Ilang araw naglakbay si Violet ar Bunny sa gubat ng makarating sila sa labas ng isang bayan.
" Teka, kailan a nagkaroon ng bayan dito?" tanong ni Bunny
" Baka di mo lang alam, tara na pagod na ako at nagugutom na din" sagot ni Violet sabay hatak kay Bunny papasok sa bayan
" Teka lang, ( ang ganitong kalaking bayan ay imposibleng di ko alam. )" reklamo ni Bunny habang hatak hatak sya ni Violet.
Kahit nagdududa at may masamang pakiramdam si Bunny sa bayan na kanilang pinasukan ay hinyaan na lang nya. Nagpahinga sila ng isang buong araw at bumili ng mga kailangan.
" Gaano ba kalaki ang lalagyang mong iyan? Tsaka saan napupunta ang mga gamit na nilalagay mo dyan? " tanong ni Bunny habang namimili silang dalawa
" Di ko alam, sa totoo lang parang walang hangganan ang kaya kong ipasok dito. Iisipin ko lang ang gusto kong gamit at napupunta na iyon sa kamay ko" sagot nj Violet na nakangiti kay Bunny
" Bakit? Nakakainis yang ngiti mo" reklamo ni Bunny
" Wala lang, sa tingin ko nag sisimula ka ng masanay sa akin. Di ka lang sumasagot sa tanong ko, nagtatanong ka na din" asar ni Violet sa kanya
" Bilisan mo dyan padilim na kailangan na mating magpahinga maaga pa tayo aalis bukas" sagot ni Bunny sa kanya
Habang hinihintay si Violet umupo si Bunny sa uuan at pinagmasdan ang mga tao. Hindi nya mawari sa sarili kung ano ang mali pero isa ang sigurado may kakaiba sa lugar na ito.
Kinabukasan, ginising ng maaga si Violet na mahimbing na natutulog.
" Gising na, anong oras na kailangan na nating umalis" paggising ni Bunny kay Violet na masarap ang tulog sa kanyang higaan. Sa inis ay hinatak nya ang kumot nito at nakitang walang saplot ang itaas nito. Maganda ang katawan ni Violet na kinagulat ni Bunny kay hinampas nya ito ng unan.
Bumangon ito at kumamot sa ulo.
" Kakarating lang natin kahapon dito aalis na tayo? Akala ko ba magpapahinga muna tayo dito ng isang araw at mamimili ng pangangailangan" reklamo ni Violet habang nakapikit
" Kahapon pa tayo namili" sagot ni Bunny
" Ano ba ang sinasabi mo kahapon lang tayo dumating dito. Ano ba ang nangyayari sa iyo?" tanong ni Violet habang nagbibihis
" Pero"
" Tara na kumain na tayo na makapaikot sa bayan" pag anyaya ni Violet kay Bunny
Himayaan na lamang ni Bunny si Violet, napag isip nya na baka pagod pa ito kaya pa umalis at maglakbay. Pumunta ang dalawa sa bayan at nag ikot, Nagsabi si Bunny na hihiwalay muna sya na sinang ayunan ni Violet. Naglakad si Bunny sa bayan habang nagmamasid, wala syang makitang problema o kakaiba pero meron ang bayan na kakaibang pakiramdam. Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang makarating sa dulo ng bayan, pagkahakbang nya ay biglang bumigat ang pakiramdam ni Bunny, nagdilim ang kanyang mga mata. Agad agad idinilat nya ang kanyang mga mata ngunit nagising sya sa kanyang kwarto. Pinuntahan ni Bunny si Violet upang gisingin ito.
" Bunny? Maaga pa magpahinga muna tayo. Mamayang hapon na tayo mamili" bulong ni Violet habang nakahiga sa higaan.
" Dalawang araw ka ng namimili ano ba ang sinasabi mo?" tanong ni Bunny
Bumalikwas ng upo si Violet at hinawakan ang noo ni Bunny,
" Hmm.. hindi ka naman nilalagnat. May nararamdaman ka bang masama? " pag aalalang tanong ni Violet
" Paano ako nakarating sa kwarto ko?" tanong ni Bunny
" Kahapon pag bayad natin sa may ari ng inn dumiretso ka na sa kwarto mo" sagot ni Violet
" Imposible, kahapon namili na tayo. Humiwalay ako sa iyo ng upang mag ikot mag isa kaso ng sinubukan kong lumabas ng bayan bumigat ang pakiramdam ko at nagising na lang ako sa kwarto." paliwanag ni Bunny kay Violet
Dahil sya lang ang nakapansin ng kakaibang pangyayari tumakbo si Bunny palabas ng inn at sinubukan muling lumabas ng bayan. Nang itaak nya ang kanyang paa bumalik uli ang mabigat na pakiramdam sa katawan at nawalan sya ng malay ngunit sa pagkakataong ito hindi agad nagising si Bunny. Nakita nya ang sarili na lumulutang sa kadiliman, sinubukan nya humanap ng matatapakan at abutin ang kahit anong bagay na maari ngyang mahawakan. Habang nakalutang sa kawalan at kadiliman isang liwanag ang kanyang nakita, bigla isa isang lumabas ang mga orasang may ibat ibang hugis at lagi. Sa gitna ay may malaking orasan syang nakita at isang nakakabinging tunog ang umalingawngaw mula dito. Idinilat ni Bunny ang kanyang mga mata at natagpuan nya ang kanyang sarili sa gilid ng kalsada.
" Bunny" tawag ni Violet sa kanya habang hawak ang kanyang mga kamay.
" Violet? Anong nangyari?" tanong ni Bunny
" Sa tingin ko alam ko na ang nangyayari" sagot ni Violet kay Bunny
Binuhat ni Violet si Bunny at dinala sa kwarto, inabutan nya ito ng maiinom at umupo sa tabi nito.
" Sa tingin ko nakakulong tayo dito" sabi ni Violet kay Bunny
" Nakakulong? " tanong nito kay Violet
" Kaninang umaga hindi ba ang sabi mo sa akin na ilang araw na aking paulit ulit sa ginagawa ko? Tignan mo ito... " wika ni Violet at inabot ang mapa
" Mapa? "
" Pagkatapos mo umalis sinubukan kong mag ikot sa bayan. Nakita ko itong mapa at may napansin akong mali" paliwanag ni Violet
Tinignan ng mabuti ni Bunny ang mapa at napansin na may kakaiba dito. Inilabas ni Bunny ang dala nyang mapa at nakita na ang bayan na ito ay dalawampung taon ng wala.
" Wala ang bayan na ito sa aking mapa, ang bayang ito ay matagal ng wala" gulat na nasambit ni Bunny
" Tama, ito ang bayan ng Ciel na matagal ng wala sa mapa dahil nawasak ito." dagdag ni Violet
" Bakit narito tayo kung matagal na itong wala?" tanong ni Bunny
" Anong araw tayo dumating sa bayan na ito?" tanong ni Violet
" Araw? Ummm, buwan ng Julio labing isa" sagot ni Bunny kay Violet
" Julio labing lima ang araw kung kailan nawasak ang bayan na ito."
" Ayon sa kwento nasira ang bayan na ito dahil sa Diyos na si Zorigami. Ang sabi isang binibini ang gumalit sa kanya sa pagnanakaw nito ng gintong orasan na matatagpuan sa simbahan ng bayan na ito. Ang orasan ang sumisimbolo at pumoprotekta sa bayang ito subalit ng magalit ang Diyos na si Zorigami tinawag nya ang dragong si Zahhak. " kwento ni Bunny
" Bakit sinubukang nakawin nang orasang nagproprotekta sa kanila? " tanong ni Violet
" Ang sabi ang orasan ni Zorigami ay kayang pigilan ang pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng pagdagdag sa oras ng buhay ngunit ang kapalit ay ang buhay ng maraming tao" paliwanag ni Bunny kay Violet
" Paano tayo makakaalis dito? Ngayon ay Julio labing lima kung tama ang kutob ko di na tayo makakaalis kung mananatili pa tayo dito matapos ang araw na ito" wika ni Violet kay Bunny
Natahimik saglit ang dalawa at nag isip. Sinubukan nilang alalahanin ang lahat ng bagay na tungkol sa bayan ng Ciel, sa Diyos na si Zorigami hanggang sa makaisip si Violet.
