Di magkamayaw ang mga bisita sa pagpapapicture lalo na ang mga baliw na kaibigan ng lalaki. Katatapos lang ng kanilang kasal at nasa reception na sila, masaya ang lahat lalong lalo na siya. Sino ba naman ang hindi lalo na at natupad na ang pinaka inasam asam niya, ang maikasal sa taong mahal na mahal niya at alam niya na di siya nito sasaktan at pababayaan. Halos maiyak siya kanina nang ihatid siya sa altar ng Mama niya. Maluha luha din ang kanyang Ate at ang iba pa niyang kapatid. Walang pagsidlan ng tuwa si Amber na tila kilig na kilig sa kanilang dalawa ng ama nito, the whole period ng kasal nila. "Titig na titig kana naman sakin, baka mamaya kung ano na naman ang binabalak mo sa akin mamaya sa honeymoon natin." Pilyong bulong ng asawa sa kanya. "Tsss conceited!" Irap niya dito. "S

