NAGISING AKO sa pamilyar na boses na narinig ko. Agad dumapo ang mga mata ko sa kaniya. ♪ ♫ “Wala, walang nakita. Wala talaga...” ♪ ♫ “Ang boses mo, masakit sa tainga. Kaya tumigil ka, Louryze.” Inis na tinapunan ko siya ng tingin. Inilabas ni Louryze ang cellphone niya saka itinutok sa mukha ko. “Hmm... Kawawang Nott. I can't wait to see his reaction on this. Will he cry? Hmm. Maybe not—” “Tigilan mo 'yan, Louryze,” seryosong saad ko. Nag-flash ang camera, dahil sa silaw, napapikit ako. Naramdaman ko na parang may kabigatang nakapatong sa bewang ko. Mabilis ko itong kinapa. Ano 'to? Napamulat ako nang matantong braso iyon ng tao. Kunot-noong hinila ko ang kumot. Lasing pa ba ako kagabi? Nambilog ang mga mata ko nang bumalandara sa 'kin ang naka-boxer lang na Truce. Napati

