Defeat

1440 Words
Nakita nila Bunny ang binabalak na pag- atakeng na gagawin ng mga demon na si Bies at Alp. " Anong gagawin natin?" tanong ni Bunny " May naisip ako" wika ni Violet Itinira na nila Bies at Alp ang bolang enerhiya sa mga elf ng malapit na itong makalapit kanila Veridian isang nilalang ang djmating at tumayo sa kanilang harapan, nang tignan nila kung sino ito nagulat sila sa nakita. " Hah! sakto ang tyempo mo...... Violet" nakangiting winika ni Veridian kay Violet na hinigop ang tinirang bolang enerhiya ng mga demon gamit ang kanyang singsing. Nang mahigop ang bolang enerhiya ng singsing nag laho na lamang ito sa isang malawak na espasyo. Ikinagulat ito nila Alp at Bies. " Kuya! Ayos ka lang ba?" tanong ni Bunny " Ayos lang, mag madali kailangan nating makapaok sa gagaqing harang ng mga elf" wika ni Rabbi habang yakap yakap ang kapatid " Bilisan niyo ang pagpasok" dagdag ni Veridian ngunit hindi pa nakakapasok ang ibang elf maging sila ay inatake na sila ni Bies gamit ang itak, paghampas nito sa lupa ay tumalsik sila sa magkabilang gilid. " Ikaw ba ang may gawa?!" tanong ni Bies kay Violet sabay wasiwas ng kanyang itak na sinalag ng sandata ni Violet " Patakasin niyo na ang iba" wika ni Violet at dahil hindi nya pinansin si Bies nagalit ito at iwinasiwas pa ang ibang sandata na naging dahilan ng pagtalsik ni Violet. Ibinigay ni Bunny si Asral isa sa mga elf at sinipa si Bies sa may ulo na naging dahilan nang pagtumba nito. " Woah, ang lakas nun... Ahahaha naalog ang utak ko" aliw na winika ni Bies Habang tumatayo si Bies, si Alp naman ang umatake kay Bunny na sinalag ni Veridian sa pamamagitan ng paggawa ng pananggala.... Nagpatuloy sa pagbato ng itim na apoy si Alp nang saksakin sya sa likiran ni Eugene na kanyang ikinagalit kaya inatake nya si Eugene na sinalag naman ni Rabbi sa paggamit ng kanyang depensa. Nakita ni Bies ang pagbabago ni Rabbi kaya sinubukan nitong umatake mula sa likod subalit iniligtas sya ni Cross na naputol ang braso at nahulig sa sahig. " Alp, Bies" pagtawag ni Shade sa dalawa na agarang lumapit sa kanya " Anong problema Shades?" tanong ni Alp " Tama na ang laro, kunin ang dapat kunin....patayin ang haharang" utos ni Shade sa dalawa " Iwasan niyong mahawakan ng isang iyon" wika ni unny habang nakaturo sya kay Shades " Nalaman namin na sya ay nag ngangalang Shades" wika ni Veridian " Siya ang puminsala ng matindi kay Bunny." wika ni Violet " Mukhang magsisimula na silang magseryoso. Kailangannatin silang mapigilan makuha ang kanilang pakay" wika ni Veridian " Anim tayo, tatlo lang sila.... Kaya natin yan" pagmamalaki ni Cross " Sino ba ang isang ito? " tanong ni Eugene " Ako si Cross ang pjnakagwapong bampira" pagmamalaki ni Cross sa kanyang sarili " Paano ang hatian?" tanong ni Bunny " Ako na duon sa weirdong naka- hood na tinatawag nilang Shades" wika ni Cross " Tutulong ako sa kanya" pag prisinta naman ni Rabbi " Kami ni Bunny ang bahala duon sa may gagamba sa noo" suhestyon naman ni Violet " Tutulong ako kay Prinsipe Verdian" wika ni Eugene " Ito, dahil mga demon sila makukulong natin sila dito sa cube tapis ito naman kadena ng kabutihan ipipigilan sila nito.... Siguraduhin niyong hindi na sila nakakalaban bago niyo sila ikulong... tatlo lang ang meron ako, di niyo sila kailangan talunin... Pigilan niyo lamang ang pagkilos," paliwanag ni Violet " Naiintidihan namin" sagot nila Sinugod nila Bunny si Bies isang dumadagundong na atake ang pinakawalan ni Violet galing sa kanyang espada na sinalag ni Bies ng kanyang itak na naging dahilan ng pagkawasak ng sandata. Ngumiti lamang si Bies at nagsimulang magbago ang otsura, ang kanyang katawan ay naging gagamba. Umatake si Bunny sa pagsipa kay Bies subalit kahit malaki ito nagawa nitong makaiwas at tirahin sya ng sapot na nagdikit sa kanya sa sahig. Tutusukin na sana si Bunny ng matatalas at matutulis na paa ni Bies ng salagin ito ni Violet. " Ayos ka lang?" tanong Violet " Uhmmm... mag ij gat na ako kaya wag kang mag alala" wika ni Bunny habng kinakalagan ang kaniyang sarili Habang nakikipaglaban sina Violet ganoon din ang iba, nahihirapang makakuha nang pagkakataon sina Eugene upang maisahan si Alp. Mahusay din sa espada si Alp at ilang beses siyang nakipagsabayan kay Veridian at Eugene. Umatake si