Magkaagapay silang naglakad papalayo sa naturang resort. She felt a bit annoyed about what happened lalo at mukha pa namang masarap ang mga pagkain. Masarap sana kumain na nakaharap sa dagat, pero nasira ang pantasya niya nang dahil sa bruha na yun. "Nasira niya ang momentum ko, hays balak ko pa naman sana na mag propose kanina." Sabi nito na ikinalingon niya dito. Di niya kasi inasahan na sasabihin nito ang bagay na iyon. "P-propose?" Kunot ang noo na tanong niya na bahagya pang napasapo sa kanyang tiyan. Para kasing iikot ang kanyang sikmura sa sinabi nito. Grabe din ang kanyang kaba. "Yes, kailan paba ako mag po propose? Kung liyad na liyad kana?" Sabi nito na inalalayan siya pasakay sa sasakyan. "P-papakasalan mo ako?" Tanong niya na huminto pa sa pag akyat. Gusto niyang magtatalon

