NAPAATRAS AKO nang makita sa mga mata niya ang galit. Bumaba ang tingin ko sa lupa dahil inilabas niya ang baril na dating ginamit niya sa akin. Gumalaw ang parehong paa namin, magkaiba ba man ang paraan, pareho pa rin ang patutunguhan. Humahakbang ang mga paa niya paabante, paatras naman ang akin... Binitawan niya ang hawak niyang payong, inangat ang kamay at itinutok sa 'kin. 'Di ko man makita ang mukha niya. Subalit, ramdam ko ang kagustuhan niyang patayin ako... Nang itutok niya sa akin ang baril noon, wala akong naramdamang takot, hindi ako nagdalawang-isip na, magmakaawa sa kaniya... Ngunit ngayon, sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko. Takot na takot. Siguro noon wala akong pakialam kung mamatay man ako kahit anong oras. Pero iba na ngayon, hindi na ako ang dating

