Ilang katawan ang bumagsak nang mapansin niya ang pagdating ng sasakyan ni Gio, Gino at Dalton sa labas ng gate ng kanilang bahay. Medyo malayo sa karaniwan na pinagpaparkingan ng mga ito. Pero alam niyang para sa safety nilang lahat ang rason kung bakit doon ang mga ito nag park. "Thanks god dumating na sila." Sabi ng Daddy niya na halatang nakahinga ng maluwag ng makita ang kanilang mga kaibigan. Palibhasa ay pare parehong bihasa sa pakikipaglaban kaya mabilis na nakasampa ang mga ito sa pader. Tila mga unggoy na nagpalipat lipat ng sanga ng malaking puno ng balete na nasa loob mismo ng kanilang bakuran. May ilang ulit na nagkubli si Gino, lalo at mukhang matitinik ang mga tao ng kalaban. Walang pag uusap na naganap sa mga lalaking nanugod. Pero nakita niya ang isang lalaki sa kaliwa

