MAGAGARANG DAMIT, magagarang tao.
Lahat ng makikita rito sa loob mamahalin. Parang ako lang ang naiba, lahat ng bisita nakasuot ng mamahaling gown at suit na halatang sikat na designer ang gumawa.
Mahal nga itong damit na suot ko, pero paniguradong mumurahin lang ito sa paningin nila...
“Miss, invitation niyo?” anang g'wardiya.
Sinuyod pa nito ang suot ko mula ulo hanggang paa.
“Wala.”
“Hindi puwedeng pumasok ang walang invitation—”
“Iimbitahin ba... ako ng taga-pagmana kung hindi?”
Kailangan pala ng invitation, hindi ako binigyan ni Reeve.
Pangyayari 'to...
“A-ah, pasensiya na po.”
Hindi na lang ako umimik.
Tumungo ako sa isang sulok na hindi mas'yadong makikita ng mga bisita.
Nandito si Dad.
Hindi niya dapat ako makita.
Ako ang dapat makakita sa kaniya...
Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa party na ito. Iyon pala ang dahilan,
ang daddy ko...
“Ma'am, drinks po?” ani ng lalaking serbidor.
Iling lang ang isinagot ko.
Hindi ako pumunta rito para makiinom at makikain.
Naglakbay ang mga mata ko sa bawat mesa. Sinuyod ko ito ng tingin, mula sa upuan at mga mukha ng narito.
Hindi mahanap ng mga mata ko ang taong hinahanap ko.
Nasaan ka ba, Dad?
Lumipas ang segundo, minuto, at napuno ito ng mga bisita. Hindi ko pa rin mahanap si Daddy.
Si Dad lang ba... ang nandito?
Inayos ko ang mahaba kong buhok. Kalahati lang ng mukha ko ang makikita.
Wala dapat makapansin at makakilala sa mukhang 'to,
wala...
Umalis ako sa kinatatayuan ko, hindi ko mahahanap si Daddy kung dito lang ako tatayo at magmamasid.
Kailangan ko maglibot, kailangan ko rin mag-ingat...
Halos lahat ng mesa napuntahan at natingnan ko na. Mahirap maghanap, lalo na sa ganito, sa puno ng mayayamang negosyante, at sa mga kaibigan ni Reeve.
Konting mali ko lang, ako ang magiging sentro sa party na 'to.
“Manong, sige na po.” Kumunot ang noo ko.
Anong...
Hinanap ng mga mata ko ang may-ari ng boses na iyon. Gan'on nalang ang pagkabigla at panlalaki ng mata ko nang dumako ito sa babaeng nakasuot ng bestidang pantulog at nagmamakaawang pumasok dito.
Ano'ng... ginagawa niya rito?
Tinungo ko ang kinatatayuan ng babaeng nagmamakaawa sa g'wardiya.
Mahigpit kong hinawakan ang braso niya at hinigit siya palabas.
Naghanap ako ng sulok, may kadiliman at nasisiguro kong walang makakakita sa amin dito.
Padarag na binitawan ko ang braso n'ya at galit na tinitigan ang mukha niya.
“What the hell are you doing here?” matigas na tanong ko.
“W-what—”
“H'wag mo nang... paulitin ako magtanong.”
“Hey, gusto ko lang—”
“Na... suot ang damit na 'yan?” puna ko sa suot n'yang bestida.
“Nagmamadali kasi ako—”
“I knew what you up to yet I stayed silent. But I'm warning you, stop meddling with my business... Shelley,” malamig na saad usal ko.
Iniwan ko siya.
Pumasok muli ako sa loob.
Halatang kanina pa nagsimula ang party ni Reeve. Nasisiguro ko na nagsimula ito nang lumabas ako kanina.
Pinasadahan ko ang loob, ang mga tao. Nagtatawanan ang mga ito.
Muli akong tumungo sa sulok na tiyak na walang makakapansin sa presens'ya ko.
Hindi ko maramdaman si Shelley.
Wala akong pakialam kung ano man ang dahilan niya.
At wala akong balak na alamin ang rason niya...
Nakita kong nakikipagkamayan si Reeve sa mga bisita niya, subalit wala sa mga ito ang atens'yon niya.
Iniwas ko ang paningin ko sa kan'ya.
Inilibot ko ito ngunit nagtama pa rin ang mga mata namin.
Sumilay sa mapupulang labi nito ang matamis na ngiti.
Pinukol ko lang siya ng tingin.
Nakangiti siyang nagpaalam at tinungo ang direksiyon ko.
Hindi pa man s'ya na kakalayo nang may yumakap at humalik sa pisngi ni Reeve.
I-iwas ko sana sa kanila ang tingin ko subalit napako sa babae ang mga mata ko.
Napakapamilyar nito.
Sino... ang babaeng kaharap ni Reeve ngayon?
“Mom, and Dad is here... together with Grandma. They are looking for you, Reeve.” rinig kong saad ng babae.
“I'm with someone, I'm sorry.” Tinanggal ni Reeve ang brasong nakayakap sa kaniya.
Bumigat ang pakiramdam ko, bumilis ang t***k ng puso ko.
Kinuyom ko ang mga kamao ko.
Ano'ng... ibig sabihin ng pakiramdam na ito?
Pakiramdam ko, malalagutan ako ng hininga, maging ang tuhod ko nawawalan ng lakas.
Hindi ito tama, hindi kaya ng sistema ko.
Kailangan ko nang umalis sa lugar na 'to...
Pansin kong mag lalakad patungo sa kinatatayuan ko si Reeve kaya tumalikod ako saka naglakad palabas.
Natigil lang ang paghakbang ng mga paa ko sa mga boses na pamilyar sa akin.
“Hijo, narito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap.”
“And my princess did not tell us that you are with her.”
“Grandma, I just saw him, but I think he is busy.”
“Of course. It his birthday.”
“That's enough. Hijo, this is for you. Happy birthday.”
“Thank you po, Tito.”
“Hmm. Let's go to our table?”
“I'm sorry po, but I'm with someone—”
Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-uusapan nila.
Patakbo akong naglakad.
Dahil sa bilis ng lakad ko, hindi ko na naiwasan ang bultong mayhawak ng basong may lamang wine. Nasagi ko ito, natapon sa mamahaling damit niya
ang lahat ng wine.
Hindi ko sana papansinin at tatakas na lamang ngunit hinawakan niya ang braso ko, tinitigan niya rin ako ng napakadilim.
“f**k! Hindi mo ba nakitang may tao rito—”
“Hindi,” putol ko sa kaniya.
“Damn you—goddamnit! It was you. Damn! I can't believe this.”
Kunot-noong tumingin ako sa mukha niya.
“Hey, it's me. Nott Wright. The handsome owner of HansWRIGHT Resto.”
“Gano'n ba?” walang ganang tugon ko.
“I was looking for you, but you are here.”
Dahil sa ingay ng bunganga at basang damit niya, nakuha namin ang ang atensiyon ng ilang bisita.
Napapikit ako ng mata.
Pangyayari 'to...
“Hoy, Nott. Gago, saan ka galing?” Dumako sa akin ang tingin ng lalaki. Pinag-aralan nito ang kabuon ko.
Pumasok sa isipan ko ang mga narinig ko kanina. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko.
Nablanko ang isipan ko.
“It was her, the girl I'm talking to. She is pretty, right?”
“Ayos lang—”Walang pakialam na umalis ako.
Tumakbo ako hanggang makalabas ako sa village ng mga Montalvo.
Inipon ko lahat ng natitirang lakas ko. Huminga ako ng malalim, sinubukan kong kalimutan ang mga nangyari.
Nawalan ng emosyon ang mukha ko, nagtagumpay man akong kalimutan ito ngunit mali pa rin ito.
Mali na wala akong maramdaman...
Nagsimulang humakbang ang mga paa ko na parang wala lang, parang normal lang.
Na parang walang nangyari...
May humintong taxi kasabay ng kulog sa kalangitan.
Lumapit ako sa taxi at binuksan ang pinto nito.
May napansin akong nakatingin sa akin.
Inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kaniya.
Tutok na tutok ang mga mata niya sa akin na para bang, kapag kumurap siya ay mawawala ako sa paningin niya. Siguro kanina pa siya nakatingin sa akin.
I-iwas ko sana ang paningin ko ngunit hindi ko ito magawa.
”Hindi ka ba papasok!?” sigaw ng Taxi driver.
Hindi ako nag-abalang tumingin dito kaya humarurot na ito paalis.
Kalsada lang ang pagitan sa distansya namin. Nasa kaliwa siya at nasa kanan naman ako.
Hindi ako gumalaw, gan'on din siya. Titig na titig ang mga mata namin sa isa't-isa.
Naramdaman kong tumulo ang butil ng ulan, hanggang sa sunud-sunod na ito.
Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang luhang kanina pa gustong makawala sa mga mata ko
Hindi ko kinaya, napayuko ako.
Humagulgol ako, taas baba ang balikat ko. Ang kaninang sakit mas doble na ngayon. Bumigay ang mga tuhod ko, bago pa man ako bumagsak, dalawang braso ang pumigil dito.
Hindi ako tumingin sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa pag-iyak, hanggang sa tumila ang ulan.
Walang dumadaang sasakyan kaya wala ring gumagawa ng ingay.
Inalalayan niya ako makatayo.
“A-ayos ka lang?”
“Ayos... lang ba ako sa paningin mo?” balik tanong ko sa kaniya.
“Pasensiya na—” Tumingin ako sa mga mata niya.
Nakakahiyang makita niya na ganito ang ayos ko...
Wala na akong magagawa. Nakita niya na rin, bahala siya kung ano ang isipin niya.
“Ihahatid na kita sa bahay niyo—”
“Labis bang... humiling na 'wag do'n?” Iniwas ko ang paningin ko. “Ihahatid mo pa rin ba ako sa bahay namin—”
“Bakit ko naman gagawin 'yon?” Nabalik sa kaniya ang mga mata ko.
“Ysha, hindi ko gagawin 'yon. Hindi, Ysha...” mahinang saad niya pero ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
Mapait akong napangiti.
Ganito pala siya kung mag-alala.
Pero bakit... ganito na rin siya kung kumilos?