Violet

2013 Words
" Wala pa bang mapapadala ang guild na maayos ara maihatid ka sa kapital?" reklamo ni Eugene " ...... Hindi naman natin sila mapipigilan sa pagpunta dito." sagot ni Vi Biglang may kumatok sa pintuan, " Ako ito ang tagapamahala" " Pasok," sagot ni Eugene " Magandang umaga, may babaeng naghahanap sa inyo. Galing sya sa guild. " bati nito sa dalawa at pagpapaalam na may naghahanap sa kanila " Isa na namang walang kwenta, sige papasukin mo ng mapaalis na namin siya" reklamo ni Eugene " Sa tingin ko ay makakaalis na kayo mga ginoo" sagot ng tagaamahala at umalis ara sunduin ang babaeng tinutukoy niya Pagbukas ng pinto bumungad sa dalawa ang isang babae na may hanggang balikat na puting buhok at makikinang na pulang mata. Kinausap ni Eugene ang babae, nag abot din ito ng sulat na binasa ni Eugene sa huli ay napagdesisyunan nila na kunin sya at nagakilala ito bilang Bunny. Pinaalis ni Eugene si Bunny upang maghanda sa pag alis bukas. " Di ko inakalang makakaalis na talaga tayo, gusto ko pa naman syang sukatin" sabi ni Eugene " Inirekumenda sya ng receptionist ibig sabihin wala ng dahilan para sukatin ang kanyang lakas." sagot ni Vi kay Eugene " Di pa din ako makapaniwala na makakakita ng tulad nya. Ang mga Hare ay naubos dahil sa insidente dahil, di ko akalaing may nabuhay. Kagimbal gimbal ang nangyari sa kanila" kwento ni Eugene kay Vi " Sa oras na malaman niya ang naging dahilan ng pagkamatay ng lahi nya paniguradong hahanapin nya ang taong iyon" dagdag ni Vi Kinabukasan dumating si Bunny at nagsimula ang pagbibigay nh direksyon ni Eugene sa kanya bago pa ito humiwalay sa dalawa. Nang makaalis si Eugen tinignan si Bunny si Vi. ( Anong problema kaya nito,) tanong ni Vi sa sarili " Dapat sinabi nya kaagad na maglalakbay tayo ng walang sasakyan. Paniguradong mag aalala sya." reklamo ni Bunny ( Nagrereklamo ba siya sa akin?) tanong ni Vi sa sarili Pagkataos noon ay umalis sila ara maglakbay, minsan sinusulyapan sya ni Bunny at isang beses ay sinabihan na kung sya ay napapagod ay sumenyas lamang sya. Kinagabihan, naramdaman nyang bumangon si Bunny. Nalaman no Vi na may nakapaligid sa kanilang mga halimaw, naririnig nya ang pagtama ng palaso ni Bunny sa mga nilalang na ito ngunit, nagpanggap pa din syang tulog. Isang marahang yabag ang papalait kay Vi, aatakihin sya nito subalit, iniligtas sya ni Bunny. ( Nvayon alam ko na kung balit sya inirekumenda,) wika sa sarili ni Vi ng nakarinig muli ng reklamo kay Bunny. " Bilib din ako sa iyo, di ka talaga nagising sa lahat ng ingay?" reklamo ni Bunny sa kanya ( Ahaha, nakakatuwa ang isang ito.) aliw na sabi ni Vi sa sarili. Kinabukasan, binalaan sya ni Bunny na talasan ang pakiramdam at mag-ingat. Nagatuloy ang dalawa sa paglalakbay ng harangin sila ng tagapangalaga ng kagubatan si Droa na isang nimpa o dryad. " Droa" sambit ni Bunny ng bigla itong nagpakita sa kanila, isang nimpa ng mga puno na nangangalaga sa gubat. Ito ay may patulis na tenga, berdeng mga mata at buhok, maging ang kasuotan nila ay kulay berde. " Bunny, masaya ako at ikaw ang narito" masayang bati nito sa kanya " Anong kailangan mo? Isa pa bakit may mga Tatzel sa gubat mo?" tanong ni Bunny sa nimpa Biglang nanlumo ang mukha ni Droa at sinabing, " Hindi ko na gubat ito nagyon" Laking pagtataka ni Bunny kung bakit wala na sa pangangalaga ni Droa ang gubat ngunit, ayaw makialam ni Bunny sa mga bagay na wala syang kinalaman. " Tara na, umalis na tayo" sabi ni Bunny kay Vi Pinigilan ni Droa si Bunny at lumuhod sa harapan nito. " Tulungan mo ako mabawi ang aking gubat, nakikiusap ako" pagmamakaawa nito sa kanya " Malayo pa ang pupuntahan namin, kung kailangan mo ng tulong magpadala ka ng mensahe sa guild" sagot ni Bunny na tila walanh pakialam " Bunny, nakikiusap ako sa iyo. Tulungan mo ako , hindi ko lamang ito ginagawa para mabawi ang pangangalaga sa gubat. Ang mga Tatzel galing sa mga Orc na nakipagkasundo sa aking kalahi na si Defa. Sinisira nila ang gubat ko maging ang gubat na nasa pangangalaga ni Dimpa. Ilang araw na lamang mapupunta na kay Defa ang pangangalaga ng gubat ni Dimpa." paliwanag nito kay Bunny " Ang gubat ni Dimpa?" tanong muli ni Bunny " Master nais ko sanang ipagpaliban ang ating paglalakbay kung maaari lamang." tanong ni Bunny kay Vi na sumangayon. " Salamat" masayang sambot ni Droa " Magpadala ka ng mensahe sa guild at ilagay mo na sasalakayin nh orcs ang nayon at nagpapalakas ito sa iyong gubat. Sabihin mo din na kailangan ng agarang pagresponde" utos ni Bunny kay Droa " Pero hindi sasalakayin ni Defa ang nayon" pagtatakang tanong ni Droa " Kailangan mo ng tulong di ba? Hindi ka nila tutulungan kung hindi malalagay sa alanganin ang kapayapaan ng lugar na iyon." sagot ni Bunny " Naiintindihan ko" sagot ni Droa at dali daling nagpadala ng sulat sa guild. Nagpadala din sya ng sulat kay Dimpa na maaari syang salakayin ni Defa sa tulong ng mga orcs. Pumunta sa kalagitnaan ng gubat ang tatlo at nakita nila si Defa, ang nimpa na tinutukoy ni Droa. Sa lahat ng nimpa si Defa ay may kulay mapusyaw na kulay asul na buhok at mga mata. Siya ay napapaligiran ng mga orcs. " Siya ba si Defa? Iba ang itsura nya sa mga nimpa" tanong ni Bunny " Tama, lahat ng nimpa ay kulay berde sya lang ang may ganyang kulay. Ang sabi ay kalahating nimpa ng kagubatan at tubig si Defa." sagot ni Droa kay Bunny " Nasaan ang ibang mga nimpa?" muling tanong ni Bunny " Marahil ay nakakulong ang mga ito sa bolang salamin. Marahil nasa leeg ito bilang kwintas ni Defa. Kinuha nya sa akin ang bola noong kinalaban ko sya." sagot ni Droa kay Bunny Bukod sa mga orc ay maraming Tatzel na nakakulong sa bakal na kulungan. " Kailangan kong mabawi ang ang aking tungkod" sabi ni Droa sa kanila Pinakiusapan ni Bunny na magtago si Vi, sinabihan din nya si Droa sa planong kanilang gagawin. Sinimulan nilang umatake, gamit ang mga kakayahan ni Droa tinawag nya ang mga ugat at pinigilan ang mga orc sa paggalaw. Sinimulan ni Bunny na atakihin ang mga orc gamit ang kanyang mga palaso subalit ang mga orc na di napigilan ni Droa sinalag ang ilan sa mga tira niya. " Pakawalan ang mga Tatzel" utos ni Defa sa mga orc " Droa ang mga Tatzel" sigaw ni Bunny kay Droa " Patayin silang dalawa" utos muli ni Defa sa mga orc Umatake ang mga orc at Tatzel sa kanilang dalawa, git ang malalakas na binti tumalon si Bunny at mula sa ere ay pinatamaan ny ng palaso ang mga orcs at Tatzel, si Droa naman ay sinubukan pigilan ang bawat galaw ng mga Tatzel at orc. Di nya napansin na isang orc ang papalapit sa kanya, sinipa ito ni Bunny at pinatamaan nv palaso sa ulo. " Tch," inis at galit na si Defa dahil nakikita nya ang pagkatalo. Sinimulan nyang magsabi ng enkantasyon at ang mga halimaw ay lumakas. Lumaki ang ang mga Tatzel at bumilis samantala, ang mga orc ay lalong lumakas. Nagsisimula ng maubos ang palaso ni Bunny, napapagod na din si Droa at nauubusan na ng sakhti ( energy). Habang abala si Bunny sa mga kalaban nakitanya ang gagawing pag atake ni Defa mula sa gilid. Masyadong malayo si Bunny at agad itinira ni Defa ang isang malakas na bola ng sakhti kay Droa, napuno ng usok ang paligid at nang maglago ito nakita ni Bunny ang isang anino na sumalag sa atake ni Defa. Si Vi, sinalag nya ang atake at tinulungan si Droa. Mula sa likod ay may aatake kay Bunny gamit ang espada, ubos na ang kanyang palaso kaya ginamit nya ang kanyang binti upang tungtungan ang dulo ng espada at sinipa nya ng malakas ang orc na tumilansik. Tila kasing gaan ng balahibo kung gumalaw si Bunny ngunit kasing bigat at lakas naman ng isang higante ang bawat sipa nya. Patuloy lang sa pag atake si Bunny at pinaalis nya si Vi at Droa upang hanapin ang mga