CHAPTER 20

1270 Words
“YIESHA!” SIGAW ni Dad. Napunta sa kaniya ang tingin ko. “Yiesha, you are my daughter. So stop asking nonsense!” Agad na bumaling sa mukha ni Mom ang mga mata ko. “I knew it, Mom,” makahulugang wika ko, “what ever your reason is, still... you're my mother.” Tumayo ako at naglakad paakyat sa k'warto ko. Hindi pa man lumalapat ang likod ko sa kama ay bumagsak na ang likido mula sa mga mata ko. Tinitigan ko ang bangus na stuff toy na bigay ni Louryze. Kahit sobrang nakakatawa ang hitsura nito, hindi ko pa rin magawang tumawa. Mas tumitindi lang ang kirot sa dibdib ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Tulad kanina, napakadaling kinain ng dilim ang paligid. Gumising ako kinabukasan, wala akong ginawa bukod sa tumunganga, hanggang sa lumipas ang mga oras at dumaan ang huwebes hanggang linggo. Lunes na ngayon. Tumayo ako at naghanda para pumasok. Pagbaba ko sa sala, naabutan kong naghahanda si Sonya ng agahan. Kahapon pa siguro umalis sila Mom... Umupo ako at nagsimulang kumuha ng pagkain, hindi makatingin sa akin si Sonya. “W-wala si Aling Elena, nand'yan si Kuya Larry para ihatid ka.” Tumango lang ako at walang imik na kumain. Lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse. Hindi nagsasalita si Mang Larry. Alam kong marami siyang nalalaman, gustuhin ko man na tanungin siya pero nababahala akong baka madamay pa siya sa gulo ng pamilya ko. Huminto ang sasakyan sa parking lot ng B.U. “Salamat ho,” saad ko at bumaba ng kotse. Pumasok ako sa classroom, walang pakialam na dumaan ako patungong upuan at umupo rito. Nakaramdam ako na may umupo sa tabi ko. Presensiya niya palang, kilalang-kilala ko na... “May boyfriend ka pala?” Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako tumugon sa sinabi ni Shelley. “Kilala mo  ba ang taong 'yon?” Natigilan ako. Ano'ng... sinasabi niya? “Sa tingin ko hindi,” sagot niya sa sariling niyang tanong. “Wala akong pakialam—” “Hindi mo kilala si Gelvero. Kung ako sa 'yo, hindi na ako lalapit pa sa kaniya... Mapanganib siya.” Sino ang Gelvero'ng... tinutukoy niya? Hindi na ako nakapagsalita dahil pumasok si Prof Evere. Ini-abot ni Prof sa presidente ng aming klase ang test paper na sinagutan yata namin ng nakaraang linggo. Kakaiba ang mga titig ni Prof nang magtama ang mga mata namin. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya. Nagsimulang magsalita si Prof Evere. Dahil ang pangit n'yang magsalita, tulad ng dati; labas-pasok lang sa tainga ko ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Bakit pa siya naging propesor, kung nakakayamot at ang pangit niyang magturo? Nakita kong inayos ni Prof Ever ang mga gamit niya at nagsimula itong naglakad. Tapos na siguro... Huminto si Prof sa harap ko. “Miss Avila,” ani niya. “Bakit ho, Prof?” “I just wanted to invite you for a dinner later. We need to talk about your low performance. You got failed again, Miss Avila. And I'm worried that you can't enroll next semester.” “It's okay, Prof.” “Ms. Avila, we need to talk—” “Why so worried about my performance, my failed grades, Prof?” “Because you are my student. I want to help you, Miss Avila.” Nanatiling mulat ang mga mata ko. “You don't have to do that, Prof. If you're willing to help your student, help anyone then. Mas kailangan nila kayo kaysa sa akin...” “Ms. Avila, you are my student. And I want to help you—” “I don't need your help, Prof.” “Ms. Avila—” “Mr. Arguelez. Hindi ka pa ba tapos?” ani Prof Gwenny. Napatingin si Prof Evere kay Prof Gwenny at nahihiya itong nagsalita. “Oh, Im done,” saad niya at lumabas ng classroom. Nawalan ako ng ganang makinig. Nakakapagtaka ang kinilos ni Prof Evere. Kanina nang nag-uusap kami, napakadeterminado niyang ayain ako na pag-usapan ang mababang grado ko. Bakit kailangan may pa dinner-dinner pa, kung puwede naman dito sa loob ng campus? Nagsimulang makaramdam ako ng panghihinala. Sa lahat ng propesor namin dito, siya lang ang kakaiba. Kung paano siya magsalita, parang... parang saulo niya lahat. Kapag may kaklase akong nagtatanong, napapalunok siya. Akala ko gano'n lang dahil baguhan pa lang siya, pero may hindi tama sa kaniya. Hindi kaya, propesor ka nga ba talaga, Prof Evere? “See you tomorrow, class.” Napatingin ako sa unahan. Paglabas ni Prof Gwenny, pumasok ang sunod na propesor at nagturo ito. “Long quiz, tomorrow. Be prepare.” Unti-unting nagsilabasan ang mga kaklase ko. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, gayun din ang katabi ko. Alam kong may nais siyang sabihin, kaya nandito pa rin ako. Kailangan kong malaman ang taong tinutukoy niya... Lahat ng kaklase ko nawala, tanging kami lang ni Shelley ang natira. Hindi ako umimik, hinihintay kong siya mismo ang bumasag sa katahimikan. Ano'ng dahilan ni Louryze, kung bakit gusto niyang pagkatiwalaan ko ang babaeng 'to? “Who are you?” tanong ko habang sa unahan pa rin nakatingin. Naghintay ako ng ilang minuto para sagutin niya ang tanong ko. Hanggang lumabas sa bibig niya ang sagot sa tanong ko. “Shaniah. 'Yon ang totoong pangalan ko.” Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas dito. She came here for a purpose. But, why she's telling me who she is? To trust her? 'Yon ang huli kong gagawin. “What do you want to know? Just ask me—” “What do you want to tell me... Shaniah?” Kinain kami ng katahimikan. Naghintay ako. Ilang minuto ang lumipas, ngunit hindi pa rin siya nagsalita. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Sinasayang niya lang oras ko... “If you're not going to tell me, don't go near me, don't talk to me,” walang ganang usal ko. Lumabas ako ng classroom at tinungo ang cafeteria. Natatanaw ko pa lang ito, rinig ko na ang ingay ng mga kap'wa ko estudyante. Pagpasok ko, nadapuan ng mga mata ko si Reeve at mga barkada niya. Hinanap ko si Truce, pero wala ito rito. “Yesh!” sigaw ni Reeve. Tumayo si Reeve at lumapit sa akin. Unti-unting humupa ang ingay, bulungan na lang ang naririnig ko. Napunta sa akin ang mga matang madidilim kung makatitig. Ito ang ayoko sa lahat. Ang maging sentro ng atensiyon. “Yesh, I can't find you last week. I've been looking for you that night, because I wanted to introduce you to my parents, but you are gone...” nakangusong ani niya. “It's boring.” Napakurap siya sa sinabi ko. “Right. Party isn't your likes—kumain ka na ba? “Hindi.” “Tamang-tama, let's eat together—” “Hindi ako gutom—” “Montalvo, may nasabi ba sa 'yo si Valeza? Wala siya rito...” sabad ni Kart. “Tss. That asshole! He fooled us. Damn him!” inis na sagot ni Reeve. “W-what? Bakit hindi ko 'yon alam?” singit ni Sigh. “He came here not to transferred school, but to fooled us,” walang ganang ani Tyne. Napakuyom ako ng kamao. Hindi sila, kundi ako. Truce came here to fooled me. Nadamay lang sila... “Dad said, he is the Chairman's grandson of Danton University,” sabi ni Iver, “and no records that proves he left D.U, and transfered here.” No records? Pumihit ang mga paa ko patalikod at walang pag-aalinlangang lumabas ng cafeteria. Talagang... umalis siya nang hindi ko nalaman ang rason niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD