“SLEEPING, HUH?” Pinanood ko lang ang pagsalubong ng mga kilay niya.
Wala akong pakialam sa sinasabi niya pero hinintay ko pa rin ang sunod niyang sasabihin.
“I thought you were sleeping, damn! Nay Elena said you fell asleep, Yiesha.”
Lumapit siya sa 'kin, hindi ako umatras.
Umaasta na naman siyang nag-aalala siya sa akin... Pero hindi naman iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.
“But you are not. You are with someone, hugging each other like a sweet lovers. Damn!”
Sinalubong ko ang galit niyang titig, hindi ko kinaya.
I looked away.
Why do I feel like I should tell him what happened? Where I've been? Why Byron and I, hugged each other?
Nanatiling kalmado ang mukha ko kahit nakita ko ang paggalaw ng panga niya.
"Look at me, Yiesha. Who is he?"
Hindi pa rin ako umimik.
"f**k! Tell me, Yiesha. I'm f*****g mad and jealous. Why are you with him, huh?"
Huminga ako ng dalawang beses saka ibinababa ang paningin ko.
“H'wag mo... akong sigawan,” seryosong ani ko saka umangat ang mukha ko at deretsong tumingin sa mukha niya.
“Yiesha, don't do this to me. I'm so f*****g furious. Please, look at me. Look at me, Yiesha.”
Ang mga katagang sinasambit niya, sa tingin niya ba,
paniniwalaan ko?
“You're mine. And mine alone. That f*****g bastard, I will kill him. f**k him! Don't he dare to touch you again, because if he do? I will kill him. Damn!”
Lumalim ang titig ko sa kaniya.
“Magaling kang magsalita. Hindi nasayang ang pakikinig ko, pero nakakabagot pa rin pakinggan...” walang ganang usal ko.
Tinalikuran ko siyang nakaawang ang bibig niya. Pumasok ako sa gate saka lumakad papasok ng bahay.
“Saan ka ba nanggaling? Akala ko ba tulog ka, hija?” Natigil ako sa paghakbang ko.
Dederitso sana ako paakyat sa k'warto ko pero nakaabang na si Aling Elena.
Normal na tumingin ako sa tanda.
Pinanatali ko ang emosyong lagi nilang nakikita sa mukha ko.
“Café ho—”
“Kailan ka pa naging ganito, hija? Hindi kita pinayagang lumabas pero hindi ka nakinig. Noong nakaraan, ganito rin ginawa mo. Umalis ka nang walang paalam, paano kung may mangyari sa iyong bata ka? Wala ang mommy at daddy mo, hindi na kita kilala. Ang mga magulang mo, hindi na nga makauwi sa katatrabaho para sa iyo tapos ganito pa, hija?”
Nanikip ang dibdib ko.
Ito ang unang pinagsalitaan ako ng mabibigat na salita ni Aling Elena.
Hindi lang ako sanay...
“Nagpaalam ho ako... pero hindi ka ho pumayag—”
“Dahil napapadalas kang lumalabas, hija. Nababahala ako sa maaring mangyari sa iyong bata ka. Ang mga magulang mo—”
“Laging wala rito. Wala silang... pakialam sa 'kin—”
“Hija, ano ba ang pinagsasabi mong bata ka, hah? Initindihin mo ang mga ginagawa ng mommy at daddy mo dahil para rin naman sa iyo iyon, hija.”
“Hindi pa rin ho... ako napapagod umintindi sa kanila, Aling Elena.”
“Hija—”
“Kumain na ho ako... Aakyat na ho ako.” Tumalikod ako pero hindi pa ako umakyat.
Kanina pinipigilan kong bumakas ang sakit sa mukha ko pero ngayon, kusang tumulo ang butil ng luha mula sa mata ko.
Walang nakakakitang nahihirapan ako, dahil walang may gustong alamin ang nararamdaman ko...
“Pasensiya na ho... sa ginawa ko,” wika ko bago tuluyang umakyat ng k'warto.
Agad na inihiga ko ang katawan ko sa malambot kong kama.
Hindi ako dinadalaw ng antok kaya tumingin na lamang ako sa kisame hanggang sa pumikit ang mga mata ko.
Kinabukasan maaga akong nagising.
Ginawa ko ang nakasanayan kong gawin bago pumasok.
Pagpasok ko ng classroom namin, hinanap agad ng mata ko si Louryze.
Lumipas na ang ilang minuto at nagsimula na ang klase pero wala akong nakitang bulto ni Louryze.
Pansin kong padalas nang padalas ang pagliban sa klase si Louryze. Wala man siyang sabihin sa akin,
alam kong may itinatago siya sa aking ayaw na ayaw niyang malaman ko...
Gano'n din naman ako sa kaniya. Pero hindi ibig sabihin no'n hindi pagkakaibigan ang turingan namin sa isa't-isa.
Pareho lang ang rason namin,
ang iwasang saktan ang isa't-isa dala ng pait na nararamdaman namin. Gano'n siya maging ako, kinakalimutang dilim ang kinagisnan namin...
Tumunog ang cellphone ko.
Tumingin muna ako sa propesor na nagtuturo sa unahan 'tsaka dahan-dahang kinuha ang cellphone ko.
Tiningnan ko kung sino ang nag-text.
Unknown number...
One Message Received
From: Unknown Number
Magkita tayo...
Pinindot ko ang save number at nilagyan ng pangalan.
Byron.
Nagtipa ako ng sagot sa kaniya.
Compose Message
To: Byron
Lunch break. PEC.
Message sent!
Agad naman siyang sumagot.
One Message Received
From: Byron
K.
08:45 AM
Pinatay ko ang cellphone ko at tumingin sa unahan.
Hinintay kong matapos ang klase namin.
Makalipas ang apat na oras, nagsilabasan na ang mga kaklase ko.
Huli akong lumabas, naglakad ako palabas ng campus.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa PEC, Purple EVER café. Saktong alas-dose nang makababa ako ng taxi.
Papasok na sana ako ng café ngunit may napansin akong ginang nakasuot ng pang-ospital na damit.
Nagtataka ko itong tinitigan.
Labas ang ngipin ng ginang habang tumatawa, nakataas pa ang kanang kamay nito.
Tumingin ako sa paligid, nagbabakasakaling may kasama ang ginang pero wala akong nakita.
Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan akong makitang masaya ang ginang.
Itinuon ko sa kaniya ang mga mata ko, pinanood ang pag-angat ng mukha ng ginang at ang pag ngiti nito.
Tumingin ako sa mga paa niya, mukhang tatawid ito.
Tinakbo ko ang distansiya mula sa kinatatayuan ko hanggang sa kaniya.
Hindi niya ba nakitang may sasakyang paparating sa kaniya?
Kung mag papakamatay siya, 'wag sa harapan ko.
Pangyayari 'to...
Hinawakan ko ang braso n'ya at iginaya sa gilid ng kalsada.
Inis na tumingin ako sa kaniya.
“Ayos lang ho ba kayo—”
Agad umangat ang mukha ng ginang saka masuyong ngumiti sa akin. Lumiwanag ang mukha ko nang magtama ang mga mata namin.
Napakaganda ng mga mata niya, tulad ng ganda ng mukha nito...
Kung hindi ako nagkakamali magka-edad lang sila ni Mom.
Tumingin siya sa 'kin, sa mga mata ko.
“Gusto ko n'on. Gusto...” Turo niya sa Logo ng café na kaharap namin.
Kumunot ang noo ko.
Muli ko siyang tinitigan.
Akmang magtatanong ako nang may lumapit na nurse sa amin. Kayumanggi ang balat at may katandaan ito.
“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap, Yeshelle,” ani ng nurse.
Dumako ang tingin ng nurse sa 'kin.
“Hija, salamat ah. Baliw kasi 'tong alaga ko. Salamat talaga, hija.”
Sinundan ko ng tingin ang dalawang likod nila.
May mali sa ikinilos kanina ng ginang, hindi ako sigurado sa naramdaman ko pero sa nakita ko,
hindi angkop ang hitsura ng ginang sa inasta nito...
At bakit gano'n siya magsalita?
Nawala na ang dalawa sa paningin ko subalit nanatili pa rin akong nakatingin sa dinaanan nila.
Minuto pa ang lumipas bago ako tumalikod at naglakad papasok sa café'ng pagkikitaan namin ni Byron.
Sumulyap ako sa logo ng café'ng itinuro ng ginang kanina saka pumasok sa loob.
Baliw ba talaga ang ginang na iyon... o nagbabaliw-baliwan lang?