Nanatili sa Fiore sina Veridian, naging mapayapa ang unang dalawang araw nila ng biglang isang nakakatakot, madilim at malamig na presensya ang nramdaman nilang papalapit sa Fiore.
" Ano ang nakakatakot na pakiramdam na iyon?" tanong ni Eugene
" Mukhang napaparito na ang nilalang na iyon" wika ni Rabbi habang nakatingin siya at ang iba sa ulap at langit na unti unting nagdidilim.
" Haring Live, wag kayong mangamba pagkat hindi nila mapapasok ang Fiore." wika ni Haring Orion ng biglang malakasna pagsabog ang narj ig at yumanig sa labas ng Fiore.
Paulit ulit ang pag atakeng nangyayari,
" Sa lakaa ng ginagawa nilang pag atake panigurado makakapaaok sila, kailangan na nating gumawa ng paraan upang mapangalagaan ang bahagi ng mahiwagang salamin" wika ni Veridian na nagangamba dahil sa lakas ng pag atake
" Hindi kailangan maghanda dahil hindi nila ito masisira" wika ni Hariong Orion na pagkasabi pa lamang ay isang nakakatakot na pagsbog ang yumanig at sumira sa maliit na parteng kanilang pananggalang
" Kamahalan binutas nila ang isang bahagisa at8ng pananggalang upang makapasok. Pinangungunahan sila ng isang mahiwagang nillang..... kasama nila ang Demon na si Alp at Bies" wika ng isang elf sa Haring Orion
" Gumawa kayo ng paraan, tipunin lahat ng elf gumawa ng panibagong pananggalang isang libong kilometro paikot sa palasyo. Ang mga elf na kayang magligtas ng ating nasasakupan gawin na. Ang kayang makipaglaban subukang pigilan ang mga papalapit na Demon dito. " utos ni Haring Orion
" Tutulong kami ilang minuto bago kayo makagawa ng panibagong pananggalang?" tanong ni Rabbi
" Kalahating minuto bago magawa ang pamibagong pananggalang" sagot ni Haring Orion
Agad agad nagtungo sina Veridian upang tumulong sa ibang elf. Ang ibang elf na sinubukang pigilan ang mga nakapasok ay namamatay. Habang nagliligtas nakita ni Rabbi ang isang bata na naiwan habang nagaganap ang paglikas. Ang Demon na may apat na braso, itim na buhok, nakakatakot na mga mata at marka ng gagamba sa kanyang noo ay papalapit sa bata sinubukan nitong hawakan ang bata ngunit iniligtas ito ni Rabbi.
Hawak hawak ni Rabbi ang bata ng subukan syang atakihin ng kulay itim na apoy ng isang Demon na may apat na sungay, mahabang itim na buhok, maputlang kulay at nakasuot ng mahabang kasuotan. Sinalag naman ni Veridian ang atakeng ibinato ng demon na may apat na sungay sa pamamagitan ng kanyang spell.
" Eugene bumalik ka sa Haring Orion dalhin mo ang bata, gumawa ka ng mensahe at ipadala ito kay Violet" utos ni Verdian kay Eugene
Agad agad sinunod ni Eugena ang utos, kinuha nya ang bata na hawak ni Rabbi,
" Babalik ako pagkatapos ng inyong iniutos" wika ni Eugene at umalis na
" Isang prinsipe na may malakas na enerhiya at isang Hare.... Alp akin ang Hare. Ako nga pala si Bies" wika ng Demon ng may apat na braso, tinitigan lamang sya ni Rabbi nag aabang ng pagkilos
" Tutulong kami" wika ng mga elf
Ang mga elf ay sinubukang atakihin si Bies sa pagpapaangat ng mga lupa at pagkulong dito, subalit nawasak ang harang hinati ito ni Bies gamit ang mga itak na nasa mga braso.
" Sa tingin niyo ba magagawa akong pigilan ng mga qalang kwentang spells niyo?!" tanong ni Bies at pinagpapatay ang mga elf.
Habang nakatalikod si Rabbi sa kanya aatakihin nya sana ito sa likod ngunit nakaiwas si Rabbi
" Woahhh!!! Hahahaha,, magaling magaling .... Nakakatuwa talaga ang bilis niyo. " aliw na winika ni Bies
" Hahahaha, mukhang mag eenjoy ako nito" wika ni Rabbi
" Oi, Shade.... Hayaan mo muna kami maglibang" wika ni Bies sa hindi kilalang nilalang
Umatake si Rabbi gamit ang malaking maso at inihampas ito kay Bies na iniwasan nya. Nagsimulang maglaban ang dalawa, habang umaatake si Rabbi umiiwas namin si Bies. Nang makakuha ng pagkakataon si Bies naman ang umatake, iwinasiwas nito ang mga itak na madaling maiwasan ni Rabbi ngunit pagkalapg ng paa ni Rabbi dumikit ito sa lupa, kinuha ni Bies ang pagkakataong ito upang saksakin si Rabbi subalit naiwasan nya pa din ito. Nang makita ni Rabbi ang paa nakita nya ang sapot na pumigil sa kanya kanina.
Habang naglalaban si Rabbi at Bies sinimulan na din nila Verdian ang laban. Unang umatake si Alp gamit ang kanyang itim na apoy gumawa sya ng espada sa kanyang kamay, ito ay may itim na patalim at hawakan. Sinugod ni Alp si Veridian na agad sinalag ni Verdian ng kanyang espada. Nagsimula silang magpalitan ng atake, hanggang si Alp ay iwinasiwas ang kanyang espada ng may nakakatakot na lakas at pwersa na maybkasamang nakakasunog na apoy, tumalsik si Veridian ngunit sinubukan dahil sa pwersa at sinalag nya ang itim na apoy gamit isang spell.
Nagpatuloy ang laban sa bawat panig hanggang sa tumayo sa kinauupuan na bato si Shade.
" Tumigil na kayo nababagot na ako, tapusin niyo na ang larong ginagawa niyo" pahayag ni Shade
Lumayo ang dalawang demon kanola Verdian at Rabbi, pinagsanib nang dalawang demon ang kanilang kapangyarihan na bumuo ng isang nakakatakot na bolang enerhiya.
" Lahat kayo bilisan niyo at pumasok na sa pananggalang....bilis!!" sigaw ni Veridian at sinimulan nipang tumakbo upang makatakas sa gagawing pag atake ng dalawang demon.
" Hahahahaha... takbo!!!" sigaw ni Bies at itinira nila ang nakakatakot na enerhiya papunta sa mga elf.
Nang matanggap ni Violet ang mensahe na dapat sila ay dumiretso sa Fiore, nagtaka sila.
" Ano ang nangyari bakit kailangan nating dumiretso sa Fiore?" pagtataka ni Bunny na nagsimulang mag alala
" Mukhang naroon na ang nilalang na umatake sa iyo dati" hinuha ni Violet
" Kung ganoon kailangan nating mapuntahan sila agad agad" pag aalalang wika ni Bunny
" May spell ako na maaring gamitin ng makarating tayo agad, subalit.....," pagdadalawang isi na winika ni Asral
" Bakit,?" tanong ni Violet
" Kung may kakaharapin kayo hindi ako makakatulong, matapos ko gawin ang teleportation spell makakatulog ako.... hindi ko kayo matutulungan o maprotektahan ka master" paliwanag ni Asral
" Wag kang mag alala, ako ang proprotekta kay Bunny" wika ni Violet
" Kaya ko ang sarili ko, nag aalala ako kay kuya" dagdag ni Bunny
Ibinigkas ni Asral ang spell nagliwanag ang tinatapakan nila Bunny at tila naglalaho sila at naging hangin hanggang sa silay maglaho.
Nakarating sila sa labas ng Fiore, si Asral ay naging maliit na lobo at natulog hawak hawak sya ni Bunny.
" Wasak na ang bahaging ito ng pananggala" pag aalala ni Violet
" Pumasok na tayo" pag anyaya ni Bunny sa kanila
Habang nalalagay sa panganib ang buhay ng mga elf, Verdian, Eugene at Rabbi sila Bunny naman ay hindi alam ang madadatnang kaguluhan. Habang ang Fiore ay nababalutan ng kadiliman sa Marcus ay naghahanda si Haring Dominic upang puntahan ang kakaibang pangyayari sa templo na matataguan sa gubat ng Bituin.
" Haring Dominic narito na si Reyna Azula" pagpapahayag nh isang sundalo
" Lalabas na ako" sagot ni Haring Dominic
Pagkalabas ni Haring Dominic sumalubong sa kanysa si Reyna Azula.
" Sigurado ba sila sa nalaman nila?" tanong ni Haring Dominic
" Sigurado ang liwanag na nakita ng ibang spirits, panigurado magigising na siya.... makakahingi tayo nang tulong sa kanya sa oras na malagay na ang mga bagay sa alanganin" winka ni Reyna Azula sa hari
Sumakay na sila sa kabayo at nagsimulang magtungo sa gubat ng bituin. Ang gubat ng bituin ay kung saan naninirahan ang mga munting fairies, ang gubat ay kumikinang tuwing gabi at twing umaga isang matamis na amoy ang malalanghap sa paligid ng gubat.
Agad na nakarating sila Haring Dominic pagpasok pa lamang sa gubat isang mapayapang presensya ang mararamdaman mo dito, ang maiilap ng fairies ay sinisilip lamang sila sa malayo.
" Napakapayapa ng lugar na ito" wika ni Haring Dominic
" Dahil pinapangalagaaan ito ng Anghel na si Sebastian na kahit sya ay nahihimlay ang proteksyon nya sa lugar na ito ay hindi mawawala" paliwanag ni Azula