CHAPTER 18

1628 Words
“SALAMAT, BYRON,” wika ko sabay tapik sa balikat n'ya. “Tsk. Kung hindi lang kita kaibigan...” Inalalayan niya ako sa pag-angkas sa motor niya.  Hindi na kami nag-imikan. Parehong basa ang mga damit namin, humarurot ang motor niya at huminto sa kilalang shop. “Anong... gagawin natin dito?”  “Pumasok ka na. Pumili ka ng isusuot mong damit. 'Wag kang mag-alala, pauutangin kita,” seryosong saad niya. Tumitig lang ako sa kaniya. “Baka gusto mo pang ako ang pumili, sabihin mo lang, gagawin ko. Huwag ka lang magrekalamo, kung... oversize mapili ko,” dagdag niya pa. Matapos kong titigan siya ng ilang segundo, pumasok na ako sa loob.  Hindi ako nagtagal, kinuha ko lang kung ano ang kailangan ko. Namataan kong naghihintay sa counter si Byron.  Nilapitan ko ito at binigay sa kaniya ang damit at undear wear na kinuha ko. Kinunutan pa ako nito ng noo bago kinuha ang binigay ko. “Bayaran mo na...” Pinagtitinginan kami ng mga staff at mga customers.  Hindi ko na lang sila pinansin, lumabas ako. Sumandal ako sa upuan ng motor ni Byron habang hinihintay siyang lumabas. Wala pa si Byron kaya tumawag muna ako kay Aling Elena. Mabilis naman sumagot ang tanda. “Oh, hija?” May bakas na gulat sa boses niya. “Hindi ho... ako makakauwi—” “Mabuti, hija. Siya ibaba ko na ito.” Napakunot-noo ako. Hindi ganito si Aling Elena.  “Tsk. Pinautang na nga, ako pa pinabitbit.” Napatingin ako sa kaniya. Kalalabas lang ni Byron, dala-dala ang paper bag na naglalaman ng mga damit ko. “Magkaibigan tayo kaya h'wag kang... magreklamo.” Tinapunan niya ako ng madilim na tingin bago lumapit sa motor nito. Sumakay siya ganoon din ako. Lumipas ang labing-limang minuto, tumigil kami sa isang apartment.  May kaliitan ito, talagang para sa isang tao lang. Binigay niya ang paper bag sa akin tapos binuksan ang pinto at pina-ilaw ang loob ng apartment niya. “Magkaibigan tayo, kaya 'wag kang mag reklamo,” pang-uulit niya sa sinabi ko kanina. Hindi ko na siya sinagot pa at tinungo na lamang ang banyo. Hindi naman mahirap hanapin dahil maliit lang ito. Hindi ko na pinuna ang maliit na banyo, kinuha ko nalamang ang hindi pa bukas na sipilyo. Nagsipilyo ako at tinapos ang pagliligo ko. Nilabahan ko na rin ang damit kong hinubad para may mai-suot ako bukas. Hindi mahanap ng mga mata ko ang bulto ni Byron nang nakalabas ako ng banyo.  Pinatuyo ko ang buhok ko at humiga sa kama niya.  Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito, iniluwa rito ang bagong ligong, Byron.  “Anong ginagawa mo?” tanong n'ya habang pinupunas ng tuwalya ang basang buhok niya. “Nakahiga sa kama mo.” “Tsk. Doon ka sa sofa, ako riyan. Hindi kita bisita.” Nagulat ako sa sinambit niya. “Talagang... hindi ka sumuot ng damit—” “Tsk. Apartment ko 'to kaya gagawin ko ang gusto ko.” Kumunot ang noo ko sa pang-susungit niya. “Akala ko ba kaibigan mo 'ko, bakit ang sungit mo?” “Tsk. Kaya nga pinapasok kita rito.” “At kaya... sa sofa mo ako papatulugin?” “Magkaibigan tayo, kaya 'wag kang magreklamo.” Napabuntong-hininga ako. Ganito pala... ang ugali niya. Wala sa sariling kinuha ko ang isang unan at kumot niya. Umalis ako ng kama at humiga sa sofa. “Patayin mo ang ilaw.” Hindi ako sumunod. Hindi ko siya kinaibigan para gawin niya akong utusan. “Patayin mo ang ilaw—” “H'wag mo akong utusan, Byron...” usal ko saka unti-unting pinikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako. ✳✳✳ Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot habang nakapikit pa ang mga mata ko. “Hello—” “Where the hell are you!?” Napamulat ako ng mata sa sigaw ng kabilang linya. “T-Truce...” “Where are you, Yiesha—” Pinatayan ko siya ng cellphone. 'Wag niya akong kausapin kung sisigawan niya lang ako... Tumayo ako at pumunta ng banyo. Naligo at inayos ko ang sarili bago lumabas.  Hinanap ng mga mata ko si Byron, ngunit wala ito.  Lumabas ako ng apartment niya. Nakasandal si Byron sa motor niya habang sumisimsim ng kape. “Byron...” kuha ko sa atens'yon niya. “Ayos ka na ba?” walang ganang tanong niya. “Siguro?” wala ring ganang tugon ko. “Buti naman... makakauwi ka na.” Seryosong tumitig ako sa kaniya. “Pinautang na kita. Pinatulog din kita sa sofa ko. Pati ba naman almusal sa 'kin pa? Tsk.” “Kahit sumisigaw na ang mga alaga sa tiyan ko... hindi pa rin ako makiki-almusal sa 'yo—” “Ysha, kaibigan kita, kaya 'wag kang mag reklamo.”  Napako sa mukha niya ang mga mata ko. Bakit ba pinagtiya-tiyagaan ko ang isang 'to?  Nagmartsa ako papasok sa apartment niya. Kinuha ko ang hinubad kong damit, at inilagay ito sa paper bag.  Tiningnan ko muna ang orasan bago lumabas. 8:23 a.m. “Salamat, Byron. Salamat sa tubig at sabon. Pati na rin sa unan, kumot, isama ko na rin ang matigas mong sofa. 'Yong utang ko, babayaran ko bukas,” sarkastikong saad ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Buti naman at hindi ka na nagreklamo—” “Kaibigan kita, kaya hindi ako magrereklamo—” “Ihahatid na kita.” Tapos sisingilin niya na naman ako? Pangyayari 'to... “Huwag kang mag-alala. Ihahatid lang kita dahil...” Kinunutan ko siya ng noo. Lumalim ang tingin ko sa kaniya. “...makiki-almusal ako sa inyo. Naubos ang pera ko. Wala akong pambili ng pagkain.” Tinitigan ko lang siya. Wala rin pala siyang hiya... “Bilisan mo, kagabi pa ako walang kain.” Wala na akong nagawa nang sumakay na ito sa motor niya.  Labag sa loob na umangkas ako. Humarurot ang motor niya. Lumipas lang ang ilang minuto, huminto ito sa gate ng bahay namin. Bumaba ako sa motor.  Tinanggal ni Byron ang suot niyang helmet at sabay kaming pumasok ng gate. “Dito ka sa likod ko. Feeling mo naman bahay mo 'to.” “Tsk. Pinakialaman  ba kita ng nasa apartment kita?” sumbat niya sa akin. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. “Kaibigan nga ba kita—” “Yiesha!” Natigil ako. Anong... Unti-unting bumaling ang mga mata ko sa kan'ya.  Nag-aalab ang chokolate niyang mga mata sa galit. Tinitigan ko ang mukha niya, hindi sa 'kin nakatuon ang mga mata niya kundi sa lalaking nasa likod ko. “T-Truce—” “f**k!” Lumipat siya ngunit nilampasan ako.  Nilapitan niya si Byron, hinawakan sa kuwelyo at binigyan ng isang suntok, hanggang sa sunud-sunod na ito. Nabigla ako kaya naugat ang mga paa ko. “f**k you! I've been looking for her, but she's with you! You, bastard! Don't you dare to talk to her again! And I'm telling you, she is mine, mine alone!” “Wala akong gusto sa kaniya—” “The f**k! Get the f*****g lost!” Natauhan ako.  Hinawakan ko ang braso ni Truce at galit na hinarap ito. “Tumigil ka na, Truce...”  Bumaling sa akin ang mga matang nanlilisik ni Truce. “What, Yiesha—” “I said, stop it!” sigaw ko sa kaniya. “Yiesha—” Binitawan ko ang braso niya at lumapit sa nakahandusay na si Byron. “Byron...” tawag ko sa kaniya. Hahawakan ko na sana ang braso niya para tuluyang makatayo pero hinigit ni Truce ang braso ko at inilayo kay Byron. “Ano ba?”  “What do you think you are doing, huh!?” “Wala kang karapatang saktan si Byron, Truce—” Puwersahanag hinigit niya ang braso ko. Pumasok kami ng bahay.  Nagsiyukuan ang mga kasambahay, halatang gulat sa sigawan namin ni Truce. “Stay there. I need to do something. Damn, that asshole. I will never forgive hi “Puwede ba? Tumigil ka na,” seryosong usal ko. Unti-unting kumalma ang mukha niya.  Tinitigan niya ang mga mata ko.  Umiwas ako. He's acting again. Like I'm his and I'm precious to him... “How could I stop, tell me!? How could I stop from wanting you at my side? I want you mine badly, and seeing you with him made me crazy. I want to beat him till he can't breath—” “Do you think, I will let you beat him again?” Muling nag-alab ang mga mata niya. “Why, do you like him? That's why you'd been protecting him?” Hindi ako sumagot. Sino siya para sagutin ko ang walang k'wentang mga tanong niya? Tumalikod ako sa kaniya.  Mag lalakad na sana ako palabas, ngunit pinigilan niya ako. “Do you?” tanong niya habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ko. “Why would I tell you, Truce?” Binitawan niya ang kamay ko at malamig na tinitigan ang mukha ko. “What am I to you, Yiesha?” Walang ganang tumingin ako sa mga mata niya. Sandaling tumitig ako sa mukha niya bago ulit nagsalita. “What do you... think, Truce?” “I am your damn boyfriend, Yiesha—” “Boyfriend?” Ngumisi ako. Natigil siya saka napaatras. Bumakas sa mukha niya ang sobrang pagkalito. “I thought we're in a relationship—” “Kaya pala gano'n ka kung kumilos...” Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ko. “W-what do you mean?” Hindi na ako umimik. “Yiesha...” Dahan-dahang iniwas ko sa kaniya ang paningin ko, akma niyang hahawakan ang kamay ko pero umatras ako saka tumalikod at humakbang palayo sa kaniya. Boyfriend? Nakalimutan ko bang... sinagot ko siya ng hapong iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD