Abala siya sa paghuhugas ng mga pinggan, lalo at nagsidatingan ang mga kamag anak nila sa side ng Papa nila. Mga pinsan at kung sino sino pang malalayong mga kaanak. Panay ang hikab niya habang naghuhugas, si Sherly naman ang pinagbantay niya kay Amber. Nasa bayan kasi ang mga kalalakihan including ang magkakaibigan. Kasama ni Kiel si Kuya Patrick upang mag ayos ng paglalagakan sa kanilang ama. Si Mama niya at ang ate niya ang natuka sa pag eestima ng mga bisita, taga bantay naman ng mga anak ng Ate niya si Shana. Kaya ito siya at nakaharap sa mga hugasin. Nag-inat inat siya para lang mapasigaw nang biglang yumakap sa kanya si Kiel. "Ang hilig mo talagang mang gulat!" Sita niya dito. Di naman siya galit. "Ang seryuso mo kasi masyado diyan at di mo man lang napansin ang paglapit ko." S