taong tutulong sa kanila. Tumagal pa nang ilang minuto ang laban ni Bunny sa mga at Tatzel maging kay Defa na inaabangan ang pagkakataong atakihin sya. Napapagod na sya at di na maganda ang lagay ng kanyang mga binti dahil ito pinupuntirya ni Defa. Gamit ang natitirang lakas sinunukan nyang malapitan si Defa nh makalapit sya isang orc na may maso ang hahampas sa kanya, naiwasan nya ito at nagawang umatake. Nagulat si Defa sinubkan nyang umatake subalit huli na at naagaw na ni Bunny sa kanya ang tungkod. Susugurin na sya ng mga orc sa utos ni Defa ng unti unti na syang mawawalan ng malay ng nakarinig sya ng mga boses, ng masigurado na tulong ito sa guild ay nawalan na sya ng malay. Kinaumagahan, natagpuan nya ang sarili nya sa isang maliit na bayan. Ang mga sugat nya ay magaling na, tumayo sya agad at hinanap si Droa at Vi. " Gising na sya!" sigaw ng bata at lumapit ang isang matanda kasama si Vi kay Bunny " Nasaan kami?" tanong ni Bunny " Nasa bayan ka ng Tanya" sagot ng matanda " Paanong? Anong nangyari kay Droa" tanong ni Bunny sa sarili Hinila sya ni Vi pabalik sa loob ng kanyang pinagtulugan " Maayos na si Droa, nabawi na nya ang pangangalaga sa gubat. Tinulungan ka nya at ng ibang nimoa para sa sugat mo. Ako na ang nagpaalam sa kanila. Dalawang araw ka nv tulog" paliwanag ni Vi kay Bunny Napatulala si Bunny kay Vi na wlang sinasabi kaya nagtanong si Vi, " may problema ba?" " Nagsasalita ka? Pipi ka di ba? " tanong ni Bunny " oo nakakapagsalita ako," sagot nito " Kung ganoon bakit di ka sumasagot pag tinatanong kita? Puro tango lang ginagawa mo." reklamo ni Bunny sa kanya " dahil kailangan ko sagutin ang tanong mo kaya nagsasalita ako. Gusto kong makipagkwetuhan sa iyo pero ayaw ni Eugene. Dapat wag daw ako tumawag ng pansin. Ang hirap hirap ang hindi magsalita. Gusto galga kita kausapin. Medyo nakakatakot ka din alam mo ba iyon, marami akong gustong itanong....." sagot ni Vi sa kanya na ayaw namang tumigil sa kakadaldal Napatulala na lang si Bunny sa kanya ( Ha ha ha, sana di ko na lang tinanong. Napakadaldal nya, wala na akong mainitindihan sa pinagsasabi nya.... Kailan ba sya titigil) reklamo ni Bunny Di na natiis ni Bunny ang ingay ni Vi kaya tinakpan na nya ang bibig nito. " Wala na akong maintidihan" reklamo ni Bunny kay Vi " Pasensya na ilang araw na kasi akong tahimik akala ko nga di na gagana ang panga ko." patawang sagot ni Vi kay Bunny " Basta wag ka lang magsalita ng magsalita ng dirediretso dahil ingay lang ang nagagawa mo" " Sige at dahil alam mo na, pwede na tayong magkwentuhan" masayang sabi ni Vi sa kanya " Ikaw ang bahala master, pero hindi ako lagi sasagot" sagot ni Bunny " Violet, yun na lang itawag mo sa akin" utos ni Violet sa kanya Kinagabihan ay mahimbing na natulog si Bunny. Si Violet naman ay nagmumunimuni habang nakahiga at naalala ang mga sinabi ni Droa sa kanya. ( " Magaling na ang sugat nya, maaari pa kayong manatili dito" pag anyaya ni Droa kay Vi matapos niyang mabawi ang pagmamay ari sa gubat at matalo ang mga orc at Tatzel Umiling lamang si Vi at isinulat sa lupa na aalis sya kasama si Bunny kahit wala otong malay. " Ganoon ba, naiintidihan ko na naglalakbay kayo at misyon ito ni Bunny mula sa guild. Pasensya na sa pang iistorbo. Nagulat talaga ako nang tanggihan nya ako nung una, ang batang iyon may magandang mga ngiti at masiglang mga mata. Akala ko nawala na ang batang nakilala ko dati tulad ng pagkawala mg pamilya nya pero ang mga mainit at maaalalahaning kamay na humawak sa akin ay naroron pa din, ang kabutihan at pagmamahal nya ay naroroon pa din ngunit nakatago lamang. Kailan kaya sya ngingiti at magiging masigla katulad ng dati. " ) " Ang taong ito ay ngingiti?" bulong na tanong ni Violet sa sarili " Gusto kong makita iyon" dugtong nya at pumikit na ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD