Jade's POV "Jade, come closer." paghapit sa akin ni Hilaw, bago ako medyo pinatungo para ipatong ang kamay sa itaas ng ulo ko. Pinapandungan nya ako. Susulong kasi kami ngayon sa ulan. Hindi naman ganun kalakas yun, pero kailangan kong makisama sa desisyon ng kasama ko. Gusto ko nga sanang sabihin na may payong dun sa loob, pero mahirap nang asarin sya baka di nya pa ako isama. Hayaan na lang. Sabay kaming nagtakbo papunta sa may itim na sasakyan. Pinagbuksan ako ni Hilaw ng pinto at pinapasok sa likod nun, bago siya pumasok sa katabi ng driver. "Hay~" saad ko nang makaupo ako at mabilis na pinagpagan ang braso. Kinapa ko rin yung ulo ko kung basa ba yun. Bukod sa dulo ng buhok na hindi naman ganun kabasa ay luckily, salamat kay Hilaw, hindi naman basa ang ulo ko. Kanina ko pa rin nap

