabing, sabi ko sa iyo madikit eh"
" Bakit mo gustong patayin ang isang ito?" tanong ni Bunny kay Asral habang nakaturo kay Violet
Yumakap si Asral kay Bunny at sinabi gamit ang nakakaawang boses, " Pagkatapos ko syang pagsilbihan ang gusto nya umalis ako at bumalik sa mundo ng Polymus at manatili habang di nya ako kailngan kaya sinimulan ko syang gawan ng biro hanggang sa kinulong sya ako. Sa galit ko tinangka ko syang patayin pero tatakutin ko lang naman sya pero nakuling nya uli ako. Ngayon wala na akong pakialam sa kanya kasi masamang insekto ang nilalang na iyan"
" Naiintindihan ko ngayon pwede bang lumayo ka na sa akin. Wag kang lalapit sa akin hanggang isang dipa ka lang maliban na lang kung pinapalapit kita o sa di inaasahang pangyayari. Pag sinunod mo mga utos ko kahit buong buhay ko pa ikaw nariyan ayos lang" utos ni Bunny na ikinatuwa ni Asral
" Opo, master" sagot nito
Nagpatuloy ang tatlo sa paglalakbay, kinagabihan habang ang gabi ay tahimik at malamig ang simoy ng hangin naramdaman ni Bunny gamit ang kanyang kakayahang "search" ang pagkilos ng grupo ng di nya mawaring mga nilalang. Ito ay papalapit sa kanila, sinenyasan nya si Violet at Asral na may papalapit sa kanilang kinalalagyan. Naglaho si Asral at hinuli ang isa sa mga nagmamasid sa kanila.
" Ano yan?" tanong ni Violet habang hawak hawak sa leeg ni Asral ang maliit na nilalangna kasinglaki lamang ng isang bata na nasa edad dalawa. Ito ay may malalaking tenga, maliliit na ilong, braso, kamay at binti ngunit may malalaking paa.
Mula sa likuran lumabas ang iba pa nitong kasama, may apat pang kasama ito na nakatingin ng masama kay Asral.
" Bitawan mo si Klang Klang! Pangit ka! klang" sigaw ng nilalang na hawak hawak ni Asral
Sa inis ni Asral dahil sa ingay inalog alog nya ito.
" Bitawan mo sya! boom" reklamo ng isa sa mga kasama nito
" Bitawan mo na" utos ni Bunny at binitawan agad agad ito kaya bumagsak ito sa lupa
" Masakit iyon klang" reklamo nito kay Asral
" Ano kayo?" tanong ni Violet sa kanila
" Kami ay mga Trow! tok... Ako si Tik tok." sagot ng isa sa mga ito
" si Zig at ibang Trow ay mabuti at mahal namin ang gubat. Kaibigan na namin kayo zig" wika nito sa kanila
" Ahahaha, cute.. Gusto nila makipagkaibigan sa atin" masayang sabi ni Violet
" Si Ping may dalang pagkain, handog sa mga bagong kaibigan ping" at ipinakita ni Ping ang dala dalang supot ng mga pagkain.
Nagsalosalo sa pagkain ang mga Trow at sila Bunny. Habang kumakain ay nawalan ng malay ang tatlo. Mabiilis na kumilos ang mga Trow at kinuha si Bunny. Ilang oras matapos malawalan ng malay nagising si Violet at Asral.
" Sakit ng ulo ko" reklamo ni Violet habang bumabangon
" Wala na sila, si master wala na din" pag aalalang wika ni Asral
" Huh? Baka nariyan lang si Bunny" sagot ni Violet sa kanya
Dahil hindi mapakali at matagal ng wala si Bunny napagdesisyunan ng dalawa ng hanapin si Bunny ngunit wala ito.
" Hindi nalayo si Bunny, sa tingin ko tinangay sya ng mga Trow" wika ni Violet na nagsimula ng mag alala
" Ang mga kutong lupa na iyon... Papatayin ko sila" galit na winika ni Asral
Samantala, nagising si Bunny na nasa loob ng isang maliit ngunit malinis na bahay na ang tanging ilaw ay mga kandila. Tumayo sya at binuksan ang pinto upang makalabas ngunit isang lalaki namay matulis na tenga, asul na buhok at mga mata. Tinitigan ito ni Bunny sa mga mata at sa di mapaliwanag na dahilan sya ay unti unting umiibig sa lalaki.
" Ikaw, " wika ni Bunny gamit ang malumanay na boses
" Ako si Ganka, narito ka sa tirahan ko nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain?" tanong nito habang tinititigan si Bunny sa mata
Gustong tumanggi ni Bunny ngunit sa di nya mapaliwanag na dahilan nais nyang manatili sa piling ni Ganka.
" Gusto kong kumain kasama ka" sagot ni Bunny
Habang si Bunny ay nasa piling ni Ganka, nahanap ni Violet at Asral ang mga Trow at isang Iele. Iele ang diwata na tagapangala ng mga nabubuhay na mga nilalang sa lugar na kanyang nasasakupan. Ito ay may buhok na gawa sa sanga at dahon ng mga halaman, makulay na balat na tila bahaghari, bilugan na mga mata at walang bibig. Sa kanila ng itsura nito kaaya aya itong tignan.
Galit na lumapit si Asral, isang malamig at nakakatakot na presensya ang inilabas nito. Bawat yapak ng kanyang mga paa ay pinalalamig at pinagyeyelo ang lua at mga damo. Nakita ng mga Trow at ng diwata ang galit ni Asral.
Kahit walang bibig ay nakakapagsalita ang diwata gamit ang isipan, lumuhod ito at nagwika,
" Diyos ng buwan na si Asral ako si Hana nakikiusap na kalamayin ang iyong kalooban"
" Saan niyo dinala ang aking master?" tanong ni Asral sa mga Trow
" Kumalma ka nga, di sila magsasalita kung uunahin mo ang galit mo. Sa oras na malaman nya na mananakit ka at walang utos nya panigurado itataboy ka nya " pagpigil ni Violet kay Asral
Tumigil si Asral at si Violet ang nakipag usap.
" Hana, nasaan si Bunny? Ang mga Trow na ito ay dinala sya kung saan."
" Hindi magsasalita ang mga Trow ping"
" Kukunin nya ang diwata pag itinuro namin sya klang"
" Ako na ang makikipag usap sa kanila maaari niyo ba kaming iwan saglit?" pakiusap ni Hana
Matapos ang ilang minuto sinnndo ni t****k si Violet at Asral.
" Humihingi ako ng tawad, sa totoo lang hindi ko akalain na narito ang diwatang si Ganka at kasama ang mga Ekek. Di ko din akalaing dalawang linggo na ang nakalipas. " paliwanag nito sa dalawa
" Anong ibig mong sabohin?" tanong ni Violet
" Ayon sa mga Trow pumunta at binihag ako ni Ganka, sinubukan akong iligtas ng mga Trow subalit bantay ako ng Ekak. Kinuha nila ang kasama niyo bilang maginv kapalit ko" psagot ni Hana
" Ano ba ang Ekak at si Ganka?" tanong ni Violet
" Ang mga Ekak ay malalaking ibon tulad ng buwitre subalt sila ay may ulo ng tao na may tatlong pares ng mga mata." paliwanag ni Ssral na naiinis pa din
" Si Ganka ay isang diwata, isa syang Gancanagh" sagot naman ni Hana
" Gancanagh?!" tanong ni Asral na napatayo
" Anong ptoblema?" tanong ni Violet
" Umalis na tayo, makikita ang mga Gancanagh sa taas ng bundok." sagot ni Asral at umalis na ng nakasakay sa ulap at lumipad
Susundan na ni Violet si Asral na nauna na, habang naglalakad natandaan ni Violet kung ano ang Gancanagh. Mga diwata na nang aakit ng mga kababaihan upang gawing asawa. Kinuha nya sa kanyang singsing ang malaking pamaypay at binilisan ang paglipad upang mahabol si Asral. Nakarating sila sa bundok ng subukan nilang lumapit pa isang pananggalang ang humarang sa kanila. Inatake ito ni Asral at nagpalabas sya ng matatalas na yelo, si Violet naman inatake din ang lugar kung saan itinira ni Asral ang mga yelo gamit ang kanyang espada. Paulit ulit nila itong inatake.
Samantala, naramdaman ni Ganka ang nais na pagpasok ng mga tagalabas agad agad syang nagprepara para sa kasal.
" Pakasal tayo mahal ko" pag anyaya nito kay Bunny
" Sige" sagot nito at gamit ang kapangyarihan ni Ganka inihanda na nya ang lugar ng kasalan at inutusan ang mga Ekak na patayin ang mga istorbo.
Nasa kalagitnaan pa lang ay nakapasom at nasira na ni Violet at Asral ang harang, galit na galit si Ganka at pinaatake ang mga Ekak habang nagpatuloy ang kasal.
" Puntahan mo ang master at wag mo syang hayaan makasakal sa manyak na iyon" wika ni Asral kay Violet
Habanga nakikipaglaban si Asral sa mga Ekak sinugod at inatake ni Violet si Ganka na nasalag ang kanyang espada gamit ang isang manipis at bilugang metal. Pinaupo ni Ganka si Bunny at inilayo sa kanila. Nagpatuloy sa pag atake si Violet kay Ganka na nasasalag na bilog na metal. Nang makahanap ng pagkakataon si Ganka naman ang umatake gamit ang sandata sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa metal. Nagpatuloy ang labanan hanggang sa masugatan si Violet at Ganka. Muling umatake si Violet ngunit gamit ang isang patalim na ibinato nya, ito ay nasalag at matatamaan si Bunny. Agad agad hinarang ito ni Violet at gumasgas sa kanyang maskara na naging dahilan ng pagkawasak nito. Ang mga mata ni Violet na kulay lila at mukhang nakakaayang tignan, matangos na ilong, mga labing mapupula at ang nunal nito sa ilalim ng kangyang mga labi.
Sa kalayuan ay inatake ni Asral si Ganka at ikinulong sa bloke ng yelo.
" Violet?" tanong ni Bunny na biglang nagising. Humarap si Violet at kinamusta ang lagay nya, ngunit nawalan ito ng malay.
Nagising si Bunny at nakita ang mga Trow, ng malamang nagising na si Bunny agad agad nagpunta si Asral at niyakap sya.
" Nakakainggit naman" wika ni Violet at yumakap kay Bunny at maging ang mga Trow at si Hana ay niyakap sya.
" Ano ba ang nangyari?" tanong ni Bunny
Pinaliwanag at ikinuwento ni Violet ang nangyari,
"........ tapos swooshhh, inatake ni Asral si Ganka at di na ito nakapalag pa."
Pinigil uli ni Bunny ang pagkwekwento ni Violet. " tama na, dapat pinaikli mo na lang at ano yung mga sound effects na yan?'
" Para makatotohanan" sagot ni Violet
" Wala ka ba talagang natatandaan master?"
" Magagandang kulay lila na mga mata" sagot nito