SINARADO KO ang laptop matapos titigan ang mukha niya. Talaga bang... mukha niya ang nakita ko? Napatingin ako sa iniinit kong pagkain dahil bigla itong nangamoy. Tumayo ako para kunin ang pagkain, 'di ko pa man ito nahahawakan nang umalingaw-ngaw ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot. “Lourzye...” tawag ko sa pangalan n'ya. Napakunot-noo ako nang hindi ito sumagot. Anong... kalokohan na naman 'to? Kinuha ko ang pagkain habang hinihintay ang sasabihin ni Louryze. Inilapag ko sa mesa ang pagkain at umupo. Susubo na sana ako subalit nagsalita si Louryze. “It's about time, Yiesha...” Halos mahulog ang kutsarang hawak ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Walang ibang pumapasok sa isip ko, kundi ang tatlong salitang sinabi n'ya. It's about time. Bumilis ang

