“PLEASE. BE mine...”
Naalala ko ang tatlong salitang sinambit niya ng hapong iyon.
Ngumiti ako noon...
Tinitigan ko ang mukha ni Truce habang nakangiti pa rin ang mga labi ko.
Nang hindi ko magawang tugunan ang sinambit niya, ginamit ko ngiti ko para sagutin siya.
Pero mali siya sa nakita niya. Mali siya ng pagkakaintindi...
Hindi ako ngumiti para sagutin siya,
ngumiti ako dahil nakita ko kung gaano siya kapursigidong... isahan ako.
Pinunas ko ang pawis na tumulo mula sa noo ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Inilibot ko ang mga mata ko sa labas, subalit wala akong nakita ni anino ni Byron.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya, dalawang ring ang lumipas bago niya sinagot ito.
“Bakit?”
Pinag-aralan ko nang sandali ang tono ng boses niya bago sumagot.
“Nasaan ka, pupuntahan kita—”
“Tsk. Sabihin mo sa boyfriend mo, hindi kita type. Tsk!”
Huminga ako nang malalim.
“Hindi ko siya... boyfriend, Byron.”
“Tsk,” huli niyang sinabi bago pinutol ang linya niya.
Humakbang ang mga paa ko pa labas ng gate.
Akmang bubuksan ko ang gate nang may nagsalita sa likuran ko.
“Yiesha... I'm sorry.”
Walang ganang pumihit ako paharap sa kan'ya.
Sinalubong ko ang mga mata niya.
“Bakit mo sinubukang... lokuhin ako?” kalmadong usal ko.
Agad na bumakas sa mukha niya ang gulat.
Nilaliman ko lalo ang tingin ko sa kaniya.
Hanggang ngayon ba, hindi niya pa rin sasabihin sa 'kin... kung ano ang balak niya?
“I-I don't know w-what are you t-talking about. Yiesha, I'm sorry...”
Umiwas ako ng tingin.
“Do not apologize if you don't mean it.” Lumapit si Truce kinatatayuan ko.
Hindi ako gumalaw.
“I-I'm sorry—” Iniwas ko ang kamay ko nang akma niyang hahawakan ito.
“I said, don't apologize if you don't mean it!” sigaw ko sa kaniya.
Nanginginig ang kamay ko sa sobrang inis.
Ito ang unang beses na nakaramdaman ako ng sobrang inis.
Nahihirapan akong... kontrolin ang sarili ko.
“Yiesha, listen to me...”
Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago tumingin sa kaniya.
“Just listen to me...”
“Sabihin mo. Ano'ng...kailangan mo sa akin?” Nagawa kong kalmahin ang loob ko kaya kalmado akong nakapagtanong sa kaniya.
“Yiesha, believe me. I love you.” Napako sa mukha niya ang mga mata ko.
Talagang hindi niya sasabihin...
“Yiesha... I love you—” Walang pakialam na tumalikod ako sa kaniya.
Wala talaga siyang... k'wentang kausap.
“Yiesha!” sigaw niya nang humakbang ako patungong gate.
Hinawakan ko ang gate at binuksan ito, itutulak ko na sana ito subalit hinawakan ni Truce ang braso ko.
Hindi ako umimik.
Hindi ako nagprotesta.
“You are not leaving me,” matigas niyang saad.
Tinapunan ko siya ng madilim na tingin. “Bitawan mo ang braso ko, Truce.”
“No, a kiss will stop you from leaving me, Yiesha,” saad niya at binitawan ang braso ko.
Unti-unting umangat ang kamay niya, hinawakan ang magkabila kong pisngi at siniil ng malalim na halik.
Mulat ang dalawang mata ko habang hinahalikan n'ya ako. Hindi ako humalik pabalik.
Tumagal ang halik nang ilang minuto, hanggang siya na mismo ang humiwalay ng aming mga labi.
Mapupungay ang mga mata niya nang tumingin siya sa mukha ko.
“Do you still want to leave me, Yiesha?” Tinitigan ko lang siya.
You are stupid, Truce. Stupid...
“Yiesha—” Lumapit ako sa kaniya.
Nakita ko ang paglunok niya nang sunud-sunod dahil sa lapit ng mukha namin.
What are you thinking, Truce?
“Yiesha...” Ibinaba ko ang mukha ko saka inangat ito.
“Hindi mo pa rin ba... sasabihin?”
“What d-do you mean—”
“Stop it, Truce... You are not good at lying.” Tumalikod na ako at lumabas.
Doon siya magaling, ang umaktong hindi naiintindihan ang sinasabi ko...
Pero ang totoo, nilalalagyan niya na ng pako ang daanan ko para matusok ang paa ko.
Sinusubukan niyang pilayan ako...
Pinara ko ang taxi na dumaan, sumakay ako nang huminto ito.
Pansin kong may kakaiba nang lumabas ako kanina.
Bakit pa nila... pinapatagal?
Huminto ang taxi sa harap ng cafe ni Louryze. Bumaba ako at pasimpleng sinuri ang paligid bago pumasok sa loob.
“Yiesha...” ani Aila.
Sumenyas ako sa kan'ya na dalahan ako ng kape sa itaas.
Umakyat ako ng ikalawang-palapag.
Umupo at hinintay si Aila.
“Salamat,” saad ko nang ilapag niya ang kapeng hinihingi ko.
Sumimsim ako ng kape, inubos ko ang laman nito at unti-unting ipinikit ang mga mata ko.
Iniisip ko siya hanggang sa kainin ako ng dilim.
Hindi ko kayang... hulaan ang laman ng utak mo, Truce.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.
Minulat ko ang mga mata ko at kinapa ang cellphone ko, binuksan ko ito.
Inayos ko ang sarili ko, tumayo at nagsimulang maglakad pababa.
It's already 12 noon.
Lumabas na lang ako at sumakay ng taxi pauwi.
Habang nasa biyahe, walang pumapasok sa isip ko kundi siya, ang chokolate niyang mga mata.
At kung ano ang balak niyang gawin sa akin...
Huminto ang taxi sa malapit sa gate ng bahay namin.
Nagbayad ako at pumasok sa loob.
Deretso lang ang lakad ko.
Kahit may katagalan akong natulog, pakiramdam ko, antok na antok pa rin ako.
Tinatawag pa rin ng kama ang katawan ko...
Walang buhay na tinungo ko ang hagdan paakyat ng kuwarto ko.
Natigil ang paghakbang ng mga paa ko.
Natuon ang mga mata ko sa mga taong nagsisitawanan habang kumakain.
Mapait akong napangiti.
They're laughing as if they won the jackpot price in the lotto.
Paano nila nagagawa 'yon?
Nakukuha pa nilang magsaya, habang ako naghihirap. Ang saya nila, na parang walang problema.
Like no one's want me dead.
Nagdesisyon akong tumungo sa kanila imbis na pumunta ng kuwarto.
Kahit wala akong ganang kumain, sasabayan ko pa rin sila.
Because that's the family, eating together...
“I think you are not busy,” saad ko.
Ang sabi ni Mom dalawang linggo siyang mawawala.
Limang araw pa lang.
Kaya bakit napaaga ang uwi niya?
Umupo ako sa harap ni Dad.
Napunta sa akin ang mga mata nila. Hindi ko pinansin ang mga titig nila.
Ang madilim na titig ni Lola.
“Where have you been, Yiesha?” tanong ni Mom.
Sumandok ako ng kanin at tumingin sa kaniya.
“What about you, Mom, where have you been?” balik tanong ko sa kaniya.
Nawalan ng ingay ang hapag-kainan.
Nahinto si Daddy sa pag kain.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi niya sa akin.
But, I'm not mad at him... Not yet.
Padarag na binitawan ni Lola ang kutsara at tinidor na hawak niya, malamig itong tumingin sa 'kin.
I'm already used to this.
Walang pakialam na sumubo ako ng pagkain. Hinayaan ko si Lola na patayin niya ako sa mga titig niya.
“Nasa pamamahay kita, kaya umayos ka,” matigas na saad ni Lola.
“Should I leave?” Uminom ako ng tubig at pinunasan ang labi ko.
“Hija!” saway ni Aling Elena.
Hindi na ako umimik.
Isinandal ko ang likod ko sa upuan. Wala ni isa sa kanila ang gumagalaw sa kanilang pagkain.
“I heard, sinagot-sagot mo ang daddy mo. You don't respect him even me and your lola. I shouldn't raised you if you were treat us like this. What kind of child are you?”
“Enough, Nancy,” ma awtoridad na sabad ni Daddy.
Nanonood lang si Lola sa nangyayari.
“Don't tell me what to do, Fidel! I am her mother, I can do what I want to her!” Kinuyom ko ang palad ko.
Why I can't feel it, why I can't feel you, Mom? You are just like him, fooling me again, and again...
Inangat ko ang paningin ko sa kaniya.
She's saying something, but her eyes says different. She's acting like, she's a good mother to me but the truth is, I'm the person whom she hated the most.
“What am I to you, Mom?” usal ko habang deretsong nakatitig sa mukha ni Mom.
Ang totoo, hindi lang sa kaniya ang tanong na ito, kundi para rin sa kanila.
“What are you talking about, Yiesha!?” galit na ani Daddy.
Hindi ako tumingin sa kaniya, hindi ko rin siya sinagot. Tanging kay Mom lang nakatuon ang mga mata ko.
Matagal ko nang gustong itanong 'to sa kanila.
Ano nga ba ako sa kanila?
“What, Mom?”
Sandaling tumahimik ang paligid.
Lumipas ang ilang minuto, hanggang sa basagin na ni Mom ito.
Punong-puno siya ng tapang na sinagot ang tanong ko. Wala ring bahid na pangamba sa boses niya.
“I am. Your mother, Yiesha—”
“Am I, am I really your... daughter, Mom?”