NAPAHAWAK AKO sa ulo ko sa sakit. Iminulat ko ang mga mata ko, bumungad sa 'kin ang estraherong k'warto. Dahil sa amoy nitong loob, nalaman ko agad kung nasaan ako. Sa k'warto ni Truce... Tumayo ako habang hawak ang ulo ko. Masakit pa rin ito at pakiramdam ko, parang may tornilyo na pumipihit pahigpit sa utak ko. Pinasadahan ko ng tingin ang k'warto, dumapo ang mga mata ko sa banyo kaya pinasok ko ito. Hinihimas-himas ko ang sentido nang tumambad ang hitsura ko sa malaking salamin. Napatingin ako sa katawan ko at sa sa salamin. Hindi ako namamalikmata... Nakasuot ako ng may kalakihang puting damit na tiyak kong sa kaniya. Suot ko rin ang itim na jersey short niya. Napahawak ako sa dibdib ko 'tsaka nakahinga ng maluwag. May suot pa rin akong bra. Hindi rin mahapdi ang pang ib

