W A R N I N G: Ang chapter na 'to ay naglalaman ng mga salitang 'di dapat seryusuhin. “DO YOU remember our new propesor when we were in first year of college? Whom always smiled, do you still remember him, Yiesha?” Hindi ko pa na po-proseso lahat ng sinabi niya nang bigla na naman siyang bumitiw ng mga katagang labis na nagpagulo sa akin. What about that propesor? “Prof Evere...” utas ko nang makabawi sa pagkabigla. 'Kita ng mga mata ko kung paano sumilay ang ngisi sa labi ni Louryze. Hindi ko alam kung bakit napunta sa propesor na 'yon ang usapan. Subalit malinaw sa akin na may kinalaman siya sa nangyari sa nakaraan ko, ngunit hindi ko matukoy kung ano. Isa nga ba siya sa gustong tulungan ako... o isa siya sa gustong pumatay sa akin noon? “Exactly, Yiesha. Do you want to know wh

