ISANG MALAKAS na sampal ang tumama sa mukha ni Mom. Dahil sa sampal ng ginang, nasubsob sa sahig ang mukha ni Mom. “A-anong... karapatan mong ipagkait sa 'kin ang anak ko?” Umusbong ang bulungan sa paligid. Mahina ito, subalit rinig ko pa rin. “Bakit hindi na lang ibigay, 'tutal siya naman pala ang tunay na ina, hindi ba?” “Tama ka, Mare. Akala ko isa silang larawan ng masayang pamilya...” “Hindi naman pala tunay na anak.” “Pero ang alam ko, may anak sila. Sabay kaming nanganak ni Nancy, kaya paanong ganito?” “Ano'ng ibig mong sabihin, na itinatago nila ang bata?” “Hindi nga ba?” Nanginig ang mga kamay ko, pinagpapawisan din ito. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, nagawa ko pa ring ikuyom ang mga ito. Ginalaw ko ang mga paa ko para lapitan si Mom, 'di pa man ako tuluyang nakakal

