Batid niyang nakilala siya ng babae dahil tila kinalabit pa nito ang kasama nito at sabay na nagtawanan, di na siya magugulat kung siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Salamat at naka sunglasses siya kaya di nito alam na nakatitig siya sa pwesto ng mga ito. "Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na iyan." Biro ng lalaki na halatang kanina pa nakikiramdam sa kanya. "Di parin siya nagbabago, mapangmata parin siya sa ibang tao. E halata namang dukha din naman siya." Inis na bulong niya dito. Humalakhak naman ang baliw na lalaki, mukhang may binabalak itong gawin. Minsan na nilang ginawa iyon, noong nagkita kita sila ng mga kakilala niya at akmang ipapahiya siya. Pero napanganga ng malamang sa isang prestihiyosong kompanya siya nagtatrabaho at di lang yun, isa siya sa may mga matata

