HINDI KO maigalaw ang mga kamay ko. Sinubukan ko ri'ng igalaw ang paa ko, maging ang katawan ko pero walang nangyari. Bakit... wala akong maramdaman? Biglang may pumasok na eksena sa isipan ko. Dahan-dahang inangat niya ang kaniyang kanang kamay, hahang hawak-hawak ang baril at itinutok sa 'kin. Tumulo ang butil ng luha mula sa mga mata ko. Mas gugustuhin ko na lang na, mamatay sa kamay ng kalbong sumaksak sa 'kin kaysa sa mga kamay niya ako bawian ng buhay... Wala akong maisip na dahilan kung bakit siya pa. Kung bakit sa lahat ng gustong pumatay sa 'kin, bakit siya pa? Bakit hindi na lang 'yong kalbong sumaksak sa 'kin, bakit hindi na lang 'yong, Mamang driver? Bakit ikaw pa? Nang iiwas ko sa kaniya ang mga mata ko, isang duguang katawan ang nakita ko. Hindi ko lubos maisip na p

