Nang makabalik na ng Maynila ay nakomperma niya ang sinasabi nito na ito nga ang kanyang sperm donor. Ang kanyang doctor na mismo ang nag confirm sa kanya. "Yes, Mr. Ezekiel Lacsamana bribe my employee." Pag amin nito, she is still thankful na ito ang ama ng kanyang anak. Papalabas na siya galing sa clinic nang makabangga niya ang isang tumatakbong lalaki, inakala niya pang snatcher pero di naman ito nanghablot ng kanyang bag. Basta nabangga lang siya nito, dahilan para malaglag ang ilang mga papel na hawak hawak niya. Naagaw ng kanyang pansin ang tila sobre na nakatupi sa isa sa mga papel na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay na tiningnan niya ang papel. Habang bunubukas ang sobre ay siya ding bilis ng t***k ng kanyang puso. 'Good luck Mrs Lacsamana, your baby will be mine soon?'