Eugene, " hundred s***h" Pagkatapos ng atake ni Eugene nasugatan si Alp na naging dahilan ng pagkawala nito sa focus kaya't nagawa syang gamitan ng spell ni Veridian " heavy gravity" Sa sobrang bigat hindi mai- angat ni Alp ang sarili subalit hindi ito nagtagal nagpalit sya ng anyo at naging isang taong ahas na nagpakawala ng nakakatakot ng awra. Sina Cross at Rabbi naman ay nakikipaglaban kay Shade, nagpakawala sila ng sipa, suntok at iba pang atake. Nakipagpalitan din si Shade at sinubukan gawin ang ginawa nya kay Bunny dati subalit dahil sa depensa na meron si Rabbi hindi ito basta basta tumagos. Samantala si Cross naman ay nagagawang mag regenerate at gamutin ang bawat sugat. Ilang minuto nagtagal ang laban at nagawang makulong ang dalawang demon na iminabahala ni Shade. " Talo ka na, nakakulong na ang mga demon" wika ni Rabbi " Hindi pa, isa pa hindi pa nila magamit ang kanilang lakas pagkat kakagising laman nila. Pinipilit niyo akong wasakin kayong lahat" wika ni Shade Unti unting nagdilim ang paligid, ang paligid ay naging malamig at mga umiiyak, humihingi ng tulong at mga alingawngaw ang nariniv sa paligid. Habang kumakalat ito namamatay ang mga halaman, at sa isang kumpas lamang niya sa kanyang kanang kamay ang kanang bahagi ng Fiore ay naglaho na parang bula... ang proteksyon nito ay naglaho na din na tila itinaboy lamang ng hangin. " Haring Live ano na ang nagyayari, bakit naging mabigat ang pakiramdam ko sa paligid?" tanong ng elf na may hawak kay Asral " Huminahon kayo, ang ating pananggalng ay tapos na" wika ni Haring Orion na sinusubukang pakalmahin ang mga nagkakagulong mga elf Kitang kita ng dalawang hari ang takot at pangamba ng bawat elf, miski ang Haring Orion at Live ay sinusubukan na lamang patatagin ang kanilang sarili. " Magpapadala ako ng mensahe sa kaharian ng Marcus at kay Reyna Azula. " wika ni Haring Live " Magdasal tayo sa mga Diyos upang tayo ay tulungan" wika ni Haring Orion na kilala sa pagiging mapagmataas at hindi kumikilala sa kahit kanino mang Diyos ngayon ay nagwika na humingi sila ng tulong " Ngunit hindi yumuyuko ang mga high elf kahit kanino" wika ng matandang elf na kumontra sa desisiyon ng kanilang hari " Nakita ko ang ating kahihinatnan.... Kung nais niyo tiganan niyo din sa inyong mga mahiwagang mata. Sa tingin mo sino ang makakatulong sa atin? " tanong ni Haring Orion sa matanda Nakita ng mga elf ang takot ng hari, di na nila sinubukang tignan ito gamit ang kanilang sariling mga mata bagkus, lumuhod sila at tumawag sa Diyos ng Kalangitaan na si Crone. Mataimtim silang nagdarasal ng mawasak ang kanilang pananggalang at naglaho ang kanang bahagi ng Fiore. Nakita nila Bunny ang mga takot sa elf na mapagmataas na humihingi ng tulong sa Diyos. " Hindi ko akalaing makita ang mga higher elf na nagmamakaawa sa mga Diyos na di nila kinikilala" wika ni Violet " Natalo tayo, at ang mga buhay na nasa ating likuran ay maglalaho" wika ni Veridian sa kawalan ng pag asa " Hoy Crone!!! Naririnig mo ako?! Pumapayag na ako " wika ni Bunny na pinagtaka ng kanyang mga kasama. Nang itinira ni Shades ang huling atake ito ay sinalubong ng maliwanag na enerhiya hanggang sa matupok ng liwanag ang dilim. Bigla na lamang naglaho si Shade bago umalis kinuha nya ang kanyang mga kasama na dalawang demon na nakakulong sa cube. Muling nagliwanag si Fiore at maging ang langit. Habang ang nakakasilaw na liwanag ay unting mawala nakita nila si Crone, Danaya, Geb at Oshun na tumulong sa kanila. Dahan dahang lumapit si Crone kay Bunny at sinabing, " hindi mo na mababawi ang iyong sinabi" Noong araw na nagtungo sila Violet sa Kalangitaan at nakuha ang mga impormasyon, kinausap ni Crone si Bunny bago niya ito paalisin para pumunta kay Caillea. " Bunny anak ng mabuti, makatwiran at matapang na si Feya at ang dating Diyos ng buwan na si Metrias. Ang tanong mo ay kung naghangad ako isang bagay sa buhay ko... sa totoo lang meron at yun ay makasama ang aking pamilya" " Anong sinasabi mo" tanong ni Bunny sa Diyos " Sasabihin ko lahat, sumama ka lang sa akin" " Anong ibig sabihin nito Bunny?" tanong ni Rabbi " Buhay niyo kapalit ng pagsama ko sa kanya. Nakipagkasundo lang ako" wika ni Bunny Hinawakan sya ni Crone at naglaho na lamang na parang bula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD