Sinimulan nila Asral ang paglalakbay papuntang Magenta, sa lahat ng bansa at lugar na kanilang nakita ito ay nakakakilabot. Mula sa taas ramdam nila ang mabigat na presensya mula dito, madilim at may nakakabinging katahimikan. Bumaba ang tatlo sa sinasakyang mahiwagang ulap at pumasok sa gubat. Sa itsura ng lugar walang mabubuhay na halaman dito kung hindi mga nakakalason lamang at pasalamat sila sa Diyosa ng tubig na si Danaya sa basbas na ibinigay nito.
" Woah!!! Tignan niyo yun oh!" wika ni Violet na akala mo ay namamasyal
Tinignan nila ang tinuro ni Violet, ito ay isang halaman na may dalawang malapad dahon sa magkabilang gilid nito at pahabang bunga sa gitna. Nagtinginan lamang ang dalawa ng ipakita sa kanila ni Violet ang halaman.
" Master mabuti pa na lumayo ka sa maruming lalaking iyan" bulong ni Asral
" Bakit ba?! " reklamo ni Violet
" Wag ka mag alala , alam ko na may sariling pangangailangan ka bilang lalaki.... Hindi ko lang maisip na ipapakita mo sa akin ang bagay na iyan.... " mahinang sabi ni Bunny
" Ha? Ano ba ang kinalaman ng pagiging lalaki ko sa elepanteng halaman na yan? " tanong ni Violet
" Ahhhhhh,..... Elepante.... " sabay na winika ni Asral at Bunny
" Tsk, tara na puntahan na natin si Cross" pag anyaya ni Violet ng may pumulupot sa kanyang mga binti na halaman at hinila sya pataas.
Sinubukang manlaban ni Violet ngunit pinulupot ng mabilis si Violet sa buong katawan kasama ang kanyang ulo ng mga sanga nito. Mula sa madilim na bahagi nagpakita ang isang malaking puno na may mukha at kumokontrol sa mga nakapulupot kay Violet.
" Asral si Violet" wika ni Bunny.
" Ok lang yan" sagot ni Asral na tila walang pakialaam kay Violet
" Asral tulungan mo si Violet" wika ni Bunny
" Oo na," sagot ni Asral at pinagyelo nya ang buong katawan ng puno subalit bumuga ito ng napakainit na apoy na kumalat sa lupa , Hinila ni Bunny si Asral sa damit at inakyat niya silang dalawa sa puno.
" Ha- ha... Kakaibang puno..." wika ni Bunny ng di makapaniwala sa ginawa nito.
" Hayaan na lang kaya natin sya?" suhestyon ni Asral at tinitigan sya ng masama ni Bunny
" Eh, biro lang naman" wika ni Asral
" Pagyelohin mo ng mas mabilis, madilim dito panigurado naman na mas malakas ang kapangyarihan mo sa ganitong lugar" wika ni Bunny
Mabilis na pinagyelo ni Asral ang puno, ng mabalutan ma ito winasak ito ni Bunny sa pamamagitan ng pagsipaa dito at sinalo si Violet. Maingat na winasak ni Asral ang nakapulupot kay Violet.
" Akala ko ay katapusan ko na" wika ni Violet habang unti unting nadurog ang kanyang maskara
Gamit ang kanyang singsing naghanap si Violet ng ekstrang masakara subalot wala na syang makuha.
" Wala na?" wika ni Violet sa sarili
" Tara na," pagtawag ni Bunny sa kanya
" Hehehe, sabagay hindi dapat tinatago ang ganitong mukha... " wika ni Violet pagmamalaki sa kanyang mukha
" oi dapat lang ba na ibalandra mo yang mukh mo?" tanong ni Asral
" Ano naman ang problema sa mukha nya? " tanong ni Bunny
" Lahat ng nakakakita sa mukha ko ay iibig sa akin, lahat ng tititig sa aking mata ay susunod sa aking nais........ at ang pinakamalaking katanungan bakit tila hindi gumagana ito sa iyo Bunny?..... " tanong ni Violet habang nakapulupot ang braso niya sa braso ni Bunny
" Hindi ba napakagandang kakayahan yan?" tanong ni Bunny
" Ah! Alam ko na patay na patay ka na sa akin denial ka lang" wika ni Violet habang nakangiti
" Lumayo ka nga" reklamo no Bunny habang hinahatak ang kanyang braso
" Pakasal na kasi tayo" biro ni Violet
" Narito na tayo" wika ni Asral ng makarating sila sa isang palasyo na nababalutan ng maiitim na ulap at presensya
Hindi pa sila kumakatok sa pintuan ng lalasyo ni Cross lumitaw na ito sa knilang likod. Si Cross ay may maputlang kulay, mga matang kulay pula, itim na mahabang buhok hanggang bewang na itinali gamit ang gintong panali.
" Bakit kayo naparito? Isang bampira?" tanong ni Cross at lumapit ito kay Bunny habang tinititigan ang mga mata nito
" Pasensya, isa akong Hare" sagot ni Bunny
Inamoy amoy ni Cross si Bunny sa leeg at sinabing, " masarap ka"
Nang winika ito ni Cross, espada ni Violet at patalim ni Asral ang tumutok sa kanyang leeg.
" Hahahaha, narito ba kayo para patayin ako?" tanong ni Cross na biglang napunta sa likuran ni Bunny at nakapatong ang mga braso nya sa balikat ni Bunny
" Hindi, ang bahahi ng salamin na nasa iyo... merong nagbabalak kunin ito" wika ni Bunny
" Babala, narito kayo para sa babala.... Hm? Walang makakalapit dito sa Magenta dahil sa alm niyo na... nakakamatay na hangin at mga halaman sa paligid, wala ding makakaparay sa akin" winika ni Cross habang nilalaro ang buhok ni Bunny
" Wala ngang makakapatay sa iyo pero hindi naman iyon ang nais ng nilalang na iyon kung hindi ang salamin" wika ni Violet na nakasimangot
" Hm? Ito ang bahagi ng salamin iyo na.. " at inabot ni Cross ang bahagi ng salamin kay Asral subalit, nawala ito bigla kasama si Bunny
" Si Bunny?" tanong ni Asral
" Bigla na lang sya nawala kasama ang...." hindi pa natatapos magsalita si Violet mula sa palasyo isang tinig ang umalingawngaw
" Hihingin kong kapalit ang binibini" wika nito
Walang anong sabi matapos marinig ito sinubukang buksan ni Violet ang pinto, ngunit hindi ito matinag. Sa galit ay sinubukang wasakin ng dalawa ang pinto subalit hindi ito mawasak.
Habang sinusubukang pumasok ng dalawa natagpuan ni Bunny ang sarili sa loob ng palasyo.
" Palabasin mo ako" wika ni Bunny
" Ngunit ikaw ang kapalit para sa bahagi na hinihingi nila" sagot ni Cross
Nawala si Cross sa paningin ni Bunny at napunta sya sa likod sinubukan ni Cross yakapin si Bunny ngunit sinipa sya nito.
" Hahahaha, nakakatuwa ka... kakaiba ka" wika ni Cross at lumait ito kay Bunny upang titigan sa mata
Hinampas ni Bunny sa mukha ng tumitig ito sa kanya.
" Ahahahaha, hindi nagan sa iyo ang mga mata ko. Gusto kita, manatili ka dito" pag anyaya ni Cross kay Bunny
" Hindi pwede, may mahiwagang nilalang na gustong magkaroon ng malawakang paninira. Ayokong mangyari iyon." paliwanag ni Bunny
" Wala namang maganda sa labas ng maliit na bayan na ito, dito sa aking lugar walang mandidiri o iiwas sa iyo. Payapa dito" sagot ni Cross habang yakapa yakap si Bunny mula sa likuran
" Nangako ako sa aking kapatid na mamamasyal kami sa magagandang lugar, kakain ng masasarap na pagkain at magiging masaya..... nangako ako kaya kailangan ko bumalik at pangalagaan ang bagay na pinapangarap naming dalawa" paliwanag ni Bunny kay Cross
" Magkaiba tayo" wika ni Cross na may lungkot sa kanyang boses
" Hindi dahilan ang pagkakaiba" wika ni Bunny at mula sa itaas dumating sila Violet at Asral. Agad iwinasiwas ni Violet ang kanyang espada na iniwasan ni Cross. Hinila naman ni Asral si Bunny papalapit sa kanya.
" Ibinigay ko na amg nais niyo ibigay niyo ang nais ko kaila gan ko lang ng makakasama" wika ni Cross na may diin habang tinititigan si Violet ng masama
" Akin lang si Bunny, wala kang karapatang hawakan sya...." giit ni Violet at inatake muli nya si Cross.
Naglaban ang dalawa, iwinasiwas ni Violet ang kanyang espada, kahit nasusugatan nya so Cross ito ay agarang humihilom. Samantala ang mga galos at sugat na natamo nya ay naroon, tumulong din si Asral subalit pinigila sya ni Bunny.
" Pigilan mo si Violet at Cross" wika ni Bunny
Sinunod ni Asral ang pakiusap ni Bunny pinagyelo nya ang dalawa at pinaghiwalay.
" Pakawalan mo ako" galit ni winika ni Cross
" Tumigil na kayo, kung gusto mo ng kasama sumama ka sa amin" pag anyaya ni Bunny
" Isa akong bampira, nabubuhay ako sa dugo ng ibang nilalang.... isa akong halimaw" wika ni Cross ng may lungkot sa kanyang boses
" Hindi lang ikaw ang tinignan at tinawag bilang halimaw, hindi ka man tanggapin ng lahat may mga taong tatanggapin ka kung ano ka man. Kung nais mong sumama walang problema at tungkol sa pagkain mo makakahanap tayo ng paraan" wika ni Violet na halong pagsimpatya at awa
Napagdesisiyunan na sumama si Cross sa kanila. Pabalik na sana sina Violet sa Marcus ngunit isag mensahe ang pinadala sa kanila ni Haring Live na dumiretso sila Fiore.