7 YEARS LATER... Toronto, Canada June 25, 2027 Tuesday, 02:13 PM “Scalpel,” ani ko. “Here, Doc.” Abot sa 'kin ng kasamahan ko. Lumipas ang apat na oras, ngumiti ako. “The operation is successful. Congrats, Doc,” proud na proud na ani Kiera. Si Kiera ay isa ring doktor. Surgeon din siya pero mild lang ang kaya n'yang operahan. Half Filipino ito at mag-iisang taon nang nakadestino rito sa Savor General Hospital. Tumingin ako sa kaniya. “Magaling doktor, eh,” pagmamayabang ko bago lumabas ng operating room. Pumasok ako ng opisina ko, nilinis ang katawan 'tsaka umupo sa swivel chair para pag-aralan ang susunod na pasyenteng ooperahan ko. Natigil ako sa pagtipa sa aking laptop nang pumasok si Louryze. May dala-dala itong mga chokolate. Abot tainga ang ngiti nitong umupo sa harap k

