Tahimik siya habang nakaupo sa harap ng lamesa, si Kuya Patrick ang nasa receiving area kung saan nandun ang labì ng kanyang ama. Sabay silang kumakain ni Ate at Mama niya, pumasok naman si Kiel na medyo pawis pa. Ito ang bumili ng ilang mga gagamitin nila sa lamay. Nang muli siyang magising kanina ay wala na ang lalaki, sa kanilang bayan kasi Half day lang ang bukas ng mga establishments pag linggo. Kaya sinasamantala ng mga ito para may magamit para mamaya sa pagpapakain at pagpapakapi sa mga bisita na makikiramay. "Hi sweetheart!" Bati nito sa kanya na humalik pa sa kanya, kahit pa nga kaharap ang kanyang Ate at ang kanyang Mama. Nakita niya ang mapanukso na mga sulyapan ng dalawang kasalo niya. "Hi, kain na." Sabi niya, nahiya siyang sungitan ito dahil ang lambing lambing nito sa ka

