“W-WHAT ARE you... talking about, Yiesha?” naguguluhang ani ng ginang. Ganito na ba talaga ang papel ko rito sa mundo, ang saktan... Ang lokohin ng mga taong nakapaligid sa 'kin? Nabuhay ang mga bulungan sa paligid. “What is she talking?” “Magkamukha sila, kaya ano ang sinasabi niyang hindi?” “Maybe she's shocked...” “What is this, live drama?” “Hindi lang siguro matanggap ng bata.” Sinubukang hawakan ng ginang ang kamay ko, pero umatras ako. Anong... karapatan niyang gawin sa 'kin 'to? Unti-unti kong ginalaw ang mga paa ko para tumalikod at umalis. Nagawa ko nga ang tumalikod, subalit sinalubong ako ng madilim na mga mata ni Daddy. “How could you do that to her, Yiesha? She is your mother—” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Daddy, walang pakialam na nilisan ko ang lugar na 'yo

