CHAPTER 16

1021 Words
“PUPUNTA PALA...” Kalalabas ko lang ng campus nang salubungin ako ng nag-aalab niyang mga mata. Magkasalubong din ang makakapal nitong kilay. Nahinto ako sa paglakad dahil biglang naramdaman ko ang ibang pakiramdam. Ang pakiramdam na hindi ako makapag-isip... Lumapit siya sa 'kin mula sa pagkakasandal niya sa pinto ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumenyas na pumasok ako. Hindi ako sumunod. Nawiwili akong panoorin ang galit niyang mukha. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya nang natantong hindi ako sasakay sa sasakyan niya. “Get in,” madiin niyang saad. Hindi pa rin ako pumasok. Napahilamos siya sa mukha saka ipinikit niya ang mga mata niya at nang imulat niya ito, nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nagpadala sa madilim niyang mga titig pero bumababa ang tingin ko sa mukha niya. Tinitigan ko lang ito tulad nang lagi kong ginagawa. Hindi ko kayang basahin ang chokolate niyang mata hanggang tingin lang ang kaya ko. At hanggang doon lang ang gagawin ko... “Get in, Yiesha.” Dahil nababahala ako na baka may makakita sa 'min dito, sumakay na lang ako. Hindi pa rin nagbabago ang galit niyang mukha nang pumasok siya ng sasakyan. Wala pa rin akong pakialam... Walang ingay na nagmaneho si Truce, napakaseryoso nito. Hindi rin siya nagsasalita, hanggang sa tumambad na ang b****a ng gate namin. Hindi ako bumababa ng sasakyan, hinintay ko siyang magsalita. “Don't come in that f*****g party—” “Why not? It's his birthday—” “I'll go with you, then.” Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya lumabas ng sasakyan. Masasanay akong lagi siyang nakabuntot sa akin kaya dapat tuldukan ko na ito. “Hanggang... kailan ka susunod—” “Let's go in...” Umiwas siya ng tingin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit papasok ng bahay namin. Hindi ako nagprotesta, sumabay lang ako sa kaniya. Kumikislap na pares ng mga mata ang bumungad sa 'min. Nakangiti si Aling Elena at ang iba pang katulong, pati si Mang Eddie. Hinayaan ko na lang sila. “Aakyat na ako.” Binitawan niya ang kamay ko, nakangiti siyang lumapit at dinampian ng halik ang noo ko. Hindi na ako nagulat, pero dahil sa ginawa niya tumikhim ang mga kasambahay rito, nakaramdam ako ng hiya. “All right. Wait for me, sabay tayong pupunta.” Tumango ako sa kaniya, tumalikod at tumungo sa kuwarto ko. Pagpasok ko sa loob, bigla ko nang nagalaw ang kamay na kanina hindi ko magalaw-galaw. Hindi ako nagprotesta... bakit ko hinayaang gawin niya sa akin ang gusto niya? Kunot-noong tinungo ko ang cabinet para magpalit ng damit. Habang nagbibihis tumunog ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at sinagot. “Louryze...” “I heard 'bout the party...” Akala ko ba... busy ang babaeng 'to? “Pupunta ako.” Sandaling tumahimik ang kabilang linya. Tinapos ko ang pagbihis at tumungo sa bintana. “Shelley.” “Hmm. What about her?” "She's coming too. And you need to stay with her." Kumunot ang noo ko. “Bakit ko... gagawin 'yon, Louryze?” “You don't have to know. I'm sorry... Yiesha.” Hindi na ako nakasagot, pinutol na ni Louryze ang linya niya. Susubukan ko sanang tawagan siya ulit, pero dahil kilala ko siya, hindi ko na lang ginawa. Naglakad ako papuntang kama. Humiga ako, tumitig lang sa kisame, walang ibang iniisip kundi ang kalagayan ko. Ilang oras na ang nakalipas, nasa kisame pa rin nakatitig ang mga mata ko. Naramdaman ko na nagsisimula nang kainin ng dilim ang paligid. Minabuti kong tumayo at paghandaan ang party ni Reeve. Saktong pagbaba ko ng kuwarto nang pumasok si Truce sa bahay. Napasulyap ako sa kaniya. Napakagwapo niya sa suot niya. Hindi ko masabi kung anong klaseng damit ang suot niya. Wala akong alam sa mga mamahaling damit. Basta ang alam ko, nakasuot lang siya ng pantalon at itim na long sleeve na nakatupi hanggang siko niya. Kahit saang angulo ng mukha niya ako tumingin, napapasulyap talaga ako sa kaniya. “Hija, bakit ganiyan ang suot mo?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Aling Elena. Nakasuot ako ng T-shirt na kulay maroon at itim na pantalon. Pinaresan ko rin ito ng itim na sapatos. “Dito ho... ako komportable.” Naramdaman ko na lumapit ang bulto ni Truce sa likuran ko. Hinawakan n'ya rin ang kamay ko. Napapadalas ang paghawak niya sa kamay ko, nababahala ako sa mga ginagawa n'ya. Lalo na't... hindi ko magawang magprotesta. “Nay Elena, aalis na po kami.” “Mag ingat kayo,” tipid na saad ni Aling Elena. Lumabas kami ng magkahawak-kamay. Sinubukan kong bumitaw pero hindi nakisama ang kamay ko. Binitawan niya lang ang kamay ko nang sumakay kami ng sasakyan niya. Nakakunot ang noo ni Truce nang nagsimula siyang nagmaneho. Pinigilan kong ibuka ang bibig ko pero wala akong nagawa. “Problema mo?” tanong ko sa kan'ya. “Nothing...” Napatingin na lang ako sa labas. Bukas ang bintana ng kotse, ramdam ko ang may kalamigang hangin. Nakakayamot ang katahimikan sa loob ng kotse, hindi ako nakatiis, kinuha ko ang atens'yon na. “Truce...” “Hmm?” “Bakit sumama ka pa? Hindi mo rin naman ako kakausapin—” Umawang ang bibig ko sa sinabi ko. Ano'ng... pinagsasabi ko? Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon, hindi na ako umimik pa. “I'm sorry...” rinig kong saad niya sa mababang boses. Naguguluhan ko sa ikinikilos ko. “Yiesha...” Hindi na ako lumingon pa. Panganib siya... simula pa lang. Huminto ang sasakyan sa napakalaking bahay. Ang mansiyon ng mga Montalvo. Hindi ko na pinuna ang desinyo nito, naagaw lang ang atensiyon ko sa mamahaling sasakyan. Ang sasakyan ni Dad... “Yiesha—” Tumunog ang kan'yang cellphone. Nakaramdam ako ng kuryusidad kung sino ba ang kausap ni Truce. “What!? Okay, I'm on my way.” Sino kaya... ang kausap niya? Bakas na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha niya. Sa tono pa lamang ng boses niya, halatang napaka-importante ng taong iyon. “Truce, you alright—” “I'm sorry, but you need to go out.” “W-what—” “Now.” Napakurap ako. Wala sa sariling lumabas ako ng kotse niya. Tumingin pa ako sa kaniya. “Truce, bakit—” Nanlamig ako. Humarurot na lang bigla ang sasakyan niya palayo. Palayo sa kinatatayuan ko, palayo sa akin... Nagtataka ako kung bakit bigla niya akong pinalabas. Subalit mas nagtaka ako nang makaramdam ako ng biglaang kirot sa dibdib ko. Bakit... nakakaramdam ako ng ganito sa 'yo, Truce?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD