CHAPTER 38

2209 Words

KANINA PA ako nagising pero mas pinili ko pa rin ang mahiga sa kama. Dalawang araw na ang lumipas, hindi nawala sa utak ko ang ibinulong sa akin ni Cha' Esther. Pa'no nalaman ni Louryze ang tungkol do'n? Kunot-noong tumayo ako. Pagpihit ng mga paa ko paharap sa pinto, bumukas ito at iniluwa si Cha' Esther. May hawak na paper bag ang tanda. Nakanguso siya at naluluha ang mga mata. Ano'ng... problema ng tandang 'to? “Hija, Yiesha. May nag papabigay nito sa iyo.” Halata sa boses nito ang lungkot. Tinitigan ko ang tanda ng ilang segundo bago tumingin sa inilapag niyang paper bag sa kama. “Ito na pala ang huling araw mo rito, hija.” Umangat ang mukha ko. “Ano ho bang... sinasabi niyo?” Kahit alam ko na'ng ibig iparating ni Cha' Esther, gusto ko pa rin malaman kung bakit napaaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD