Wala siyang makapang galit para sa ama, tila normal nalang, umiyak din naman siya ng makita ang kabaong nito. Ang mama nila ay tila di na naman nasasaktan. "Ilang buwan na yang tiyan mo?" Untag ng Ate niya nang mapag isa sila. "Di ko alam, baka dalawa palang." Sagot niya dito. "Alam naba niya?" Ang tinutukoy marahil nito ay ni Kiel. Mapait siyang ngumiti at tila iiyak na sumagot. "Hindi, natatakot ako Ate." Pag amin niya dito. "Natatakot? Saan?" Takang tanong nito. "Nat niyang pag amin sa kanyang Ate. "Ikakasal siya sa iba?" Kunot ang noo na tanong nito. Marahan siyang tumango dito. "Sus ginoo, e bakit kapa niya binuntis?" Halata ang inis na nakalarawan sa mukha nito. "Hindi ko alam, nakakapagod na Ate. Simula ng maipanganak ko si Amber parang puro hirap nalang ang nararamdaman k

