Tila di siya kontento sa check up na ginawa sa kanya. Parang inalam lang ng doctor kung buntis nga siya o hindi, tapos nagbayad na sila. Pakiramdam niya ay di naman dapat ganun lang, pakiramdam niya kasi ay kulang ang ginawa ng doctor. Sabagay ano ba kasi ang kanyang ini expect sa pampubliko na mga check ups. Sa dami nila kanina na nakapila ay baka abutin ng siyam siyam bago matapos silang lahat. "Tahimik ka diyan?" Puna ni Kiel, hiniram nila ang sasakyan ni Kuya Patrick at iyon ang ginamit nila para daw di na siya mapagod. Dalawa ang sasakyan nito, ang isa ay sa Ate niya kaya lang ay takot mag drive ang Ate niya kaya si Kuya Patrick parin ang gumagamit. Kumpara nung limang taon ang nakaraan ay tila napakalayo na ng narating ng pamilya ng Ate niya. Sa kabilang bahay na ang mga ito naka