" Kung ang panahon na ito ay bago ang pagkawasak ng bayan maaaring makita natin ang orasan. Subukan nating tawagin si Zorigami" suhestyon ni Violet kay Bunny
" At bakit mo tatawagin ang Diyos ng Oras? Nasisiraan ka na ba?" tanong ni Bunny
" Isa pa parang may mali,meron talagang hindi tama sa kwentong alam natin at sa nangyayari ngayon" dagdag pa ni Bunny
" Hayaan mo na, pumunta na tayo dali" sabi ni Violet at hinatak si Bunny papalabas papunta sa simbahan.
Nakarating agad ang dalawa sa simbahan hinatak papasok ni Violet si Bunny. Sa loob ay may isang altar ni Zorigami sa gitna at hawak nya ang orasan.
" Ano na?" tanong ni Bunny kay Violet
Kinuha ni Violet ang orasan at tinignan ito. Kulay gitno at bilugan, sa likod ay may nakasulat. Binigkas ito ni Violet ngunit hindi lumabas o nagparamdam man lang si Zorigami.
" Walang nangyari" pang iinis ni Bunny kay Violet
" Hahaha, alam ko kailangan na natin ng tulong. May kilala akong makakasagot ng ating katanungan subalit may problema." wika ni Violet
" Anong problema?"
" Nakakulong sya dito sa singsing ko, hindi ko pwede na tawagin sya di sya pwede makalabas. Problema dala nya alam mo ba ilang beses na nya ako sinubukang patayin, may saltik ang isang..." sagot ni Violet na nagsimula ng magkwento na kinainis na namn ni Bunny at tinakpan ang bibig nya
" Ahahaha, nakalimutan ko may importante pa tayong gagawin." paghingi ng pasensya ni Violet kay Bunny na tinititigan sya ng masama na kulang na lang ay pumanaw sya sa mga matatalas na tingin.
" Ako pupunta, kakausapin ko kung sino man iyan" suhestyon ni Bunny
" Pero delikado" pagpigil ni Violet
" Bilisan mo o sisipain kita?!" Pagbabanta ni Bunny
Pumayag na din si Violet, pumasok sa loob ng singsing si Bunny. Malamig ang naramdaman nya sa oras na sya ay pumasok may kadiliman subalit makikita mo ang mga kagamitan sa loob ng singsing ni Violet. Ang mga gamit ni Violet tulad ng espada, kutsilyo, sandok, kawali, gulay, karne at iba pang mga gamit ay nakalutang. Naglakad si Bunny sa loob nito habang ang mga kagamitan ay lumulutang sa paligid nya ng makarinig sya ng ingay, kumaripas ng takbo si Bunny at nakita ang isang lalaking nakakadena. Ito ay may puting mahahabang buhok, mga matang kakulay ng langit at may marka ng buwan sa kanang mata.
" Kamusta? Kinilong ka din ba ng pasaway na iyon?" tanong nito kay Bunny
" Paano namin makakusap si Zorigami?" diretsang tanong ni Bunny sa kanya
" Patay na ang dating Diyos ng oras at pinalitan na sya"
" Patay?" tanong ni Bunny
" Maswerte kayo dahil sa oras na mamamatay kayo nagiging kaluluwa ang mga tulad niyo, samantala ang mga Diyos ay naglalaho na lamang" wika nito
" Kung wala na si Zorigami bakit ang bayan ng Ciel na kanyang isinumpa ay patuloy na bumabalik?" tanong nito
" Mali, hindi magagawa ni Zorigami ang bagay na iyon. Si Zahhak ang sumira sa bayan na iyon dahil hindi nya makuha ang puso ng isang binibini na umibig kay Zorigami." paliwanag nito sa kanya
" Paano kami makakaalis sa isinumpang bayan?" tanong ni Bunny
" Bakit ko tutulungan ang taong nagkulong sa akin dito?" winika nito kay Bunny
" Ano ang gusto mong kapalit ng pagtulong?" tanong ni Bunny
" Kalayaan," sagot nito
" Ito, makakalaya ka sa pagkakakulong kay Violet..." sagot ni Bunny at ipinakita ang isang papel sa kanya
" Kontrata, gusto mo akong gawin tagapangalaga mo?!" tanong nito gamit ang mataas na boses
" Makakalaya ka sa kanya, kung ayaw mo hahanap ako ng ibang paraan pero ikaw buong buhay mo na dito" sagot ni Bunny
Mataos ang ilang minuto naramdaman ni Violet si Bunny, tinawag niya ito upang makalabas ng singsing. Nardaman ni Violet ang pagkawala ng bihag nya sa loob ng singsing.
" Anong ginawa mo at pinakawalan mo Asral?" tanong ng nagaalala na si Violet
" Wag kang mag alala, nakakontrata sa akin si Asral at alam ko na ang nangyari.
Nagsimulang ikwento ni Bunny ang totoong nangyari kay Violet.
" Umibig si Zahhak sa isang babae na ang minahal ay si Zorigami. Naglaban ang dalawa para sa pag ibig ng dalaga hanggang sa masawi si Zorigami. Dahil sa ayaw mawala ng babae si Zorigami ginamot nya ang orasan. Ibinabalik nya ang oras at panahon na kung saan bago pa mawala si ang Diyos, sinakripisyo nya ang buahy ng bawat mamamayan at ni Zahhak upang matupad ito." kwento ni Bunny
" Paano nagamit ng isang tao ang orasan?" tanong ni Violet
" Nagbunga ang pagmamahalan ng babae at ng Diyos, hanggang ngayon ibinabalik nya ang oras upang makasama ang lalaking ponakmamahal nya. Kailangan natin hanapin ang babae at ipaalala sa kanya ang lahat" paliwang ni Bunny kay Violet
" Paano natin sya makikilala?" muling tanong nito
" Hindi na kailangan dahil paparating na sya" sagot ni Bunny at bumukas ang pintuan ng simbahan. Isang babae na may itim na buhok at mga mata, makinis at mapuputing balat at may mapupulang labi ang pumasok sa simbahan.
" Magandang umaga, dayo ba kayo dito?" tanong ng babae
Lumapit si Bunny sa babae at hinawakan sa magkabilang braso, " Matagal nang wala sa mundong ito si Zorigami, gumising ka na dalawampung taon mo na ito ginagawa at ang mga kaluluwa ng taong sinakripisyo mo ay pagod na."
" Ano ba ang pinagsasabi mo?" tanong ng babae
" Alalahanin mo ang pagsugod ni Zahhak at pagpaslang nya kay Zorigami" dagdagpa ni Bunny
" Hindi! Hindi!" sigaw nito at nagsimula na nyang matandaan ang nagyari
Ang paligid ay nag simulang maglaho at ang babae na kanina lang ay nasa labjng walong taong gulang ay naging tatlumpong taong gulang na. Ang anak na bunga ng pagmamahalan na di nya nakikita ay unti unting nagkaroon ng wangis.
" Hindi mo dapat pinaalala" galit na sabi ng babae habang umiiyak ito
" Dapat lang na maalala mo sya na hanggang dulo ikaw ang pinili nyang protektahan. Wag mo itong sayangin sa pagbalik ng oras na kahit kailan ay lilipas din."