Katotohanan

1409 Words
" Anong nangyari?" tanong ni Rabbi Tinignan ni Rabbi si Violet at kinuwelyuhan, " Anong ibig sabihin na ito? Bakit nya kinuha ang kapatid ko? May alam ka ba dito?! " galit na tanong ni Rabbi " Hindi ko din alam, wala kong alam.... hindi ko nais na mawala si Bunny" wika no Violet " Kumalma muna tayo, pag isipan natin ito. Si Asral.... baka may nalalaman sya sa oras na sya ay magising maari tayong humingi ng tulong" pagpigil at pagpapaliwanag ni Veridian kay Rabbi Nagtungo sila sa palasyo , nang makarating nakita nila na nagkakagulo ang mga high elves... " Anong nangyari?" tanong ni Veridian Lumapit si Haring Live sa kanila at kitang kita sa mata nito ang pangamba, " Ang Haring Orion pumanaw na nakuha sa kanya ang salamin. Bago umalis ang kakaibang nilalang nagtungo sya dito at kinuha sa pangangalaga ni Haring Orionnang salamin." Sinilip nila ang nangyari at totoo nga pumanaw na ang hari, ang mga high elves ay nagluluksa sa pagkawala ng kanilang hari. Matapos ang insidenteng nangyari napagdesisyunan nila na bumalik sa Marcus. Sa paglalakbay ay inabutan sila ng gabi at nagpahinga sa isang bayan. Kinagabihan nagising na si Asral sa pagkakatulog. Nakita ni Asral na natutulog sa lapag ang dalawang prinsipe, si Rabbi, Eugene at Cross ngunit hindi niya makita si Bunny. Nagising si Cross nang subukang tumayo ni Asral. " Saan ka pupunta?" tanong ni Cross " Pupuntahan ko lang si Master... Hehehe inaasahan ko pa naman na magigising akong yakap ko sya" wika ni Asral na gustong gusto na makita si Bunny " Wala sya sa labas" wika ni Cross " Eh? Nasaan sya?" tanong ni Asral Bumangon sa pagkakahiga si Violet at sinabing, " kinuha sya ni Crone, tinawag nya ito noong oras na muntikan na kaming mamatay lahat..... Sabihin mo bakit sya kukunin ng Diyos ng Kalangjtaan?" " Diyos ka di ba? Anong kailangan niya sa kaaptid ko?" tanong ni Rabbi na nagising kasama pa ng iba " Ang matandang iyon" galit na winika ni Asral Tumayo si Asral at balak nitong puntahan si Bunny, " Sasama ako" wika ni Violet " Ako din" wika ni Rabbi " Bumalik muna tayo sa Marcus at ibigay sa kanila ang bahagi ng salamin na nasa inyo. Pagkatapos noon pag isipan natin ang susunod na hakbang" pagpigil ni Veridian sa kanila Pumayag sila at kinabukasan pagkarating sa Marcus iniwan ni Asral ang pangangalaga nito sa palasyo. Gumawa ang mga salamangkero ng spell upang hindi ito basta basta makuha. " Aalis ako para pumunta sa Diyis na si Geb upang makapasok muli sa Kalangitaan" wika ni Asral " Sasama ako, tutulong ako bawiin ang aking kaibigan " wika ni Cross " Sasama kaming mga narito, " wika ni Veridian " Naiintindihan ko" " Ngunit, nais kong malaman bakit kinuha ng Diyos na si Crone ang aking kapatid" tanong ni Rabbi " Kamukha sya ng kanyang anak" wika ni Asral " Linawin mo, oras na para malamn namin ang katotohanan hindi ba at ano ba talaga ang nangyayari ?" wika ni Violet Ayon sa mga naririnig ko at sa kwento ng aking ina ang Diyos na si Crone ay ang kanang kamay ng Diyos ng lahat, sya ay kinagigiliwan at iwinangis sya kahalintulad sa pinaka mataas na Diyos. Ngunit tulad ng karamihan sa mga Diyos umiibig sila sa mga nilikha. Si Crone ay umibig kay Frey isang Hare, sinuway ni Crone ang hindi dapat ginagawa ng isang Diyos. Tulad ng sinabi ko walang problema ang mahalin ng Diyos ang nilalang na tulad niyo subalit ang magbunga ang pagmamahalan na ito ay labag. Dahil nagbunga ang pagmamahalan nagalit ang Diyos ng Lahat subalit, dahil si Crone ay mahal ng Diyos itoy binigyan nya ng pagkakataon. Ibabalik nya ang pwesto nito bilang Diyos na sinusunod ng lahat pangalawa sa kanya subalit kailangan hindi na sya magpakita at iwan ang kanyang iniibig na si Frey. Pinili ni Crone ang tabi ng Diyos dahil ang sabi nila ay higit ang oagmamahal ni Crone sa Diyos na ito. Iniwan niya si Frey at ang anak niyang si.... Freya " Ang aking ina?" tanong ni Rabbi " Oo, ang inyong ina ay bunga ng pagmamahalan ni Crone at ni Frey. Apo tayo ni Crone" sagot ni Asral " Teka, kayo apo ni Crone? Kasama ka?" tanong ni Cross " Si Metrias na inyong ama ay ang aking ama na aking pinalitan pagkat sya ay umibig sa inyong ina na si Freya. Kayo ang ipinalit nya sa amin ni ina kaya ang aking ina ang nagbigay ng sumpa sa inyong lahi at ngayon ay nakakulong " paliwanag ni Asral " Kumg ganoon alam mo na pala ang bagay na iyon simula pa lang. Alam mong kaatid mo sya" wika ni Violet " Oo, noong unang beses ko syang makita hindi ko akalaing sya ang magpapakawala sa akin sa iyo. Noong kinuha nila si ama sa amin at nakita ko ang nangyari sa aking ina hinihiling ko ang kamatayan nila. Tuwing gabi sumisilip ako sa kanilang tirahan upang makita ang kanilang paglaki, akala ko ginagawa ko iyon dahil sa galit sa kanila subalit kalaunan napagtanto ko na hindi. Hanggang sa nakulong ako hindi ko na alam ang nangyari" kwento ni Asral " Walang nagturo sa akin ng pagmamahal kaya nais kong maramdamn iyon sa aking kapatid." dagdag pa ni Asral Pagkatapos malaman ang katotohanan napagdesisyunan nilang pumunta sa Diyos na si Geb. Samantala, si Reyna Azula at Haring Dominic ay hindi pa din nakakalabas sa Gubat ng Bituin. Naroon sila upang hanapin ang anghel na si Sebastian na nagising na sa kanyang pagkakahimlay. " Ano ba ang nangyari bakit ang isang anghel ay narito sa ating lugar? Hindi ba dapat kasama sya sa Diyos ng Lahat?" tanong ni Haring Dominic habang naglalakad Ngumiti si Azula at sinimulan ang kwento, Si Sebastian ay kakaiba sa lahat ng anghel, ang mga anghel ay hindi nakakaramdam ng kahit anong emsyon at tanging sinusunod lamang ang kinikilala nilang Diyos. May pagmamahal si Sebastion sa lahat ng nilalang, nakakaramdam ang nabghel ng awa, saya, galit at iba pang emosyon. Dahil dito may mga bagay na pinagagawa ang Diyos na hindi nya nagagawa dahil sa emosyon na meron sya. Si Sebastian ay pinanatili ng Diyos dito upang gumabay na ginawa ni Sebastian ng may ngiti, lagi syang gumagabay sakahit anong lahi subalit, limang libo ng nakakaraan nagkaroon ng kaguluhan ayon sa aking ina, noong bata pa sya nagkagulo dito dahil sa pagiging ganid ng ibat ibang lahi. Napanuod ito ni Sebastian na tumutulong sa kanila... ang ganid na meron ang bawat ang naging dahilan kung bakit nagpahayag ang anghel " Hindi na ako tutuling sa inyo, sinaktan niyo ako na nagmamahal sa inyo... Matutulog ako at muli lamang magigising kung maipapakita sa akin na kayo ay nagbago " Ibig sabihin ba nito nagbago tayo? Nagkaisa tayo dahil sa iisang kaaway tama ba,?" tanong ni Haring Dominic " Ngunit hindi naman lahat ay nakipagkaisa sa atin" pagtatakang winika ni Azula " Malalaman nayin sa oras na makita natin sya" wika ni Haring Dominic Pinagpatuloy nila ang paglalakbay hanggang sa makarating sa isang maliit na kweba na kung saan ang mga bulaklak ay tumutubo dito at ang mga munting fairy ay nakapalibot dito. " Nahanap na natin sya" wika ni Reyna Azula " Kung ganoon tama lamang na batiin natin sya" wika naman ni Haring Dominic " Sebastian ang anghel na mapgmahal sa lahat, ako si Reyna Azula ang namumuno sa mga water spirits at ang aking kasama ay si Haring Dominic isang salamangkero. Narito kami upang ipagbunyi ang inyong paggising at hingin ang tulong niyo sa nagbabadya naming katapusan" pagpapakilala ni Azula sa anghel Mula sa kweba lumabas ang isang nilalang namay mahaba hanggang tuhod na puting buhok, kulay asul na mga mata, may kasuotang kulay puting tela at gintong porselas. " Nagising ako dahil ba sa nagbabadya na ang inyong katapusan at nagkakaisa na kayo?' tanong ni Sebastian " Hindi namin alam ang dahilan ng inyong paggising subalit nais namin na kayo ay tumulong sa amin. May kakaibang nilalang na umaatake sa amin at kinokolekta ang mahiwagang salamin" paliwanag ni Haring Dominic " Hindi pa ako makakatulong ng lubos dahil kakagising ko pa lamang" wika ni Sebastian " Naiintindihan namin, sa gabay niyo panigurado kami na magtatagumpay kami sa delibuyo na ito" pagpupuri ni Haring Dominic Napagdesisyunan nilang bumalik sa Marcus kasama ang anghel subalit pagkarating isang nakakatakot na pangyayari ang sa kanila ay bumati. " Ano ang nangyari?" tanong ni Haring Dominic sa mga sundalo " Ang bahagi ng salamin na imutos sa amin pangalagaan ay nakuha ng ating mga kaaway ang mga sumubok kumalaban ay namatay" pag uulat nito " Nasaan ang aking mga anak?" tanong muli ng hari " Nagtungo sila sa mga Diyos"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD