“WALA KA man lang bang sasabihin?” reklamo ni Louryze. Nandito kami sa pag-aari niyang café. Hindi lahat ng empleyado rito ay kilala siya. Bilang lang sa kanila ang may alam sa katauhan ni Louryze. Walang ganang tumingin ako sa kaniya. Kanina pa siya kuwento nang kuwento. Wala namang kabuluhan, kaya hindi ko pinakikinggan. “Bestfriend! Talagang hindi ka magsasalita? Hindi mo man lang pinakikinggan ang mga sinasabi ko! Isa kang piping bangus! Wala kang kuwentang bestfriend! Lahat nga ng sinasabihan ko nito na i-entertain. Lahat sila may magagandang comments, tapos ikaw na bestfriend ko, wala man lang? Ang unfair-unfair mo, isa kang malaking bangus, isang piping bangus!” “Tigilan mo ako, Louryze,” seryosong saad ko. Mas lalo lang umusok ang ilong ni Louryze. Mas gusto ko pang nas

