Abby Pov Di niya gustong sumama sa mission na iyon. Unang una may bagyo na paparating, pangalawa ay di niya gustong malayo sa anak niya lalo at may dinaramdam ito. Pero wala siyang choice kundi sumama, kailangan niya ng pera para sa gamot ng anak niya. Amber experience heart failure simula pa man ng ipanganak niya ito. Naging extra challenge ang buhay niya sa mga nakalipas na mga taon. Pero kinaya niya, at patuloy na kinakaya kahit pa nga minsan ay natutukso siyang tawagan ang ama ng anak niya. Lalo na sa mga pagkakataon na napapa hospital niya ang anak niya. Ilang araw na din niyang inaalala ang kondisyon ng anak, kailangan na nitong ma operahan sa lalong madaling panahon. Isang tawag niya lang ay alam niyang maooperahan agad ang anak niya. Binabalak na din niyang bumalik ng Maynila

