Nang tuloyan na naglaho sa paningin nila ang sasakyan ng alkalde ay tahimik na inakay na siya nito papasok sa loob ng bahay. Wala itong kibo kaya naman ay iniisip niyang baka galit ito. Di pa naman siya sanay na di ito nagsasalita. Hanggang sa tanghali ay di talaga umiimik ang lalaki. Kahit tanungin niya pa, kaya na highblood na siya, di niya din ito pinansin ang seste e siya lang ang marunong di mamansin? Di naman yata makatarungan iyon. Maging ang mga kaibigan nito ay nadamay dahil pag kaharap ito ay di siya nagsasalita. "Kumain kana dun." Dinig niyang sabi ng lalaki. Tila wala lang narinig na itinuloy niya lang ang kanyang ginagawang pagpupunas ng mga lamesa na wala nang mga tao. Naiinis siya dito na gusto niyang paalisin nalang ito. "Abby, kumain kana dun hapon na o wala kapang kain

