Papatapos na silang kumain ng mapatingin sila sa isa sa mga kasama nito na tila walang pakialam sa mundo. Sunod sunod ang subo nito na tila ba ay huling hapunan na nito. "Pag ganito lagi ang ulam ko baka wala pang isang linggo lulubo na ako." Sabi ng bakla na kasama ng mga ito, sabay tingin sa poker face na si Kairo, tapos nalipat kay Mayor Gino. Hindi niya lang alam kung alam ng mga ito na Mayor ang lalaki. "Say thank you to Mayor Gino and Mr. Kairo sabi ng pinaka head ng mga ito. "Mayor? Wow ang galing naman thank you for being helpful po Mayor." Sabi ng isa. Napatingin siya sa babae, gusto niyang matawa nang mahuli niya itong nakatitig sa kanya. Kaagad itong nag iwas ng tingin sa kanya. Alam niyang kahit sakal sakalin niya ito ay di ito aamin na namimiss siya nito. Mahaba habang kw

