LUMAPIT AKO sa kaniya, hinawakan ang braso niya at iniharap siya sa 'kin. “Shaniah—” Natigil ako nang nakita ko ang mukha niya. She is not her... Shaniah. “Nathaly—” Lumapat ang palad niya sa mukha ko. She slapped me, thrice. Napayuko ako. Hanggang sa lumapat muli ang palad niya sa pisngi ko. Wala akong ginawa kundi tanggapin ang mga sampal niya. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko ang galit niya sa bawat kamay na tumatama sa mukha ko. Ano'ng... ginawa ko para saktan niya ako ng ganito? Gusto ko siyang sapakin, bigyan ng sunud-sunod na sampal pero hinayaan ko siyang sampalin ako nang sampalin. Tumigil siya sa pagsampal. Narinig ko na lang ang palakas na palakas niyang pag-iyak habang paupo sa damuhan. Nakakuyom ang mga kamao nito habang umiiyak. Tinitigan ko lang siya.

