NARAMDAMAN KO ang likidong patuloy na tumutulo sa gilid ng mukha ko, subalit hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko. Inalala ko ang dahilan kung bakit blangko ang paningin ko, kung bakit itim ang nakikita ko. Pero iba ang pumapasok sa isip ko. Isang eksenang hindi ko sigurado kung nangyari na nga ba sa 'kin, o talagang nangyari na ngunit nawala lang sa memorya ko? Pinilit kong pigilang pumasok ang eksenang 'yon. Nang makita ang mukha ng totoong mommy ko, hinayaan ko na lamang ito. “Momommy!” nakangiting sigaw ng batang babae. Na alam kong ako ang batang iyon. “Yes, Yiesha. Baby?” “Close your eyes po, please...” “Hmm... What will I get in return—” “I will... hug you like this?” Kasabay nang pagyakap ng bata ang pagpikit ng mata ni Mommy. Humiwalay ang bata habang pikit na

