W A R N I N G : Ang chapter na 'to ay naglalaman ng mga salitang 'di dapat seryusin. “W-WHAT?” TINITIGAN ko lang siya. “Hindi mo kailangang sabihin,” seryosong saad ko, “wala rin naman akong pakialam sa 'yo, Truce.” Umiwas ako ng tingin. Napatingin ako kay Cha' Esther, nakakunot ang noo nitong nanonood sa amin. Maging ang ibang tao rito gano'n din ang ekspresyon ng mga mukha. Bakit... gan'yan sila makatingin? Napatingin ako sa sarili ko bago sa kaniya. Nakasuot ako ng maruming damit, dahil sa putik na ngayon ay tuyo na. 'Tapos ang kaharap ko ngayon ay nakasuot ng mamahaling itim na blazer. Kaya gano'n sila kung tumingin sa 'kin... “Son, let's go.” “Go ahead, Mom. I have someone to talk to.” Ramdam kong sa akin nakatuon ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Napatingin

